CHAPTER SEVENTY

8 0 0
                                    

CHELZEAH'S POV

Ngayong araw na ang simula ng pagtuturo ko, kaya naman maaga akong gumising para makapaghanda. Alas-sais palang ng umaga nang magising ako, maliligo pa kasi ako at magluluto ng breakfast namin ni Aster. Masyado pang mahimbing ang tulog niya kaya hindi ko muna siya gigisingin. Nagtungo ako agad sa bathroom para maligo, inalis ko lahat ng damit ko at tumapat sa shower para maligo. Hindi naman sobrang lamig ng tubig kaya hindi ako nilalamig.

Lumabas na ako sa bathroom habang suot-suot ang roba, kukunin ko pa kasi ang uniform ko. Sakto namang gising na ang boyfriend ko, kusot-kusot pa nito ang mga mata at nag-unat ng katawan. Nakangiti lang siyang nakatingin sa 'kin at bumangon siya saka dali-daling lumapit sakin.

"Ang aga mo namang magising, handa ka na bang magturo?" Tumango ako at ngumiti. "That's nice, hmm...good morning love." Nakangiting bati niya.

"Good morning din, magpunta ka na sa bathroom, magbibihis ako." Napangisi siya sa sinabi ko, "bilis na baka malate ako, magluluto pa ako ng breakfast natin. Magbabaon ka pa ng pagkain mo, ayoko naman kasi na saan-saan ka bumibili ng lunch mo baka hindi makakabuti sa health mo." Sabi ko pa habang tinatanggal ang mga muta niya, lumawak ang ngiti sa labi nito.

"Uhmm...yes love." Tipid niyang sagot at humalik sa pisngi ko. Naglakad agad siya patungo ng bathroom at ako naman ay nagsimula nang magbihis. Matapos no'n ay inayusan ko na rin ang sarili ko. Nakaharap pa ako sa salamin habang nakangiti, excited na kasi akong magturo, isa pa, pre-school ang mga tuturuan ko. At hindi ako makapaniwala na teacher na ako, kasi bata pa lang ako pangarap ko na 'yon.

Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi natupad na ang pangarap ko na maging guro, alam kong hindi madali 'yon sapagkat, gagawa ako ng mga power point, lesson plan, na kailangan kong pagpuyatan, pero kahit gano'n naman ay masaya naman ako, dahil pangarap ko 'yon. Gusto kong magbigay ng mga kaalaman sa mga batang mataas ang pangarap sa buhay. Mga batang magiging ihemplo ng bawat pamilya, to make them parents proud and happy.

Nakapaghanda na ako ng breakfast namin ni Aster at nag-pack na rin ako ng kakainin niyang lunch para mamaya, syempre gumawa na rin ako ng para sakin. Nagsisimula na kaming kumain ng agahan.

"By the way, pupuntahan kita every lunch, para sabay tayong kakain, para masigurado ko rin na kumakain ka nang tama sa oras." Aniya saka uminom ng kape.

"Huwag na love, maiistorbo ka pa sa work mo eh, mapapagod ka lang." Pagtanggi ko. Bumuntong-hininga siya at umiling.

"Hindi ka istorbo sakin okay? Hindi ako mapapagod, kasi kung ikaw naman ang pupuntahan ko. That's my own company, I can do whatever I want. Just to make sure, na hindi ko napapabayaan ang babaeng mahal ko. Patas naman akong magtrabaho, kaya hindi mo na kailangan mangamba pa." Seryosong sabi niya habang hinahaplos ang kamay ko.

"Ikaw talaga, ang aga-aga pinapakilig agad ako. Oo na psh." Singhal ko pa at tumawa lang siya. "Bagay ba sakin yung uniform ko?" Paninigurado ko.

"Of course love, it suits you, and any kinds of clothes that you wear matters to you." Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya at matamis na ngumiti dito. Natameme nalang ako at inubos ang pagkain ko. Pagkatapos no'n ay kinuha ko na ang bag ko at sinuot ang I.D, saka ang black shoes ko na may katamtaman na takong. Gusto ko kasi kapag naglalakad ako may tunog, lakas maka independent.

Naglagay pa ako ng perfum sa wrist at leeg ko para naman mabango 'di ba?

"Let's go?" Mahinahong tanong niya at inilahad ang kamay sakin, inalalayan niya akong maglakad papuntang kotse niya at hanggang sa pagpasok ay umalalay pa rin siya sakin. Ako na ang nagsarado ng pinto ng passenger seat saka siya dumiretso sa driver's seat at sinarado ang pinto no'n, sinuotan niya pa ako ng seat belt for safety at sinuotan niya pati ang sarili niya, nagsimula na rin siyang magmaneho palayo sa bahay nila.

Astrophile's Flaws [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon