WAWTABS 23- ASSUMERA

1.2K 78 15
                                    

Dedicated to JoongNineFan

**Kris POV.**

Sabay naman kaming natawa ni dave at ginulo nanaman nito ang buhok ko gamit ang kanan nyang kamay at bumalik narin sila Nicka sa pwesto nila at nagkanya kanya na kami ng mundo dahil bukas pa naman kami magsisimula mag-ayos

"Buti na lang naging lalaki ka" at napatingin naman ako kay dave na nagtataka

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko dito

"Kasi kung hindi ka naging lalaki hindi ka makakapasok dito at hindi kita makikita at makikilala" nakangiti nitong sabi at magkahawak parin ang mga kamay namin sa ilalim ng lamesa

"Pero bakit sa lalaki ka nagkagusto? I mean nasabi kasi sa akin ni hilaw na ako palang daw nagugustuhan mo" tanong ko dito at pansin ko namang napatingin sa amin si nicka at bumalik rin ito ng tingin kay nick

'Chismosa'

"Ahh yes he's right, ikaw palang nagugustuhan ko, at minahal ko, kaya gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang" nakangiti nitong sabi "gusto kong maging masaya ang taong mahal ko kaya gina gawa ko ang lahat para sa kanya-para sayo" at tinaas ko naman ang palad ko at hinawakan ang pisnge nya

"At gagawin ko rin ang lahat para sayo Dave, alam mo bang ikaw pa lang ang minahal ko ng ganito at alam mo bang sinabi ko sa sarili ko na hindi kita sasaktan kapag naging tayo kasi ang hirap mong saktan, feeling ko kasi nong unang kita ko sayo ang lungkot ng mga mata mo, kaya natatakot akong saktan ka at habang tumatagal unti unti ka ng nagiging special sa akin, meron kasi sayong wala ang ibang lalaking nakilala ko, so I want to treasure you" nakangiti kung sabi dito "at sana wag mo rin akong saktan kahit wala pang tayo kasi hindi ko pa naranasan ang heart break, pero I know naman na hindi mo gagawin sa akin yon diba? Kasi ako ang first love mo" at ngumiti naman ito sa akin

"Hindi naman maiiwasan sa dalawang tao ang mag-away diba? But I promise that, mag-aaway lang tayo pero hindi maghihiwalay" at natawa naman ako dito at tumawa rin ito

"Wala namang tayo eh" wika ko dito

"Hindi naman iportante na may tayo o wala ang importante yong nararamdaman natin sa isa't isa" at hinawakan din nito ang pisnge ko kaya binitawan ko naman ang pisnge nya "at wag kang matakot na masaktan kasi jan ka magiging matapang, dahil hindi sa lahat ng oras puro saya lang meron sa mundo dahil ang saya ay may kasamang lungkot--" at napatigil naman ito sa pagsasalita ng may bumato sa amin ng isang papel at bumitaw muna ako sa pagkakahawak sa akin ni dave at pinulot yong papel at binuksan ito

'NO FLIRTING!!!!'

sabay naman kaming napatingin ni dave sa bumato ng papel at si hilaw nanaman yon at nag gesture pa ito na maglayo daw kami ni dave at nagkatinginan naman kami ni dave at natawa na lang kay hilaw kahit kailan talaga napaka bitter nya, kitang nag momoment na nga kami ni dave nag paepal pa

hindi nalang namin pinansain si hilaw at magkadikit parin kami ni dave, wala namang paki yong mga kaklase namin sadyang si hilaw lang talaga masyadong protective sa amin ni dave, at binalik na ulit ni dave ang kamay nya at nagholding hands ulit kami sa ilalim ng lamesa

"I promise I won't break your heart" nakangiti nitong sabi at tinaas nito ang kamay naming nakahawak at hinalikan nya iyon ng mabilis at binaba nya ulit at natawa naman ako dito, feeling ko nasa bawal kaming relasyon tapos tinatago namin sa mga magulang namin, kasi kami yong tinatawag na maling pagmamahalan, pero wala namang mali sa pagmamahal diba sadyang may tao lang talagang judgmental at insecure sa pagmamahalan nang parehas ng kasarian

Ilang minuto pa kaming naglandian ni dave at sa wakas ay nag bell narin at recess time na namin at nagsitayuan na kaming lahat at inayos muna namin ang aming mga gamit bago kami nagsilabasan, at sabay sabay na kaming anim na pumuntang canteen at nag order na kami at naghanap ng mauupuan at kumain na kaming lahat ng snack at pansin ko naman ang pagtahimik ni nicka at nick at hindi rin sila nagkikibuan

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon