17

2.4K 94 5
                                    

Kyungsoo POV:

"Do?"

"Park?"

"Kwago?"

"Yoda?"

"Pandak?" pagkasabi ni Yeol nun ay agad ko siyang tinulak.

"Masakit yun ah!" sigaw ni Yeol habang hinihimas ang kanyang brasong naitulak ko. Ikaw ba namang tawaging pandak. Huhuhu. Debale, pandak nga, DYOsa naman.

"Kyungsoo sa tingin ko.." napaiwas siya sa akin ng tingin. Halata sa mukha niya pagkakaroon ng kaba. "Kailangan mong malaman ang totoo," napakagat si Chanyeol sa lower lip niya. Tss. May pagnanasa ba toh sa akin?

"Anong totoo naman yan?" tanong ko.

Ibubuka na niya sana ang bibig niya nang may mapansin siya sa likod ko. Siguro si Baekhyun yun.

"Im so sorry. I have to go," pagpapaalam ni Yeol.

"Hoy! Munggago toh ah! Anong totoo yun?!" dahil sa sigaw ko ay pinagtitignan ako ng mga tao dito. Wala akong pake , maganda naman ako eh.

"Hayaan mo na siya Kyungsoo. Mamili ka nalang dito," pinaharap na ako ni Baek at pinasukat ng pink na bra.

Baek POV:

"Kyungsoo, hintayin mo ako ah. Magbabanyo lang ako. Pumili ka lang ng gusto mo diyan," sabi ko kay Dyo at pinapasok na siya sa fitting room.

Walanghiya kang Chanyeol ka! Bakit ka pa nagpunta dito?

Nakarating na ako sa CR. Pagpasok ko, tumambad sa akin ang isang lalaking matangkad.

"Yoda!" pagtawag ko sa kanya. Napaharap naman siya sa akin.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin na nakakunot ang noo.

"May paenglish-english ka pang nalalaman diyan. Ako nga dapat ang nagtatanong niyan sayo eh," hinampas ko ng mahina ang dibdib niya.

"Ok. Nandito lang naman ako para tapusin na. Kaso umepal ka," nanlaki ang mga mata ko.

"Tapusin? Yeol, hindi pwede. Hindi pa ngayon. Sundin mo nalang muna si boss," sabi ko ng nagmamakaawa sa kanya.

"Baek, tama na. Ayoko na. Masyado na akong nasasaktan. Ayaw ko nang maging tanga pa. Mahal na mahal ko si Dara," lalabas na sana siya ng CR nang pigilan ko siya.

"Makinig ka, sa oras na gawin mo yan, ako ang makakalaban mo," pagbabanta ko.

Lunapit siya sa tenga ko, "Makinig ka rin, sa oras na kalabanin mo ako," may kinuha siya sa bulsa niya , "mamamatay siya."

Syet! Nanginig ang tuhod ko dun. Yeol wag! Wag mo namang idamay ang pamilya ko rito. Parang awa mo na.

Bumalik na ako sa fitting room kung saan ko iniwan si Kyungsoo.

"Saan mo dadalhin si Kyungsoo?" nagulat ako kasi nakita ko si Kai na hawak-hawak si Kyungsoo.

"Sa puso ko," mahinay na sagot ni Kai habang nakahawak parin sa braso ni Dyo.

"Bakit mo sya dadalhin sa puso mo? May gusto ka ba sa kanya?" muling tanong ko. May something talaga sa dalawang toh eh.

He smirked. "Matagal na." At yun. Tuluyan na niyang nahila palayo si Kyungsoo. Tsk. Si Dyo nagpupumiglas pa KUNWARI. Pero gusto rin naman. Libre nanching ang kwago.

Peri mali. Hindi pwede ang lahat ng ito. HINDING-HINDI. Aiissshh.

Kai POV:

"Kai, saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Kyungsoo. Hanggang ngayon hawak ko yung braso niya.

"Sabi ko diba? Sa puso ko," sagot ko habang nakangiti.

"Ano ba naman Kai eh," halatang namumula ang pisngi niya. Pisti, huhubaran talaga kita ngayon.

Nakarating na kami sa parking lot. At binitawan ko na siya. Bumakat ang kamay ko sa braso niya dahil sobrang higpit ng hawak ko. "Ang sakit nun ah," reklamo niya habang hinihimas yung nasaktan na parte nung braso niya.

"Sorry," sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya. "Im so sorry for hurting you."

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Enekebe, kenekeleg nenemen eke eh," i like this side of Kyungsoo. Haha. Maharot ..

Hinila ko ang kamay niya sa motor at pinasakay siya rito. Plano ko kasing pumunta kami ng school ngayon. Para naman maayos na ang prolema. At tsaka, para makapasok na rin siya bukas. Sayang naman ang scholarship niya.

"Jong in, bakit tayo nandito?" tanong niya.

Nginitian ko siya, "Diba sabi ko sayo tutulungan kita? Kaya eto, dito ka lang. Kakausapin ko ang director sa office. Im sure papayag yun dahil may connection ang family namin sa kanila," hinawakan ko ang kamay niya bago siya tuluyang iwan doon.

Papasok na sana ako ng office nang makita si Chanyeol na nasa may sulok. Naglakad siya papalapit sa akin ,"Mag-ingat ka."

Yun lang ang nasambit niya at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa loob ng magkabilang bulsa ng jacket niya.

Di ko sya gets, whatever.

************

"Kyungsoo! Pumayag sila," sabi ko kay Kyungsoo na abot hanggang tenga ang ngiti.

"Kyaaaaah," kaya naman napatakbo siya sakin at niyakap ako.

"Salamat Jong in. I love you," napangiti ako sa sinabi niya.

"I love you too."

Chanyeol POV:

Awww, cute love birds. Umaayon sa lahat ang plano. Sige, magsaya lang kayo Do Kyungsoo. Makakaganti rin kami sayo.

****************************

Happy 20K na tayo. Push pa natin toh ng bongga mga commenters,voters, readers at pati narin sa mga silent readers. VOMMENTS please.. Hihihi. Labyu all

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now