19

2.2K 85 8
                                    

Kyungsoo POV:

At dahil makapal ang mukha ko, sumama nalang rin ako. No choice. Tsaka ako yung inaalok at mukha naman siyang mabait.

"Whoaaaa," bulong ko ng mahina nang nakarating kami sa bahay niya. Ay mali, mansion pala. Grabe, sa labas palang pangmayaman na. Paano pa kaya sa looban? Feeling ko , lahat ng gamit nila dito ay gawa sa ginto. Ang yaman talaga.

"Good evening po, sir. So sir, di niyo po nasabi na may bago po tayong maid dito," sabi nung babaeng sumalubong sa amin. Nakakainis lang..

Nangunot ang noo ni Mr. Mayaman. "He's not my maid, he's my guest. So prepare the guest room for him," nahalata kong nagulat ang mukha nung babaeng yun. Namutla na rin siya. Nagbow naman siya at agad na sumunod. Tss. Ako, maid? Sa ganda kong toh, ako magmemaid?

**************************

Nandito na ako ngayon sa guest room. Pag nandito ka talaga mapapamura ka sa ganda. Meron pang king sized bed. Heaven na ba ituh?

Nilibot ko ang mata ko sa kwarto. Grabi, nakakasakit ng puson toh. Ang yaman pala talaga niya. Akalain mo, guest room lang ito tas ganun kagarabo. Sagad talaga sa gums ni Suga. Naglakad ako at nangailam. Umagaw ng pansin ko ang isang drawer sa pinakasulok ng malaking kwarto. Naiintriga akong buksan ito kaya naman binuksan ko ito ng tuluyan. Malay mo, may topless picture dito si Jong in. Hihihihi.

Sa loob ng drawer, mayroong dalawang recording pens, isang makapal na notebook, at isang maliit na box. At dahil dakilang pakielamero ako, nangati na rin yung kamay ko na buksan yung box. Pagkabukas ko, tumambad sa akin ang isang singsing. Mukha itong mamahalin pero nabalot na ng alikabok dahil mukhang matagal na ito. Kanino kaya ito? Bakit nandito? Ibinalik ko na ang singsing sa loob ng box. Sinunod ko naman ang isang recording pen. Pinindot ko ang button nito at tumunog, "Hello, this is Mr. Do. I'm your boyfriend," narinig ko mula sa recording pen. Mr. Do? Si Manong Mayaman ba iyon? Akalain mo.. Haha! Kapareho ko yata siya ng surname. Pero siya nga ba talaga yun? Tss. Whatever. Isinunod ko naman ang isang recording pen. Pinindot ko uli ito at pinakinggan, "I'm so sorry. Hindi muna kita pinabayaan mag-explain. Patawarin mo ako. Hanggang ngayon, mahal parin kita." Pagkarinig ko noon, parang biglang nadurog ang puso ko. Naaalala ko kasi si nanay. Sana kung makita ko lang sana ang tatay ko, baka maging maayos na ulit ang buhay ko.

Ibinalik ko ang recording pen sa drawer. Isa nalang ang hindi ko nakikita. Ang isang makapal na notebook. Malay mo nandun yung treasure chest ni Spongebob. Kukunin ko na sana ang notebook ng makarinig ng mga kalabog mula sa labas. Habang tumatagal ay palapit ng palapit ang tunog na naririnig ko. Kaya wala naman na akong magawa. Ibabalik ko nalang ang noteboo-- ayy. Teka may nahulog. Ano ba ito? May nahulog na papel sa unang page ng notebook.

*toktok*

Pagkarinig ko ng katok ay agad kong itinago sa bulsa ko ang papel na nahulog at isinara ang drawer. Pinagbuksan ko ang pinto at nandito si Mr. Mayaman. Nakangiti siya sa akin.

"Would you mind if I go inside?" tanong niya sakin habang nakangiti. Bakit ba ang gaan ng loob ko sa kanya?

"Naku, hindi po sir. Sige lang po," nahihiya ko pang sabi.

"Don't call me sir. I'm Do Min Jin by the way. Just call me Min Jin," iniabot niya sa akin ang kamay niya na parang makikipagshake hands.

Iniabot ko rin naman ang kamay ko at nakipagshake hands. "Ako nga po pala si Do Kyung Soo, pero Kyungsoo nalang po itawag niyo sa akin. Hihihi. Pareho po tayo ng surname," sabi ko habang hiyang-hiya. Feeling close naman kasi ako eh.

