07

5.3K 147 11
                                    

Kai POV:

"Oh talaga? Sige nga. Tignan natin ang galing mo." sabi ko sa hirap na hirap na sumayaw na si Baekhyun.

Mapeh kasi ang subj. Dancing daw.. Ako ginawang teacher ni Sir Mapeh kasi mas magaling daw moves ko sa kanya. Napunta naman sa grupo ko itong si Baek. Pinapahirapan ko sya dahil alam kong close sila ni Kyungsoo. Oo, nagseselos ako. Nagseselos ako pag nakikita kong masaya silang dalawa. Kaya naman ito ang paraan ko para makaganti.

"Kai, sigurado ka bang ito yung steps? Ang hirap naman. Alam mo namang di ako magaling sumayaw. Tanging sa vocals lang ako bumabawi eh." pagrereklamo nya.

"So pumapalag ka? Ayaw mo na? Suko ka na?" panloloko ko habang nakacross arms.

"Hindi po...." sumagot sya ng pabulong. Napansin ko namang napatingin sya sa pintuan ng room. Napansin kong si Kyungsoo ang pumasok dun. Napatingin din sya sa direksyon namin ni Baekhyun.

"Baek, tapos ka na ba dyan? Pagtapos mo sabay na tayo maglunch. May sasabihin kasi ako sayong importante eh." inakbayan ni Kyungsoo si Baek.

Inalis ko ang pagkakaakbay ni Kyungsoo sa balikat ni Baek. "Kyungsoo, gusto mo ako nalang kasama mo?" pang-aalok ko sa kanya.

"Hoy Mr. Jongin, ako ang kinakausap nya at hindi ikaw." tinulak ako ni Baekhyun.

"Bakit? Ano bang pakielam mo? Wag kang madaldal dyan at baka masapak kita ng di oras." pananakot ko sa kanya.

"Buti pa ay sya nalang ang tanungin natin. Dyo.. Sino ba gusto mong makasama?" hinawakan ni Baek ang kamay ni Kyungsoo.

"Tigilan mo nga yan! Nakakadiri ka. Bitawam mo yang kamay nya." hinila ko ang kamay ni Baek at hinawakan ko naman ang kamay ni Kyungsoo.

"Ahh.. So in-admit mo na may gusto ka nga sa kaibigan ko." tinulak nya ako.

"Ano ba? Nakakabwisit ka na ah. Gusto mo idaan nalang natin toh sa sayawan ah.." panghahamon ko sa baklang yun.

"Kung yan lang din naman.. Bakit pa ako tatanggi?" halatang nakumbinsi ko sya. Kaya Byun Baekhyun, humanda ka sakin.

Pinagtitignan na kami ng mga tao dito sa room. Wala akong pakielam basta sakin lang dapat sumama si Kyungsoo. He's mine, ONLY MINE. Walang iba ang dapat kumuha sa kanya. Yung Baekhyun na yan.. Tss. Wala yan sa kagwapuhan ko. Panis yan kay Kim Jongin.

Nagsimula na ang showdown at mukhang di nagpapatalo ang isang toh. Malakas ang laban neto sakin. Mukhang may inspirasyon talaga ang bakla. Di kaya may gusto rin sya kay Kyungsoo. Yung totoo? May gusto rin ba sya kay Dyo? Srsly.

Habang umiinit ang labanan, biglang nagdabog si Kyungsoo.

"Ano bang kalokohan toh Kai? Nababaliw ka na ba? Sinusubukan mo bang sirain ang pagkakaibigan namin ni Baek. Kung gusto mong humanap ng kaibigan, wag ako dahil di tayo bagay. At saka.. Wag mo na ring uulitin na pahirapan si Baek dahil sa oras na gawin mo uli yan, ako na ang makakalaban mo." hinila ni Kyungsoo si Baekhyun palabas ng room.

"Kung gusto mong humanap ng kaibigan, wag ako dahil di tayo bagay"

Ang mga salitang yun ay ang sakit marinig. Ang sakit. Unang pagkakataon kong masaktan ng ganito. Talaga bang.. Mas matimbang pa si Baekhyun sayo?

Kyungsoo.. Sorry.

@sparkyy_noona

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now