20

1.9K 74 4
                                    

Chanyeol POV:

"Patayin mo na siya. Hindi na ako makapaghintay," usal sa akin ni Mr. Kim, ang papa ni Kai.
"Pero po... Hindi ba't magkahiwalay na po sila?" pagtataka ko.
"Basta. Sinira niya ang buhay ko. Sinira niya ang buhay namin ni Min Jin. Patayin mo nalang siya. Gusto ko lang makaganti sa kanya at lalo na sa anak niya, si Do Kyung Soo." nagsindi si Mr. Kim ng isang sigarilyo at umihip.

Wala na akong ibang nagawa kundi sumunod. Nabalitaan namin na nasa ospital ang nanay ni Kyungsoo. May sakit raw ito.

Ako ay isang tauhan ni Mr. Kim. Ang sabi niya, kapag nagawa ko raw ang sinasabi niya, ay agad niya akong ipapakasal kay Dara. Syempre, pumayag ako. Kahit pa pumatay ng inosenteng tao ay gagawin ko. Basta para sa kanya, ganun ko siya kamahal.

Nagpunta ako sa ospital. Nagsuot ako katulad ng uniform ng mga nurses dito. Nasa bulsa ko, dala ko ang isang injection. Isang tusok lang sa pasyente ay agad na mawawalan ng hininga.

Room 204 ang nanay niya. Tamang-tama, may klase ngayon. Hindi muna ako pumasok para gawin ito. Sumakay na ako ng elevator dahil nasa 3rd floor ito. Tahimik lang ako sa loob ng elevator. Pasara na sana ito ng may biglang pumasok, ang isang doktor. Tinignan ko muna ang paligid ng elevator kung may CCTV ba rito. Pero success, kasi wala. Pagkasara ng elevator, agad kong hinila ang kwelyo ng blazer ng doktor at hinawakan ito pataas. Ito ay naging dahilan ng pag-angat niya sa sahig.

"Kilala mo si Mrs. Do, right?" tanong ko sa kanya habang inilalabas ang kutsilyo.
Tumango na lamang siya nang biglang mag pawis na tumulo mula sa ulo niya.
"Sa oras na mawalan siya ng hininga, papalabasin mo na cardiac arrest ang naging dahilan ng pagkamatay niya," sabi ko habang tinututok ang kutsilyo sa leeg niya.
"At sa oras na sinuway mo ang utos ko," nilapit ko sa mata niya ang kutsilyo, "ito ang hahalik sayo," binigyan ko siya ng nakakatakot na ngiti.
Napalunok nalang siya at tumango. Saktong bumukas na ang elevator kaya naman agad kong ibinulsa muli ang kutsilyong hawak ko.

Nasa tapat na ako ng Room 204. Nilagay ko na ang mask ko at pumasok. Saktong walang tao rito ngayon. At swerte narin, kasi kasalukuyang natutulog ng mahimbing si Mrs. Do. Labag man sa kalooban kong pumatay ng tao, kailangan pa din. Gusto ko lang naman na mapasaakin si Dara eh.

Lumapit na ako at dinukot ang injection. Itinutok ko ito sa may bandang dibdib. Napapikit pa ako .. Pero ilang sandali lang ang nakalipas ng marealize na nasaksak ko na pala ng injection ang mama ni Kyungsoo.

Itinago ko na ito at aalis na sana nang biglang..

"T-tulungan mo ako, hmmmm, ahh, h-hindi ako ma-makah-hinga.. Hhaaaa," nanginginig na sabi ng mama ni Kyungsoo. Lumabas na agad ako kasi baka may makahuli sa akin. Pagkalabas ko, makakapasok na sana ako sa elevator. Nang makasalubong ko si Baekhyun. Ano naman ang ginagawa niya dito?

Mukhang hindi niya ako napansin dahil nakamask parin ako.

Lumabas ako sa ospital na iyon ng walang nakakaalam sa ginawa ko. Hindi ko lang alam ang sasabihin ni Kyungsoo na patay na ang nanay niya.. NG DAHIL SA AKIN

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें