23

2.1K 79 4
                                    

Kyungsoo POV:

Pitingini. Hindi ko talaga inexpect na si Mr. Do Min Jin ang tatay ko. Syet lang. Masyado nang nagiging maliit ang mundo para sa amin.

Nalaman ko ito nang dahil dun sa papel na nahulog mula dun sa malaking notebook. Nakalagay rito ang baby picture ko kasama ang mama ko. Tinanong ko si Mr. Do ng tungkol doon. At iyon, sinabi niya sa akin ang totoo na ako ang anak niya. Masaya ako at the same time, malungkot. Kasi hindi na naabutan ni papa si mama.

Nagpunta ako sa apartment nila Baekhyun noong isang araw. Pero pagdating namin, wala nang nakatira doon. For sale na ito. Gusto ko nang makita ulit si Baekhyun. Kahit ginawa niya sa akin yun, mas marami paring magandang pangyayari ang nangyari sa amin. Kaso wala siya. Gusto ko syang patawarin at makausap ulit. I miss him such, i miss my bestfriend.

Pero hindi ko ineexpect ang mga sumunod na nangyari. Magkakilala si papa at si Kai. Malamang, parehong CEO ng company ang tatay namin at may partnership pa pala. So ngayon, wala nang dahilan si Mr. Kim para paghiwalayin kami ni Kai. Tama ba? Sumagot kayo ng OO kundi hindi ko isheshare sa inyo yung abs ni Kai.

I missed him so much. I missed his voice, touch and pressence. I feel incomplete without him. Kaya naman nung nakita ko siya ay sobrang natuwa ako.

Noong araw na iyon, nagkasama uli kami ni Kai. Pinayagan ako ni papa. Huehuehue. Ako naman itong KILIG KILIG, sagad hanggang gilagid ni Suga, huh sino yun?

By the way, nandito ako ngayon sa mall. Ang haba ng kwento ko noh? Nandito ako para bumili ng chicken. Gusto ko kasing lutuan si Kai eh. Alam niyo naman, paborito niya yun.

Paglabas ko ng mall, may humila sa kamay ko. Humarap naman ako ng dahil sa gulat.

"Kyungsoo.. "

"Dara?" gulat na tanong ko. Di ko expect na nandito rin siya. Mas nagulat ako nang mas lumuha ang mga mata niya. Dahil pa ba ito dun sa video o ibang usapan na.

"Kyungsoo," niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nararamdaman ko na ang pagkabasa ng damit ko dahil sa luha niya. Niyakap ko naman siyang pabalik.

Hinarap niya ako. "You need to know this," sabi ni Dara.

May kinuha siya sa bag niya. Pagkalabas, nanlaki ang mga malalaki kong mata.

"Im pregnant at ikaw ang ama," napayuko siya habang patuloy na umiyak.

Nang sabihin niya iyon ay tumigil ang buong mundo ko. Shit. Tatay na ako.. Puta!

Iyak lang siya ng iyak. Naaawa ako sa kanya kaya niyakap ko ulit siya. Hindi ko naman pwedeng ipalaglag yun, ano ako? Gago? Pag ginawa ko yun, wala narin akong pinag iba sa mamamatay tao. Tsaka sarili kong anak iyon.

Humiwalay ako sa pagkakayakap. "Wag ka mag-alala, papanagutan ko," nang dahil dun ay napangiti siya.

Ang ngiti niya ay panandalian lamang. Dahil napalitan agad ito ng gulat at takot.

Mukhang may nakita siyang hindi kanais nais sa likod ko. Kaya naman nilingon ko ito.

"Fvck Dara! You're with that shit?" sigaw nung lalaking mukhang mayaman.

"Pa, let me explain," nilapitan niya ito.

Pa? Tatay niya. Shit. Tatakbo ka na ba Kyungsoo?

Pero bago pa man ako makatakbo ay nahagip na ako ng kamao ng tatay ni Dara. Nahilo ako dahil sa sobrang lakas ng pagkasuntok niya sa akin. At pagkatapos nun ay humirit pa ulit siya ng isa pang napakalakas na suntok dahilan para tumilapon ako sa sahig.
"Kyungsoo!" rinig kong sigaw ni Dara.
Tatayo na sana ako kaso hindi ko na kaya. Feeling ko anytime ay babagsak na ang buong katawan ko. May naramdaman akong humawak ng braso ko at tinulungan akong makatayo.

Min Jin's POV:

Halos gumuho ang buong mundo ko nang nakita ang nag-iisa kong anak na sinasaktan. At ang masakit, ay si Mr. Park pa ang gumawa nito sa kanya. Napatakbo nalang ako nang tumilapon siya sa lapag. Tinulungan ko siya. "Mr. Do, lumayo ka sa lalaking iyan. Wala siyang karapatan para makatanggap ng tulong," nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Mr. Park.