"Haha, natatawa ako sa itsura mo. Alam mo kasi, parang ganyan ako noong mga totoy days ko palang," pumasok na syang tuluyan sa guest room. Isinara ko ang pinto.

Umupo siya sa kama, "Kyungsoo?"

"Bakit po?"

"Tabihan mo ako," pagyaya ni Mr. Do -- este Min Jin sa akin.

Sinunod ko naman siya at tumabi.

Tumingin siya ng seryoso at diretso sa aking mga mata. "May tatay ka ba?"

Nagulat ako sa tanong niya. Kahit kailan, wala lang nagtatanong niyan sa akin. At the same time, di ko rin alam ang isasagot ko. Nahihiya ako kasi baka isipin ni Mr. Min Jin na masamang pamilya ang pinanggalingan ko. Pero dapat hindi. Dapat hindi ko ikahiya ang sarili kong tatay.

"Wala po eh," simpleng sagot ko at napayuko. "Alam nyo po bang matagal ko na syang hinahanap. Kasi gusto ko bago man lang mawala si mama dito sa mundo ay magkita uli sila ni papa. Pero nabigo ako doon. Hindi ko siya nakita.," malapit nang tumulo ang luha ko. Konting kembot nalang.

Hinimas ni Mr. Min Jin ang likuran ko. "Don't worry, you will meet your father soon Kyungsoo. Just don't give up," sabi niya at tumayo. "Kyungsoo, thank you for staying here. Enjoy your night and good night," ngumiti muli siya at tuluyan nang umalis. Haaaay.. Sana siya nalang ang tatay ko.

Baek POV:

"Ano toh Baek?" lumapit si Jungkook sa akin na may halong pagtataka. Napatingin ako dun sa ipinakita niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Sheeet! Limited Edition na Eye liner. Maganda ito.

"Kanino galing?" masayang tanong ko.

"Aba malay ko," umalis na si Jungkook at sinundan si Taehyung sa labas.

Grabe talaga ang feels ko ngayon. I really love this eyeliner. Pero namimiss ko parin ang bestfriend ko. Kyungsoo, nasaan ka na ba?

Inikot-ikot ko ang eyeliner at napansin kong may button ito? Talaga bang meron nito? Mai-try nga. Ng pindutin ko ang button.. "Byun Baekhyun, pumunta ka sa 69 forever street ngayon din, kung ayaw mong makitang patay ang mga kaibigan mo," nabitawan ko ang eyeliner. Anong threat ito? Ano ang ibigsabihin nito? Hindi ko hahayaan na may mangyari kay Taehyung at Jungkook. Panigurado si Yeol nanaman ito. Dapat kasi..

Dapat kasi..

Hindi na ako sumama sa plano.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sa plano ng papa ni Kai. Kung alam ko lang sana, matagal na akong tumanggi.

Mabilis akong nagbihis at pinuntahan ang sinasabi nilang lugar. Walang tao dito ngayon? At bakit? Di naman halloween ngayon ah? Gagu naman yung Yeol na yun. Sabi niya dito raw ako pumunta, pero wala naman siya.

Lumipas ang limang oras at wala parin siya. Aba puta lang ah! Pinagtitripan lang yata ako nung Yoda na yun eh. Tss. Gagu talaga.. Tsk. Makauwi na nga.

Pagkadating ko sa bahay, PUTAHAMNIDA !!!!

"Anong nangyari sa inyo, huhu," tumulo nalang ang luha ko nang tumambad sa harapan ko ang duguan at walang buhay na si Taehyung at Jungkook. At sa tabi nila, naroon ang duguan na isa pang eyeliner. Pinulot ko ito at pinlay.

"Ang tanga mo Baek, ang sabi ko 69 Forever street, bakit ka nagpunta sa 70 forever street? Kasalanan mo yan, tanga mo kasi. I'm sorry but your time is over. Here's your reward, dead and cool bodies. Enjoy!"

Ahhhhhh! Puta talaga CHANYEOL PARK. Sarap mong putulan ng tenga.. Sana sa impyerno ka mapunta. Napakasama mong hayup ka. Lahat nalang talaga gagawin mo para kay Dara. Puro ka nalang Dara. Dara, Dara, Dara. Kasi kahit ganyan ka kasama.. MAHAL PA DIN KITA.

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now