04

5.5K 180 7
                                    

D.O POV:

Halos magiisang buwan na rin akong nakatira dito sa bahay ni Kai. Maayos naman syang makisama eh. Tsaka pinapasweldo naman nya ako ng husto. Malaki ang naitutulong nito sa amin ni mama. Di na rin ako masyadong naghihirap pag may projects kasi sa kita ko palang ay sulit na sulit na.

"Kyungsoo.. Buksan mo tong pinto." kumatok si Kai sa kwarto ko.

Binuksan ko naman agad, "Bakit anong problema?" tanong ko.

Hindi sya sumagot at naupo ng diretso sa kama ko.

"Ayos ka lang ba dito? Nasanay ka na?" tanong nya sakin na may kasamang ngiti.

"Ahh.. Oo naman." sagot ko.

Napansin ko naman na.. D__O. Bakit ngayon ko lang napansin na naka-topless pala sya? Syem.. Nang-iinit ako XD. Tss. Di ako bakla noh! Siguro naiinggit lang talaga ako sa katawan nya kasi wala akong ganon. Tsk. Inggiterong Kyungsoo -_-

"Patingin nga ako neto! Bakit meron kang ganito? Diba mga babae lang ang mahihilog dito?" kinuha nya yung diary ko.

"Oyyyyy! Akin na yan! Wag mo yang babasahin." pinigilan ko ang kamay nya.

"Ehh pano kung gusto kong basahin?" panloloko nya habang nag-aagawan kaming dalawa.

"Tsk. Langya naman. Akin na nga sabi! Di mo pwedeng makita yun!" sigaw ko.

"Teka.. Mas ginagawa mo akong curios eh! Ano bang tinatago mo dito?" binuksan nya yung diary ko at tumakbo palayo sa akin.

"Kim Jongin.. Ibigay mo yan sakin." hinabol ko naman sya.

Nakapasok kami sa cr.

"Akin na nga kasi yan eh!" di ko maabot kasi ang tangkad nya.

"Yan kasi eh! Ang liit mo!" pang-iinis nya habang tumatawa.

"Wag kang ganyan. Magaling ako sa taguan! Basta ang gusto ko ay ibigay mo na sakin yung diary ko!" sigaw ko.

Pilit ko talagang inaabot yung diary ko. Tsk. Bakit kasi ang syunga ko? Bakit ko kasi iniwan dun eh!

Bwisit!

*bloggshhh*

Halos mangiyak-ngiyak ako nung... Kyaaaaaah! Nahulog yung diary ko sa bowl.

"Ooopss.. Uh oh.." sabi ni Kai.

Tinitigan ko sya ng nakakatakot.

"Walanghiya ka Kai." pinapalo-palo ko yung dib-dib nya.

"Di mo alam kung gaano ko katagal pinaghirapang itago sa ibang tao yun tas ngayon ikaw lang ang sisira sa lahat ng nakalagay na importante dun. Masakit yun para sakin. Sabihin mo nang bakla ako pero dun lang sa library na yon ako nakakapaglabas ng sama ng loob ko eh." paiyak na sana ako nang bigla akong halikan ni Kai.

Napatigil ang mundo ko ng naglapat ang mga labi namin. Ewan ko ba kung bakit napapikit ako eh. Tsk.

"Wag kang mag-alala. Gagawan ko yun ng paraan." sabi nya sabay labas ng kwarto ko.

What da heck ??? D____O

*blushing*

Sorry po sa short UD. NapakaBusy sa school XD

~@sparkyy_noona

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now