Tinignan ko siya ng diretso at nagsalita, "Hindi. Hindi pwede. Wag mo na siya ulit sasaktan kung ayaw mong ikaw ang mapahamak," pagbabanta ko sa kanya. Natawa lamang siya. "Huh, bakit? Sino ba yan para ganyan nalang kalaki ang epekto niya sayo?!" sigaw niya pabalik sa akin. Inalalayan kong tumayo si Kyungsoo at isinabit siya sa balikat ko. "Siya ang nawawala kong anak," mariin na sagot ko at umalis na. Hindi ko na nakita ang ekspresyon ng mukha niya. Pero panigurado akong gulat na gulat siya.

Nagtaka siguro kayo kung bakit ko kilala si Mr. Park. Siya at si Mr. Kim ang kapartner ko sa company na pinanghahawakan ko. Napagdesisyunan namin ang magkaroon ng connections sa bawat isa para hindi kaagad bumagsak ang kinikita ng bawat isa sa mga kompanya namin. Kaya naman, halos kaibigan na ang turing ko kay Mr. Park. Kay Mr. Kim.. Nevermind.

Dinala ko nalang ang anak ko sa pinakamalapit na ospital.

"Appa, ayoko na dito. Gusto ko na pong lumabas," pagkasabi niya nun ay akmang tatayo na siya pero pinigilan ko at pinahiga muli sa hospital bed. "Heep! Hindi. Dito ka lang kasi kailangan mong magpahinga. Tignan mo nga yan oh, sariwa pa yung sugat sa labi mo." sabi ko habang tinuro ang labi niya.
"Pero pa, hindi niyo naman po kailangang gawin toh sa akin. Tsaka malaki na po ako," pagrereklamo niya.
"Kyungsoo, ginagawa ko lang naman ang dapat gawin. Sa tagal na nagkahiwalay tayo, dapat lang na magawa ko ang responsable ko sayo bilang ama mo," nang dahil sa sinabi ko ay napangiti siya. Yang mga ngiti ba iyan, naaalala ko iyan.
"Alam mo pag ngumingiti ka.. Naaalala ko ang nanay mo," sabi ko nang may halong lungkot. Nagulat nalang ako nang bigla akong niyakap ni Kyungsoo.
"Wag na po kayong malungkot pa. Kung nasaan man si eomma ngayon ay paniguradong masaya siya," sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Ang bait talaga ng batang ito. Maayos ang pagpapalaki sa kanya.
Ayy oo nga pala, may naalala ako!

"Kyungsoo, kailangan mong magpagaling para magsorry kay Mr. Park," sabi ko nang seryoso sa kanya.
"P-pero bakit po? Wala naman po akong ginawang kasalanan eh," sagot niya.
"Kahit na. Baka kasi hindi niya tayo papuntahin sa kasal ng anak niya next week," nang dahil sa sinabi ko ay mas nanlaki ang mga malalaki niyang mata.
"Ano?! Kanino po siya ikakasal?" natatarantang tanong niya.
"Bakit? Di ba kilala mo si Kim Jong in, akala ko ba close kayo nun? Siya ang ikakasal sa anak ni Mr. Park. Perfect couple right?" nakangiti kong sabi para naman medyo mabawasan yung pressure na nararamdaman niya ngayon.
Nagulat ako nang may biglang tumulong luha sa mata niya.
"Pa, pati ba naman kayo, tutol na rin?" pagkasabi niya nun ay mas mabilis sa kidlat ang pag-alis niya. Hindi ko na nga siya napigilan sa bilis eh. Pero nalilito talaga ako. Anong tutol? Tutol saan? May hindi ba ako magandang nasabi sa kanya. Gee..

Baekhyun POV:

"Wag ka mag-alala Baek, si Kyungsoo na ang susunod," sabi ni Yeol habang may nakasubong lollipop sa bibig niya.
"Putang ina mo Chanyeol," mahinang sabi ko.
Pero hindi ko inaasahan na maririnig niya pala yun. Masyado pa ba akong maganda para marinig niya ang bulong ko?
Out of the blue ay itinapat niya sa ulo ko ang baril.
"Sige, murahin mo pa ako Baekhyun. Kundi itong baril na ito ang susunod na magmumura sa iyo," pananakot niya sa akin.

Aba puta talaga! Park Chanyeol.. Sa impyerno ka talaga didiretso. Walang hiya ka. Magdurusa ka rin!

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now