WAWTABS 39- FAMILY DAY WITH EXTRA

1.2K 83 24
                                    

**Kris POV.**

Napabangon na ako at tumingin sa wall clock at 11:15 na... tanghali na ako nagising kasi naman late na kami nakauwi ni hilaw kagabi at sa guest room narin sya natulog kagabi, kaya wala ng maingay ngayon sa kwarto ko

Bumangon na ako at dumeritso na sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagbihis lang ako ng pambahay at lumabas na at bumaba... pumunta na akong kusina at nakita ko na si mommy doon na kumakain mag-isa at ang daming nakahain na pagkain

"Hello Mom!" Lumapit na ako dito at nag kiss sa kanya

"Oh! Ang aga mo ata nagising ngayon ah!" Biro pang sabi nito

"Hahahaha napuyat ehh" natatawa kung dito "ah si daddy po?"

"Nasa garden, kasama si Galaxy" tumango nalang ako dito at ang tibay talaga ni hilaw dahil nagiging ka-close nya na  sila mommy at daddy... Kumuha na ako ng pagkain at sinabayan na si mommy kumain

"Napag-isipan mo na ba?" Napatingin naman ako dito na nagtataka

"Po?"

"Kung sasama ka sa amin ng Daddy mo sa USA?" Napatulala naman ako kay mommy at nakatingin lang rin ito sa akin "kris? What do you think?" Napabalik naman ako sa sarili ko ng magsalita ulit ito at nabalik naman ang tingin ko sa plato ko at balik rin kay mommy

"Kailan mo ba ang alis nyo??"

"Monday Morning" maikling sagot nito at inalis ko ulit ang tingin kay mommy at napaisip naman ako

This past few days, nagiging ok narin ako, unti unti ko ng kinakalimutan yong sakit na ginawa nila dave at sa tulong rin sa akin ni hilaw, pero hindi ko parin masasabi na ok na ok na ako na wala na akong nararamdaman kasi meron parin, hindi man katulad ng dati pero alam ko sa sarili ko na may sakit parin sa puso ko, dahil hindi  naman ganon kabilis para mawala ang sakit diba? At makaka move on lang ako pero hindi agad mababalik yong dating ako, at walang makakapagpabalik non kundi ako lang, ako lang ang makakapagbalik ng dating ako, yong kris na matapang at hindi iyakin at kailangan ko ng panahon para gawin yon... Napatingin ulit ako kay mommy

"Sunday" seryoso kung sabi dito "Sa linggo ko sasabihin ang magiging decision ko mommy, ok lang po ba??"  Tumango naman ito sa akin

"Sunday morning kris, kasi bibili na kami ng dad mo ng ticket sa Sunday, and aalis na sa Monday" nakangiti nitong sabi at tumango naman ako dito at kumain na ulit, at iniisip ko parin ang magiging decision ko, at kung ano man ang magiging decision ko, para naman sa akin yon "at mag ready ka narin ngayon" napatingin naman ako dito

"Po?"

"Aalis tayo ng daddy mo"nagtaka naman ako dito

"Pa saan po??" At ngumiti lang ito sa akin at tumayo na ito at umalis na.. naiwan naman akong nagtataka ngayon, pero napangiti rin kasi matutuloy na ang bonding namin nila mommy, kaya naman minadali ko na ang pagkain at bumalik na ulit ako sa kwarto ko at nagbihis na ng maayos naka black jeans at gray t-shirt lang ako at white shoes at lumabas na rin at nakita ko na si mommy sa sala at naka ready na ito at ngumiti naman ito ng makita ako

"Ang ganda talaga ng bunso kung lalaki" ngumuso naman ako dito

"Ok na sana mommy eh, bakit may lalaki pa sa dulo?" Tinawanan lang ako nito at nagyaya na itong lumabas at pagkalabas namin ng bahay ay nakaparada na ang sasakyan ni daddy sa labas kaya naman lumapit na kami doon at sa front seat si mommy at sa likod naman ako at pumasok na ako doon "Tara na Dad!" Excite kong sabi dito at tumingin naman ito sa akin

"Wait lang may kinuha pa si Galaxy sa loob--"

"What!! Bakit kasama yon? Kala ko ba tayo lang?" Bigla kung tanong dito at napatingin naman ako sa bintana at nakita ko na si hilaw na palapit sa kotse, naka black pants ito na may hati sa dalawang tuhod at white na damit at naka denim jacket and white shoes at agad ko naman nilock ang pinto sa backseat at kumatok naman ito sa bintana at sumilip pa at dinilaan ko naman ito

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now