WAWTABS 37- VISITOR

1.3K 84 11
                                    

**Kris POV.**

9:45 am na ngayon pero nandito parin ako sa kwarto ko at nagkukulong at lahat ng kurtina dito sa kwarto ko ay nakasarado kaya naman hindi pumapasok ang sikat ng araw dito sa loob ng kwarto ko

Naiisip ko parin yong nangyari ka gabi at kahit lasing ako hindi ko nakalimutan lahat ng sinabi sa akin ni dave, sa tagal naming magkasama ni nicka hindi man lang nya sinabi sa akin na kakilala nya pala si dave, at sinisisi ko sya ngayon sa sakit na nararamdamn ko, dahil kung hindi nya ginawa na ipilit kay dave na mahalin ako, hindi hahantong sa ganito ang lahat, at bakit kailangan nya pang ipagtabuyan si dave kung gusto nya rin naman pala yong tao dahil wala namang mangyayari sa kanila kung wala silang nararmdaman sa isat isa, at tangina nila dalawa, magsama sila parehas malalandi!

Napatihaya naman ako at saktong may kumatok sa pinto ko pero hindi ako sumagot dito at nakarinig naman ako ng susi sa labas at ilang saglit lang rin ay nabuksan na ang pinto at mukha ni mommy ang nakita ko at pumasok na ito sa loob

"Ugh! Mommy!" Nag talukbong agad ako ng kumot ng hilahin ni mommy ang kurtina pagilid kaya naman biglang lumiwanag ang loob ng kwarto ko "Mommy!" Angal ko ulit ng hilahin ni mommy ang kumot ko at nag pamaywangan ito sa akin at napaupo naman ako sa kama ko

"Umalis ka pala kagabi at hindi ka nagpaalam sa amin?" Ngumuso naman ako dito "pano kung maynangyari sayo kris ng hindi namin alam?" Reklamo nito

"Sorry Mom, gusto ko lang talaga makalimot" mahina kung bigkas dito at nagbuntong hininga naman ito at lumapit sa akin at hinwakan ang ulo ko

"Take shower first, kagabi pa ata yang suot mo" hinila naman ako nito pa tayo pero hindi ako tumatayo "gusto mo ba paliguan ka ni mommy?" Nakangiti pa nitong sabi

"Ayaw ko maligo--"

"Isa!"

"Mommyy!"

"Dalawa"

"Heart broken ako!"

"Hindi dahilan yan para hindi ka maligo kris, natatandaan mo pa ba ang sabi ko sayo dati?" Tanong nito at tumango naman ako dito "wag kang magpapatalo sa sakit na nararamdamn mo, tanggapin mo at matuto ka, dahil yang sakit na yan? Jan ka magiging matapang, at malalampasan mo rin yan at pagnatapos yan? Siguradong magiging masaya ka na ulit at kaya mo ng harapin yong mga taong nanakit sayo at ipakitang, walang taong magpapanatili sayo sa madilim na mundo" napaluha naman ako sa sinabi ni mommy

"Ang sakit mommy, parang dinudurog yong puso ko ngayon, at hindi ko alam kung kailan ulit ito mabubuo"

"Alam mo ba kung bakit ka nasasaktan kris? Kasi mahal mo sila at hindi mo matanggap na niluko ka ng dalawang taong mahal mo" at pinunasan naman nito ang luhang tumulo sa mata ko "ganyan kapag nagmahal ka, masasaktan ka talaga lalo na kapag naging mahalaga na sila sayo" hinawakan naman nito ang dalawang kamay ko

"Mommy si Nicka talaga ang mahal ni dave" at nagulat naman ito "at dahil alam ni nicka na mahal ko si dave pinakiusapan nya si dave na ako nalang ang mahalin kaysa sya" nanginig naman ang labi ko "alam kung kaya nya ginawa yon dahil mahal nya ako mommy pero hindi ko naman hiningi na mahalin ako ng mahal ko at mas lalo ng hindi ko pipilitin ang sarili ko sa taong hindi naman ako mahal" patuloy lang na tumutulo ang luha ko "at dahil sa kagustuhan nyang sumaya ako hindi nya inisip ang maaring mangyari sa ginawa nya, at ngayon sira na kami mommy at hindi na mababalik pa" niyakap naman ako nito at umiyak lang ako sa balikat ni mommy

"Shhh, don't cry, saktan ka man ng kahit sino pero kami ng daddy mo hindi ka namin sasaktan anak, mahal na mahal ka namin at ng mga kuya mo" umalis na ako sa pagkakayakap dito at pinunasan ang luha ko "alam mo bang nalaman ng ng mga kuya mo ang nangyari sayo at gusto nilang makita si dave"

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now