05

6.1K 167 25
                                    

BAEK POV:

"Dyo!" sigaw ko.

"Uyy ikaw pala! Musta na brad?" tanong nya sakin.

"Maka-brad naman toh parang lalaking-lalaki. Hehe. Joke. Eto ayos lang. Ikaw? Musta na?" inakbayan ko sya.

"Hmm.. Ayos lang din naman." sabay kaming naglalakad.

"Ang tipid mo namang sumagot. Sabagay, mas masaya ka naman sa tabi ni Kai eh." sabi ko.

"Oyy! Ano ka ba? Syempre mas importante ka parin sakin kasi ikaw yung una kong naging kaibigan." sagot nya.

"Weh.. Parang di naman totoo yan eh." pagdududa ko.

"Alam mo Baek.. Wag ka nang magselos. Tsk. Di kita ipagpapalit dun. Tsaka, ikaw yung unang nakatanggap sakin dito kaya hinding-hindi mangyayari yun." pagpapaliwanag ni D.O

"Ahh ok. Kung alam mo lang sana yung nararamdaman ko eh." pagbulong ko sa sarili.

"Huuh? Ano? Anong sabi mo brad?" gulat nyang tanong.

"Ahh-ehh.. Wala. Sabi ko, kumain na tayo. Libre na kita. Tagal na kasi kitang di nakasama eh." kinabahan ako kasi baka nakahalata sya dun sa nasabi ko. Yung totoo.. May gusto ba talaga ako sa kanya? Baek.. Di ka bakla! Pero bakit ganun? Pag kasama ko si Kyungsoo ay laging magaan ang loob ko sa kanya. Parang laging sumasaya ang araw ko sa tabi nya. May gusto na ba ako kay Kyungsoo?

...............

Natapos kaming kumain ni Kyungsoo sa cafeteria. Medyo nababaliw nga lang si Kyungsoo ngayon kasi kung anu-anong lumalabas sa bibig niya. Ngayon ko lang nalaman na may pagkamaloko rin pala sya.

"Nabusog ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Salamat nga pala Baek sa libre mo ngayon ah. Nakatipid pa tuloy ako." sabi nya habang nakangiti.

"Naku, wala yun. Parang napakaliit na bagay lang naman yun eh." sagot ko.

"Hehe..." yun lang ang naisagot nya at napansin kong napatingin siya sa kaliwa. Nakita kong bigla syang sumimangot na parang naluluha ang malalaki nyang mga mata.

Napatingin na rin ako sa direksyon na tinititigan nya. Nakita ko si Kai at ang isang babae. Nakalagay ang kamay ni Kai sa cheeks nung girl. Naririnig namin ang sinasabi nila.

"Ikaw ang mundo ko." sabi ni Kai dun sa babae at hinalikan nya yung babae.

Napatitig nalang kaming dalawa ni Kyungsoo. Pero ramdam ko ang sakit na naramadaman ni Kyungsoo nung nakita nya ang mga pangyayari. Mukha ngang naluluha na si brad eh.

"Halika na. Alis na tayo." pagyaya nya sakin.

Naging tahimik ang atmosphere sa pagitan namin habang naglalakad. Alam kong nasaktan sya na nakita nya. At ako naman.. Nasasaktan din dahil nakita kong may sakit na naramdaman ang taong close sakin (in short mahal ko)

D.O POV

Simula nung nakita ko yun.. Bigla nalang ako nawala sa mood. Di ko na tuloy masyadong napansin si Baekhyun. Kasi naman eh! Ano ba kasing meron sa kanya? Bakit ako nasasaktan? Buhay nya naman yun eh! Lovelife nya yun kaya wala akong pake dun. Nagtataka lang talaga ako.. Bakit ang sakit? Masakit talaga eh.. Di ko maitatanggi na parang babagsak ang buong katawan ko kanina dahil sa sobrang sakit.

"Waaaaaaaah! Nakakainis ka!" malakas na sigaw ko.

"Huy! Ano bang nangyayari sayo Kyungsoo?" tanong sakin ni Kai. Magkatapat kaming nakaupo. Gumagawa kami ng assignment.

"Wala! Wag mo ako pansinin!" pasigaw na sagot ko.

"Ehh bakit ganyan ka makasagot? Bakit kelangang pasigaw?" pagrereklamo niya.

"Eehh ano bang pake mo? Diba may sarili ka namang lovelife? Edi yun yung asikasuhin mo! Sya naman yung mahal mo eh." ibinagsak ko yung ballpen na hawak ko.

"Ahhh so nagseselos ka? Ganun ba?" panunuya nyang tanong.

"Anong selos ka dyan?" napatayo ako sa upuan ko.

"Bakit? Hindi ba?" tumayo na din sya at palapit sya nang palapit sakin. Hanggang mamalayan ko na nakadikit na pala ang likod ko sa pader. Nilapit nya pa ng todo ang mukha nya sakin.

"Kyungsoo.. You will.."

(to continued)

___________________________________________

Mianhae sa inyong lahat.. Medyo matagal bago nakapagUD.

Yung next chapter.. Basta.. Hintay nalang xD

@sparkyy_noona

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now