08

4.5K 140 3
                                    

Kyungsoo POV:

"Ano ba Kai.. Wag mo nga akong sundan." sabi ko kay JongIn. Kanina pa sya sumusunod sakin.

"Gusto kitang sundan, ang cute mo kasi." sagot nya sakin.

"Umayos ka nga.." pagrereklamo ko.

"Huh.. Kung nakakalimutan mo, ako ang nagpapasweldo sayo kaya wag kang ganyan." inakbayan nya ako.

Naglalakad ako papuntang men's room. Bakit kasi kelangang sundan niya pa ako hanggang dito?

"Ano ba kasi ang kailangan mo? Sabihin mo na sakin ngayon para di na ako naiistorbo." sabi ko habang nagkakamot ng batok.

"Kailangan ko? Ikaw. Ikaw ang kailangan ko Kyungsoo." palapit sya ng palapit sa akin.

"Kai.. Ano ba ang mga pinagsasabi mo?" nalilito talaga ako. Di ko sya maintindihan.

"I.. I love you Kyungsoo." naglapat ang mga labi namin.

-- _____ ---

*BLOGGSHHHHH*

D_____O

Nagulat kaming dalawa nang biglang may nagbagsak ng pinto ng men's room.

"Sino kaya yun?" pumunta si Kai sa pintuan para buksan ito.. But.. Its locked!

"Huh? Bakit naka-lock? Langya yung taong naglock neto ah." sinipa-sipa na ni Kai yung pinto pero ayaw parin nitong mabuksan.

"May cellphone kang dala Kyungsoo?" tanong nya sakin.

"Wala yung cellphone ko. Nahulog simula 2nd floor at nakarating sa ground floor last week." sagot ko sa kanya.

"Kung minamalas nga naman tayo oh!" nagdabog sya.

"Bakit wala ka bang cellphone? Diba mayaman ka?" tanong ko sa kanya.

"Wala.. Naiwan ko yung cp ko sa bahay." sagot nya habang nakacross arms.

"Hehe.. Kung di ka rin kasi bobo." bulong ko sa sarili.

"Anong bobo ka dyan? Di ba pagka-bobo yung ipadulas yung cellphone mula 2nd floor?" binatukan nya ako. Ang sakit!

"Aray! Ang sakit nun!" binato ko naman sya ng hawak na panyo ko.

Ngumiti nalang ang naging response nya. Minsan nakakatuwa rin pala itong si JongIn. Napuno ng katahimikan ang buong men's room.

"Uhhmm.. Kai. About dun sa sinabe mo sakin kanina." pagsisimula ko ng usapan.

"Ahh yun. Kyungsoo.. May favor ako sayo." hinawakan nya ang kamay ko.

"Anong favor?" pagtatanong ko.

"Kyungsoo.. Can I court you?" *dug-dug-dug-dug-dug*

Nung sinabi nya ang mga katagang yun habang nakaharap sakin, nag-iba ang paligid ko. Pinagpapawisan ako ng malamig at nanginginig ang mga kamay ko. Di ko alam ang gagawin at sasabihin ko. Di ko maintindihan. Bakla ba sya XD?? Ewan ko.

"Ehhh???" pag-aalinlangan ko.

"Kyungsoo.. Please help me. Gusto kasi ng parents kong ikasal na ako ngayon sa isang mayaman na pamilya but I cant do that. I want to marry the one that I love. Kaya naman ikaw ang naisip kong paraan para makatulong sakin. Kaya please.. Kahit pansamantalang relationship lang. Promise, pag di na matutuloy ang arranged marriage na yan, di na kita uli guguluhin. Pangako yan! Please Kyungsoo, help me." pagmamakaawa nya habang hawak ang malalamig kong mga kamay.

"Uhhmm.. Ehhh .." di ko talaga alam ang sagot ko pero..

"Sige na nga. Ok na!" ewan ko kung bakit ako sumang-ayon dun. Parang may nagtulak sa dila ko para sagutin sya ng oo.

"Naku salamat Kyungsoo.. Maraming salamat talaga." sabay yakap nya sa akin. *dug-dug-dug-dug-dug*

__________________________________________________

"Hoy! Anong ginagawa nyong mga bata dito? Pumasok na kayo sa rooms ninyo!" sigaw samin nung.. Janitor ba yun o guard.

Dumilat na ako at napansin kong nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Kai.

"Kai.. Gising. Umaga na po." inalog-alog ko si Jongin.

Agad naman syang tumayo at lumabas na kami ng men's room. Pero bago pa ako makalayo..

"Kyungsoo.. Our Secret Relationship ok??" binigyan nya ako ng sexy smirk at naglakad palayo sa akin.

@sparkyy_noona

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now