“It’s okay. Lasing siya at hindi niya alam ang mga sinasabi niya.” Hinga ko. Napatitig na lang siya sa akin at hindi agad nakasagot.

Nanghina akong muli nang maalala ang mga binanggit ni Carmela kanina. Palaisipan sa akin kung sino ang babaeng tinutukoy niya na pinapantayan ko. Kung sino 'yon na hindi ko raw malalampasan dahil ilang taon itong minahal ni Terrence.

The first woman that came into my mind was Nash. Siya lang naman ang kilala kong babaeng may kaugnayan noon kay Terrence. Nagkarelasyon silang dalawa at kamuntikan pang ikasal. Pero habang narito kami sa loob at ginagamot niya si Ella, ako naman ay malayo ang iniisip. Naalala kong may nabanggit na sa akin si Terrence na tungkol sa babaeng minahal niya noon ng lubos. Na kaya hindi sila nag-work ni Nash ay dahil sa babaeng 'yon.

Mas lalong kinurot ang puso ko sa mga naisip na iyon. Sana naman ay hindi na mahal ni Terrence ang babaeng iyon at sana hindi kami masira dahil doon. Naiiyak ako sa isipin pero abot abot ang pagpipigil ko.

“No, it’s not okay.” Sa wakas ay salita niya. “I believe that you deserve an explanation.” Nanginig ang boses niya at nakikita ko ang kaba sa mga mata niya.

Ilang beses na tumaas-baba ng mabilis ang dibdib niya. Now, I am nervous too. And I’m afraid of what I might hear from him.

Pumikit ako. Gusto ko handa ako kapag pinag-usapan namin ito. Dumilat ako na ang mga madidilim niyang mata ang sumalubong sa akin.

“I love you.” Halos manghina na parang naghihingalo ang boses niya. Tila hirap na hirap siya at naramdaman ko iyon. May maliliit na pitik sa puso ko na nahihirapan din gaya niya. “I am in love with you, Therese. I’m hoping that you don’t have any doubts about that by now. Alam mo na ang kwento ko. You know that Nash and I are over. You know that I am over with the first girl I loved before. At alam kong nararamdaman mo kapag nagsasabi ako ng totoo.” Kinagat niya ang labi niya matapos niyang magsalita. Pinikit niya ang mga mata niya.

Hinintay ko siya sa susunod na gagawin niya. I was actually hoping that he will lean down and kiss me but he didn’t. Sa halip ay dumilat ulit siya at nanlalambot na damdamin ang nakita ko mula sa mga mata niya.

“Please. Please tell me that you believe me when I said I’m in love with you. Sabihin mo ulit na nababasa mo 'yon sa mga mata ko. You can, right? Nakikita mo 'di ba?” Aniya bago sinandal ang noo sa ibabaw ng akin. Pumikit ulit siya.

Oo naman. Oo at nakikita ko. Halos malunod na nga ako sa pakiramdam na mahal na mahal ako ni Terrence. Oo naman at ramdam ko iyon. At hindi na niya kailangan makiusap dahil naniniwala ako sa kanya. May tiwala ako sa kanya.

Tumango ako at nagulat ako sa biglaan at mabilis na pagdampi ng labi niya sa akin. Halos maubusan ako ng hininga sa ginawa niyang mabilis at madiin na halik. Ni hindi ko alam kung nakita ba niya ang pagtango ko o kahit naramdaman man lang. Tumugon ako at sinuklian ang paraan ng paghalik niya. Parang doon nakasalalay ang buhay naming dalawa at oras na humiwalay kami ay mawawalan kami ng buhay. Nang tumigil ay habol habol namin ang aming hininga. Nagkatitigan kaming dalawa at ang kanina’y malungkot at malambot niyang mga mata ay dumilim at napalitan ng damdaming hindi ko na mabasa.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon