28

1.8K 63 6
                                    

Kyungsoo

"Aaaaaarrgghhh!" napaangat ang ulo ko nang dahil sa ingay na narinig ko. Hindi ako nagkakamali, si Kai ang sumigaw na iyon.

Kaya naman lahat ay ginawa ko para tumakbo papunta sa pinanggagalingan ng ingay sa paligid. Nanlumo ako nang dahil sa nakita. Punong-puno ng dugo ang katawan ni Mr. Kim habang yakap siya ni Kai. "Walanghiya ka, Chanyeol! Napakasama mong tao!" sigaw ni Kai sa nakatawang si Chanyeol.

"Ako pa ang naging masama? Hah! Dapat lang sa kanya iyan, masyado siyang makasarili. Matapos ko siyang tulungan, ipapakasal ka niya kay Dara?" a-ano? Sila ang nagplano? Ng lahat ng ito? Putangina anong show ito?

Tumulo narin ang luha sa mga mata ko. Hindi ko inaasahan na isang tulad niya na pinagkatiwalaan ko ay siya pang gugulo ng buhay namin. Napatingin siya sa direksyon ko at napangisi. "Hey, nandito ka na pala," tumigil siya at hinalikan ang baril niya, "little brother . ." mas namilog ang malalaki kong mata at napasinghap si Baek at Luhan na nasa likod ko. Lahat ng nandito, nagulat. Kahit si Kai, hindi niya alam ang irereact.

"Haha! Hindi mo alam? Dapat pala nagthrowback muna ako bago ko toh ginawa, ano?" panunuya niya.

"Wala akong pakielam kung kapatid kita, gago ka! Sana mamatay ka na!"

"Hah?! Kyungsoo, naiinggit ako sa'yo. Kasi lumaki ka ng may nanay sa tabi mo. Eh ako? WALA. Kinuha mo na lahat pati yung kabit ng nanay ko. Ako lang naman ang anak ni mama sa unang asawa niya. Pero anong ginawa niya? Iniwan niya ako ng walang muwang sumama dun sa Minji na lintik yun," bumabakat na ang litid niya sa sobrang galit at gigil.

"Wag na wag mong idadamay ang tatay ko rito. Putangina Park Chanyeol, ang kitid ng utak mo."

"Hahaha, ganun ba? Edi ngayon, tignan natin kung sino ang mas may makitid na utak sa atin," halos mahulog ang panga ko nang itutok niya ang baril sa ulo ni Kai. Napatakbo naman ako agad para yakapin siya pero may nakauna sa akin.

Pumutok ang baril ng wala sa oras. Napatakip ako ng tenga ko nang dahil sa sobrang lakas ng pagputok. Inangat ko ang ulo ko at nadatnan ang isang . .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sandara na nalulunod na sa dugo ang tiyan. Bumuhos ang luha ko at nilapitan siya. Hinawakan niya ang pisngi ko at nagsalita. "K-kyungsoo, wag ka m-mag alala. A-ayos lang ako. Isasama ko na ang a-anak natin," napailing ako habang tuluyan parin sa pagbuhos ang luha ko. Sana ako nalang ang nabaril. Sana ako nalang ang tinamaan ng bala at hindi na nadamay ang mag-ina ko. Sana ako nalang. Maya maya lang ay tuluyan na siyang nawalan ng buhay at iyon ay masakit para sa akin. Ang mawalan ng sarili kong anak. Tumayo ako at nilingon si Chanyeol. Nang makita ko siyang gulat sa ginawa niyang pagpatay kay Dara ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang dahil sa galit. Agad ko siyang sinugod at inagaw ang baril sa hawak niya. Nag-aagawan kami ng baril.

"Putangina mo Chanyeol. Dimonyo ka, ang sama mo!" hindi niya tigilan ang pag-agaw ng baril sa akin at naramdaman kong may malakas na alingawngaw nalang ang narinig ko. Parang pagputok ng baril.

Jong In

Nag-aagawan si Kyungsoo at si Chanyeol sa baril. Pipigilan ko sana sila nang bigla nalang pumutok ang baril. Nanghina ang mga tuhod ko at nanlambot sa nangyari.

"Kyungsoo!" sigaw ko at agad na sinaksak si Chanyeol para bumagsak siya.

Nilapitan ko si Soo na sobrang dami nang dugo ang nawala sa katawan niya. Hinawakan ko ang pisngi niya at niyakap ng sobrang higpit .

"K-kai."

"No no. Huwag kang susuko ah, nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

Ngumiti siya sa at tumulo ang luha niya. Nang tumulo ang luhang iyon, muling bumalik yung araw na nagkita kami sa library.

"Kyungsoo.. Pumikit ka nga." utos ko sa kanya.

"Ahh bakit?" tanong niya.

"Basta pumikit ka lang.

Sinunod niya naman ang sinabi ko. -___-

"Alam mo bang ganyan ang mundo ko kapag wala ka?" sabi ko sa kanya.

"Ehh?"

Ayun yung uanang beses na nakita kong namula yung pisngi niya nang dahil sa akin.

Naalala ko rin yung time na nahulog ko sa bowl yung diary niya at nagalit siya sa akin.

"Di mo alam kung gaano ko katagal pinaghirapang itago sa ibang tao yun tas ngayon ikaw lang ang sisira sa lahat ng nakalagay na importante dun. Masakit yun para sakin. Sabihin mo nang bakla ako pero dun lang sa library na yon ako nakakapaglabas ng sama ng loob ko eh." paiyak na sana ako nang bigla akong halikan ni Kai.

Napatigil ang mundo ko ng naglapat ang mga labi namin. Ewan ko ba kung bakit napapikit ako eh. Tsk.

"Wag kang mag-alala. Gagawan ko yun ng paraan."

Ayun rin ang unang time na natikman ko ang matamis niyang labi.

"K-kai, ipangako mo. H-hindi mo ako iiwan ah?" tanong niya kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na ipipikit niya ang mga mata niya. Hindi. Hindi pwede ito, nangakp akong hindi ko siya iiwan.

"Kyungsoo! Kyungsoo gumising ka!" inalog ko siya at niyakap muli. Ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko. Iiyak ba ako? Tatayo o ano. Ang gusto ko lang ay si Kyungsoo. Si Kyungsoo na nasa tabi ko panghabang buhay. Hindi ko alam, parang bibigay narin ang katawan ko.

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedWhere stories live. Discover now