25

2K 68 7
                                    

Kai POV:

"Baekhyun, ano ang buong istorya?" napahinga ng malalim si Baekhyun nang dahil sa sinabi ko. Natahimik ang buong kwarto. Nandito kasi kami ngayon sa ospital. Paano ba naman kasi, puro pasa at sugat ang buong katawan ni Baekhyun.

*krrriiiiinngggg*

May tumawag sa akin at sinagot ko naman ito.

"Oh, Chanyeol, napatawag ka yata," pagbati ko sa telepono. Nahalata kong nanlaki ang mga mata ni Baekhyun pero hindi ko na lamang ito pinansin.

"Uhm, Kai, alam mo ba kung nasaan si Kyungsoo?" tanong sa akin ni Chanyeol sa kabilang linya.

"Sa katunayan hind --" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay ibinaba na niya kaagad ang tawag. Ang weird. Parang may kung anong pakiramdam sa boses ni Yeol. Whatever.

Nagulat ako nang marinig ko ang paghikbi ni Baekhyun. Nilapitan ko ito at hinimas ang likod para kumalma.

"K-Kai, sorry. S-sorry sa *sniff* sa lahat," sabi niya.

Nagtaka naman ako. "Sorry saan?"

Tinignan niya ako ng diretso sa mata. Naiiyak parin ang expression ng mukha niya. "Kung hindi ako pumayag hindi mangyayari ang lahat," napayuko na lamang siya.

"A-ano? Anong nangyari?" kinakabahan na ako sa mga susunod mong sagot Baek.

"Kai, nasa panganib ang buhay ni Kyungsoo nang dahil sa amin ni Chanyeol. Kung hindi kami pumayag sa utos nila, edi sana maayos pa ang lahat. Pumayag lang naman ako kasi di ko maitangging nagkakagusto na ako kay Yeol kahit paano. Pero nabulag ako sa pag-ibig. Hindi ko alam na mas importante pala ang taong masasaktan ko, ang bestfriend ko," bumuhos nanaman ang luha sa mata niya. Iyak lang siya ng iyak. Kahit wala naman talaga akong maintindihan, hindi ko makayang isipin na nasa panganib si Kyungsoo.

"Sino ang may pakana nito? Si Chanyeol ba?!" galit na sigaw ko.

Umiling lamang siya.

"Kung hindi, sino?!"

"Ang tatay mo, Kai."

******************************

"Mr. Do! Buksan niyo itong pinto!!!" sigaw ko ng malakas. Nandito ako sa labas ng bahay nila Mr. Do, in short, papa ni Kyungsoo.

Pinipigilan na ako ng mga guard dito pero hindi ako titigil hanggang makausap ko sa Kyungsoo at panatilihin siyang ligtas mula sa tatay ko.

"Mr. Kim, what are you doing here?" biglang lumabas si Mr. Do wearing a suit.

"Mr. Do, nandyan po ba si Kyungsoo?" tanong ko.

Tinitigan lamang niya ako.

"Manong, papasukin mo siya," mahinay na sabi ni Mr. Do sa guard. Pumasok naman ako sa loob. "Sumunod ka sa akin."

Sumunod lang ako kay Mr. Do. Maganda ang bahay, este mansion pala. Ang haba ng nilakad namin. Nakaabot pa nga kami sa second floor eh. Hanggang makarating kami sa pinakadulong kwarto dito sa second floor.

"Uhm, Mr. Do, ano pong ginagawa natin dito?" mahinang tanong. Pero imbis na sagutin niya ako ay ngumiti lang siya at binuksan ang pinto ng kwartong yun. Mukhang medyo matagal na rin ito bago mabuksan ulit. Medyo lantad na kasi ng dust eh.

Lumakad na kami papunta sa loob. Ang room na ito ay punong puno ng pictures. May isang nakakuha ng atensyon ko. Watdapak!

"P-Papa?" bumuka ang bibig ko na parang automatic ito. Nagulat ako nang may makita akong isang litrato ni papa at ni Mr. Do na magkayakap.

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedМесто, где живут истории. Откройте их для себя