30

1.8K 74 2
                                    

Kyungsoo POV:

"Kyunggie," tawag sa akin ng nag-iisang malandi kong bespren, si Baekhyun.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. I really miss this gay. Haaiissst, kahit pala minsan nakakainis ang ugali nito, namiss ko siya ng sobra. Mahal na mahal ko talaga yang bespren ko.

Kumalas ako sa yakap at kinamusta siya. "Oy bakla! Kamusta ka na?"

Nirolyo niya ang mata niya at tinalakan ako. "Ito, maland--- este maganda pa din! Hoy ikaw Soo! Wag ka munang lumandi, mamaya masundan pa yang baby niyo."

Babatukan ko na sana si B nang may maramdaman akong brasong kumawit sa bewang ko. Hinapit ako nito at hindi ko na kailangan sabihin kung sino ang maitim na nilalang na ito. "Syempre Baek, may susunod pa kaming baby. Diba Kyunggie?" namula ako sa sinabi ni Jongin. Pinalo ko ng mahina ang dibdib niya at natawa naman siya. Inirapan kami ni Baek dahil naiinggit siya, obvious naman eh.

"Hoy! Magsitigil nga kayo! Ang kakati ng betlog niyo . ." pagrereklamo ni Baek kaya binelatan ko siya.

"Inggit ka lang eh . . Pwe!" pununukso ko na ikinatawa ni Kai. Inirapan ako pabalik ni Baek. Aba! Ang hilig man-irap ng baklang toh ah! Tusukin ko ng eyeliner yung mata niya eh. :3

"Ano ba? Pumunta ba kayo dito para maglandian o bisitahin si Yeol?!" bulyaw sa amin ni Baekhyun. Sumakit yung tenga ko, tingini.

Si Baekhyun ang tumayong tagapangalaga ni Chanyeol hyung simula nang mailabas siya sa Rehab. Ako ang nagtanong kay Baek kung papayag ba siya, at dahil hindi naman masama ang bespren ko, ay pumayag siya. Simula nang malaman ko na nakakatandang kapatid ko si Chanyeol hyung ay nagkaroon na ako ng pakielam dito.

Sumunod kaming dalawa ni Jongin kay Baekhyun paakyat ng 2nd floor. Tumigil kami sa harap ng isang pintuan.

"Diyan ang kwarto ni Yeol. Nasa loob siya, pumasok nalang kayo," sabi ni Baekhyun bago niya kami iwan.

Nagkatinginan muna kami ni Kai bago pihitin ang nob ng pinto. Pagkapasok namin ay nadatnan namin ang isang Chanyeol na nakasilip sa bintana. Hagip ng sinag ng araw ang kanyang mukha at ito lang ang nagsisilbing liwanag sa isang madilim at malaking kwarto. Dahan-dahan akong naglakad at lumapit sa kanya. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Paano kung hindi niya pa tanggap? Paano kung galit parin siya sa akin?

Nang maramdaman niya ang presensya ko ay lumingon siya sa direksyon ko. Blanko ang mukha niya at tanging lungkot ang bumabalot rito.

Hindi ko alam ay may tumutulo na palang luha sa gilid ng mata ko. Nagulat ako nang tumayo siya at nilapitan ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at yumakap rin ako pabalik.

"K-kyungsoo, I'm sorry," paghikbi niya.

Hinagod ko ang likod niya dahil alam kong nasasaktan siya sa mga oras na ito. "Chanyeol hyung, ayos lang. Ayos na ang lahat," pagpapaliwanag ko.

"Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko. Sorry dahil sinira ko ang buhay mo. Sorry dahil wala akong kwentang kapatid. Sorry dahil----" hindi ko siya pinatapos at kumalas sa yakap.

"Hyung, wala kang kasalanan. Galit at paghihiganti ang nanaig sa lahat. Hyung, ayos na ang lahat. Magsama-sama na tayo bilang pamilya . . Arraso?" napangiti siya at tumango. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit at naputol ang pagdadrama namin nang may magsalita.

"EHEM . . SOBRA NAMAN YATA YANG YAKAPAN NIYO," aish. Nagseselos nanaman ang baby damulag ko, hihihi.

----------------------

"Jongin, saan ba tayo pupunta?

"Basta. Relax ka lang Baby Soo."

Ano nanaman bang trip nitong negron toh? Bakit sa dinami-dami pa ng lugar eh bundok itong pinuntahan namin? Aba, hindi kaya ako mahilig maghiking :c

Hingal na hingal na ako pero itong kasama ko, aba nageenjoy pa. Putulin ko betlog nito eh. Ayy wag na pala, wala na akong lilimliman pag nangyari yun :3

Nang makarating kami sa tuktok, napawi ang pagod na nararamdaman ko. Napalitan ito ng saya at pagkaaliw dahil sa view na nasa harapan ko. Nakakarelax rin ang hangin na nalalanghap ko ngayon.

"Soo, ang ganda noh?" nakangiting tanong sa akin ni Jongin. Tumango ako habang nakangiti.

"Nung bata ako, dito ako pumupunta."

"Oh, talaga?"

"Oo. Nung araw na iyon, sinabi ko sa sarili na dito ko dadalhin ang una at huling mamahalin ko," namula ako nang dahil sa kwento nitong Nini ko. Ayyiiee, che. Hindi ako kinikilig noh?

"Letse, ang dami mo kayang ex. Baka hindi ako yung una mong dinala dito eh," nakapout kong reklamo sa kanya. Tumawa siya ng mahina at hinarap ako sa kanya.

"Nagseselos ka ba Baby Soo?" nakakaloko niyang tanong.

Nagpout ako habang tumatango. Totoo naman eh. Puta siya! Ang korni ng Nini na yan, hmmp. Leche!

He cupped my cheeks. "Wag ka na magselos Baby Soo. Ikaw ang unang dinala ko rito," napangiti naman ako. Tanginang Jongin toh, pinapakilig nanaman yung utong ko.

"Ikaw ang una at huling dadalhin ko rito," idinikit niya ang noo niya sa noo ko. "Ikaw lang Soo, wala nang iba. Ikaw at ikaw lang Baby Kyunggie, mahal na mahal kita," sabi niya at siniil ako sa napakalalim na halik.


Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now