12

3.4K 118 7
                                    

Kyungsoo POV:

"Oh bakit tulala ka yata diyan?" tanong sakin ni Chen.

"Nae." matamlay na sagot ko.

"Wag ka mag-alala bro. Sabihin mo na sakin. Alam mo namang magaling akong mag-advice kasi nga gwapo ako diba?" he gave a pat on my shoulder.

"Nae."

"May problema ka ba talaga?"

"Nae."

"Sh*t! Sasagot ka ba ng maayos o babangasan ko yang mukha mo?" sigaw nya sa mukha ko.

"Nae." tumingin ako sa kanya pero walang reaksyon ang mukha ko.

"Aissh. Dyan ka na nga. Ikaw na nga itong tinutulungan, ganyan pa reaksyon mo."

Umalis sya agad sa harapan ko.

Wala talaga ako sa mood ngayon. Di parin talaga mag-sink in sa isip ko ang mga nangyari kagabi. This can't be! Paano nalang kung... Fertile sya ngayon? May chance na.. Ya know! At paano naman kung malaman toh ni Kai? Ano ba talagang kaguluhan ang pinasok ko ngayon? Tsk. Tanga ko naman kasi!

______________________

"Baek.. I need your help." sabi ko ng mahinay kay Baekhyun na kumakain sa harapan ko.

"Bakit bro? May problema ba tayo dyan?" tanong nya sakin.

"Ah eh kasi ---" di ko na naituloy ang dapat kong sasabihin nang biglang dumating si Kai sa harapan naming dalawa.

"Kyungsoo, we need to talk." seryoso na sabi ni Kai.

"Ah-uhmm, kailangan na ba t-talaga ngayon? D-di ba pwedeng m-mamaya nalang?" tanong ko ng may konting kaba.

"Kailangan lang kasi talaga toh. Baek, pasensya na. Kailangan ko talaga si Kyungsoo ngayon." hindi na nya hinintay ang sagot ni Baekhyun. Hinila na kaagad nya ako palabas ng school.

"Kai! Sandali lang naman." pinatigil ko sya sa paglalakad.

Lumingon sya sakin nang walang reaksyon ang kanyang mukha.

"Ano bang problema?" tanong ko.

Nagulat ako nang may biglang tumulong luha sa kaliwang mata ni Kai. Pulang-pula na yung mga mata niya sa pag-iyak. Niyakap ko naman sya to serve as a comfort.

"Kasalanan ko toh eh." sabi nya habang nakasubsob ang mukha nya sa balikat ko.

"Ano bang nangyari? Sabihin mo na. Nandito lang ako."

"Si eomma, she died a while ago. Masyado nyang dinamdam yung nangyari nung nakaraang araw. Remember that? Yung day na sinagot ko si papa. Bakit ba kasi? Ano bang masama kung ipinaglalaban mo ang taong minamahal mo?" halos humagul-gol na sya sa iyak.

"Kai, im so sorry." sabi ko ng matamlay sa kanya.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad Kyungsoo. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang nagsimula nito." kumawala sya sa pagkakayakap sakin.

Tinitigan nya ako ng sandali at nasabi ang mga katagang...

"Kyungsoo, paalam."

Di ako makapaniwala. "Anong ibigsabihin mong pa-paalam?"

"Napag-isipan ko na.. I-I think its better to let you go." mas bumuhos pa ang luha nya sa mata.

Ako din. Hindi ko na napigilang umiyak ng sobra. Sa tagal ba naman ng pagpapanggap naming dalawa, hindi pa ba ako mahuhulog sa kanya?

"Kai! Ano ba? Sabi mo dati, lagi ka lang na nasa tabi ko! Bakit ngayon, kung anu-anong sinasabi mo?" i said in tears.

Hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Kyungsoo, mahal kita. Mahal na mahal. Kaya wag ka namang ganyan. Mahirap ang sitwasyon ko ngayon." niyakap nya ako.

"So ganon? Ganun nalang yun?! Kai napapagod na ako. Nang dahil dyan sa kalokohan mo, pati ako dinamay mo pa!" pinalo ko ang dib-dib nya.

"Ano ba?! Di ka ba nakakaintindi? Siguro mas mabuti nga iwan nalang kita, kesa naman magmahal ng isang tulad mo na makitid ang utak." marahas nyang ikinalas ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

Umalis sya sa harapan ko nang walang paalam.

Ano ba yan? Kim Jongin! Bakit ba pumasok ka pa sa buhay ko? Ang tanga ko naman kasi! Bakit ko pa kasi minahal ang isang taong tulad mo. Marami tayong pagkakaiba, alam ko yun! Pero ikaw ang napili ng puso ko para mahalin. Tas ngayon, sinaktan mo ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit ganito? Bakit mo ako pinasok dyan sa sikretong relasyon mo, huh? Pakiramdam ko, kahit kelan ay pwedeng sumabog ang puso ko.

Napa-upo ako sa sahig. Tas bumuhos pa ang napakalakas na ulan. Parang nakatakda talaga ang araw na toh para masaktan ako.

(A/N: Please play BABY DON'T CRY)

"Kim Jong In!!! Di ko kaya ng wala ka! Please bumalik ka na!" sinigaw ko habang umiiyak ng todo. Kahit ano pang sabihin nyo, kahit ano pang masasakit na salita ang sinabi nya sakin kanina, basta bumalik lang sya sa tabi ko.

Ang lakas na ng ulan.. Pero.. Teka.

Malakas yung ulan pero, kung saan ako nakapwesto ay.. Di nababasa?! Anong nangyayari?

"Dyo naman kasi eh. Alam mo namang di kita matitiis eh! Tumayo ka nga dyan!"

Pinayungan pala ako ni.. Kai.

(A/n: Ilakas nyo pa yung volume)

At dahil sa tuwa ko, nayakap ko sya ng di oras. As in yung sobrang higpit.

"I knew it, alam kong babalik ka." sabi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat ni Kai.

"Syempre. Wag ka mag-alala. Ipaglalaban kita. Ipaglalaban ko ang mayroon tayo." mas hinigpitan nya pa ang yakap nya sakin.

@sparkyy_noona

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon