03

6.1K 179 13
                                    

BAEKHYUN POV:

Bakit ganun? Bakit si Kai nalang ang laging kasama ni D.O? Galit ba si Kyungsoo sakin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah. Mabuti naman akong kaibigan at tsaka kahit kelan ay di ko magagawang paglaruan sya. Nagseselos na ako. Sa tuwing magkasama kami ni Kyungsoo ay parang ang saya-saya ng araw ko. Di ko nga alam kung bakit eh. Ang cute nya kasi. Pero.. Di ako bakla ah! Malandi nga lang talaga ako.

"Oyy landi!" may narinig akong tumawag mula sa likuran ko.

Paglingon ko, nakita kong si Chanyeol ito. Sya ang kinaiinisan ko dito sa campus. Masyado syang mayabang at bully. Nakakabwisit kaya pag tinatawag nya akong landi. Kulang na nga lang ay itali ko na yung bibig nya sa malalaki nyang tenga eh. Ngipin lang yata yung maganda sa kanya -_-

"Psst. Wala ka bang narinig?! Tinatawag kita!" sigaw nya sakin ng mas malakas.

"Ano ba kasing problema mo ah?" tumabi ako sa kanya. Nasa canteen ako ngayon.

"Gusto kong linisin mo yung room namin." mayabang na utos nya.

"Anooo? Bakit ako?" tanong ko sa kanya.

"Kasi bakla ka!" sagot sabay alis sa canteen.

Ahhhhhhh! Nakakabwisit. Kung nandito lang sana si Kyungsoo ay hindi mangyayari ang mga ganito eh. Oo nga pala, nasaan ba sya? Pumasok ba sya ngayon? Baka nasa gym, nandun kasi sya lagi eh.

---gym----

"Ohh Baek nandyan ka na pala?" sabi sakin ni Suho.

"Ohh bakit, anong meron?" pagtataka ko.

"Di ka ba nasabihan na may practice ng volleyball ngayon?" inakbayan nya ako.

"Ahh ngayon na pala yun. Sige sandali lang.,." inalis ko ang pagkakaakbay nya at nagbihis na.

. . . . .

Focused ako sa practice. Wow! Mukhang maganda ang palo ko sa bola ngayon ah. Swerte lang ni Suho na maliit sya, kasi baka dati ko pa sya natamaan ng bola XD

"Ohhh.. Ngayon ko lang nalaman, magkaibigan na pala si Kai at si Kyungsoo." biglang sabi ni Luhan habang nakatingin sa pintuan ng gym.

Napatingin ako sa direksyon nila. Ang laki ng mga ngiti ni Kyungsoo. At tsaka, nangingislap ang mga mata nya nung hinawakan sya ni Kai sa kamay. *dug-dug-dug-dug*

Teka.. Bakit ang sakit? Bakit parang sinasaksak ang puso ko. Kyungsoo.. Ano ba ito?

*BLOGGSHHH*

Nagulat nalang ako nang bigla akong napabagsak sa sahig. Ano ba itong nangyayari sakin?

Blurred na ang mga paningin ko.. Blurred.. Pero bago ko pa maipikit ang mga mata ko, naaninag ko ang mukha ni Kyungsoo.

Kyungsoo, PLEASE HELP ME..

Sorry po sa short UD.

Babawi po ako next time XD

@sparkyy_noona

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now