21

2K 78 6
                                    

Baek POV:

Petengene Kyungsoo! Nasaan ka na ba? Alam kong galit ka pa rin sa akin pero kailangan kita ngayon. Ang dami nang nangyayaring masama. Namatay si Taehyung at Jungkook kaya naman iniwan ko na ang dating apartment na tinitirhan ko.

Shit. Nakakainis. Ang tanga mo talaga Byun Baek Hyun.. Bakit ka kasi pumayag?

Dinial ko ang number ni Mr. Kim, ang papa ni Kai. Oo, may connections kami. Dahil kasama ako sa plano nila ni Chanyeol.

"Who's this?" sinagot agad ni Mr. Kim ang tawag ko.

"Si Baekhyun po ito."

"Oh Byun Baekhyun, its so nice to hear your voice again. By the way, buti napatawag ka. Kasi may ipapagawa ako sa iyo," nabigla ako sa sinabi niya. Hindi. Hindi ako susunod. Alam kong may masama nanamang mangyayari pag sinunod siya.

"Uhmm, Mr. Kim. I'm so sorry.. Pero gusto ko na pong magback out sa plano," diretsong sabi ko.

Medyo natagalan siya bago pa sumagot, "If that makes you happy, gawin mo," pagkatapos nun ay ibinaba na niya ang phone. Naku, mukhang may balak namaman siya.

Pumunta ako ng sa ospital dahil bibisitahin ko si Jin, ang brother ko.

Pagpasok ko sa room kung saan siya nakadestino, ay halatang gulat na gulat siya. Pero hindi ko iyon pinansin. Ibinaba ko nalang sa table yung lunch na binili ko para sa kanya.

"Uhhmm Kuya, eto nga pala yung lunch mo," sabi ko habang inaayos yung table. "Mamaya na yang trabaho, kumain ka muna."

Napatingin siya sa akin habang sobrang laki ang mga mata niya. "Bestfriend mo yung Kyungsoo diba?" tanong ni Kuya.

Nagtaka ako, "Oo kuya, bakit?"

"Do ba ang surname niya? Patay na ba ang nanay niya?" medyo natataranta na siya.

"Oo kuya. Bakit ba kasi?" grabe Hyung, naiintriga na ako.

"Shit!" sigaw niya at hinila ako sa tabi niya. Hinarap niya sa akin ang monitor.

"Eto yung mga kuha ng CCTV noong day na namatay si Mrs. Do. May matangkad na lalaki sa elevator na nakasabay si Dr. Choi. Tapos, tinutukan niya ito ng kutsilyo. Yung isang footage naman, which is sa kwarto ni Mrs. Do, makikitang tinurukan niya ito ng isang injection na nagcause ng pagkamatay ni Mrs. Do. Anong klase ito?" natatarantang sabi ni Hyung.

Pinanood ko ang bawat footage noong araw na iyon. At oo nga, totoo ang sinasabi ni Kuya. Isang matangkad na lalaki at nakasuot ng damit pang-nurse. Una palang, alam na alam ko na kung sino ito. Alam na alam. Napatayo at napala ko ng malakas ang table, "Baekhyun, what are you doing?"

"Sorry Kuya, I really need to fix this," lumabas ako ng pinto. Automatic na akong napatakbo. Kailangan ko na talagang mahanap si Kyungsoo ngayon din. Kailangan niyang malaman ang totoo sa likod ng pagkamatay ng nanay niya.

Habang tumatakbo ako, di ko inaasahan ang makakabanggaan ko.

"Dara? Anong ginagawa mo dito," napaupo siya sa sahig habang nakahawak sa tiyan niya. "Sorry, hindi kita napansin. Nagmamadali kasi ako eh" pagpapaliwanag ko habang tiutulungan siyang tumayo.

Nagulat nalang akong humarap siya sa akin at lumuha.

"B-Baek *sniff*"

"Dara, bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Nasaan ba si Kyungsoo? Kailangan niya ito malaman," napahawak siya sa tiyan niya. Dont tell me..

"Hindi ko alam kung nasaan siya. Bakit ano ba ang nangyari?" tanong ko ulit. Sana hindi tama ang hinala ko.

"B-Baek, buntis ako. A-at siya ang ama," mas bumuhos ang luha niya at napayuko.

Nanlaki ang mga mata ko. Shit! Oo nga pala, may nangyari sa kanila. Potek, pag nalaman ito ni Chanyeol, malamang papatayin na niyang tuluyan si Kyungsoo.

"Dara, makinig ka sa akin. Dapat hindi ito malaman ni Chanyeol, gets?" hinawakan ko ang kamay niya.

"Bakit naman?" namumula pa rin ang ilong niya dahil sa pag-iyak.

"Basta. Masyadong magulo ang lahat ngayon. Pero pag natagpuan ko si Kyungsoo, sasabihin ko kaagad sayo. Ito ang calling card, tawagan mo nalang ako. May kailangan pa kasi akong puntahan ngayon eh.

"Sige, salamat Baek," nginitian niya ako at umalis na.

Pupuntahan ko si Yeol ngayon. Puta yung kapreng iyon. Ang sarap kotongan. Aiissh.

"Teka, bitiwan niyo ako," patawid na sana ako ng biglang may humigit sa akin at ipinasok ako sa itim na van.

"Hello, Baek," usal ni Chanyeol habang may nakasubong lollipop sa bibig niya.

"Hello ka din, puta!" sigaw ko.

Inilabas niya ang baril niya at itinutok ito sa ulo ko.

"Sabihin mo kung ano ang pinag-usapan niyo ni Dara, kundi makikipaghalikan ka sa baril ko," mas diniin niya pa ang baril sa ulo ko.

"Una, wala yung labi ko sa ulo para makipaghalikan sa baril. At pangalawa, nagpabili lang ng eyeliner si Dara. Gago kasi kayo!" sigaw ko at nangunot ang noo ni Yeol. Inalis niya ang baril sa ulo ko at ngumiti ng nakakatakot.

"Shut him down," utos ni Yeol at agad na tinakpan ng panyo ang ilong ko.

Iyon nalang ang naaalala ko dahil nawalan na ako ng malay.

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now