WAWTABS 12- SATURDAY

2.2K 142 13
                                    

**Nicka's POV.**

Nakaupo lang ako sa aking kama at nag f-facebook lang gamit ang aking loptop na bigay pa sa akin ni kris..diba bait ng bestfriend ko? si Marco naman kasi may kaya sa buhay ako lang talaga ang hindi pero sabi naman ni kris kapatid na daw ang turing nya sa akin..mula ba naman bata magkasama na kami at ganon rin naman ako sa kanya.. I'll do anything for her-him pala hahahah

Napatingin naman ako sa kabilang kama kung nasaan si kris at nakahiga lang ito at nakatulala sa kisame at alam kung pagod na pagod ito isang linggo ba namang naging janitor

Ayan kasi ang landi kakaumpisa palang ng pasukan parusa agad inabot kaharutan eh..

"Bes! Sabado ngayon tara bar tayo?" Yaya ko dito at tumingin naman ito sa akin ng masama

"Shuta ka bakla! Kita mong pagod na pagod ako yayain mo pa akong lumandi!" Inis nitong sabi "at isa pa ayaw kong magluko kay dave no!"

"Wow! Ang kapal ha? Jowa mo te?" Biro ko dito

"Hahaha malapit na" confident nitong sabi

"Hindi ka talaga sasama?" Tanong ko ulit dito

"Kahit na tigang na ako at hinahanap hanap na ng labi ko ang lasa ng isang masculine na lalaki..kung ganito naman ako kapagod WAG NA!" sigaw pa nito

"Edi wag! Kami nalang lima-"

"Anong lima?" Agad nitong tanong

"Ako, si Marco, si galaxy, si Nick" sabi ko dito at kumunot naman ang noo nito

"Sino yong isa?"

"Edi yong jowa mo!" At nanlaki naman ang mata nito

"K-kasama nyo sya? As in pumayag sya?" Excite nitong tanong

"Oo as in yes" sabi ko dito

Pero ang totoo hindi naman talaga binibiro ko lang sya..kinakabahan tuloy ako baka bugbugin nya ako kapag nalaman nyang hindi totoo..pero ok lang hindi maman sya sasam-

"Sasama na ako!" Biglang sabi nito

'Shuta!'

"Wag na! ayaw mo diba? Kami nalang! At alalahanin mo pagod ka!" Sabi ko dito

"Ok lang! At least chance ko nang mapalapit sa kanya!" Sabi pa nito "sige mag b-beauty rest muna ako para ready mamaya " at pumikit na nga ito at niyakap nya ang unan nyang may mukha ni Saint thailand actor

Naitiklop ko naman ang loptop ko at napahawak ako sa sintido ko

'Ugh! Anong gagawin ko?'

Nakaupo lang ako sa kama ko at patuloy na nag-iisip kung anong gagawin ko..

'Sabihin ko kayang hindi na tuloy? '

Pero gusto ko kasing mag bar at makatikim rin ng isang masculine na lalaki isang linggo rin kaming nagtiis ni bakla..kailangan maka ilan ako ngayong gabi

'Sabihin ko kayang nag back-out na yong tatlo?'

Baka naman sa amin ni marco magalit yon at baka bugbugin pa kami dahil na excite pa sya kanina at nag expect na talaga sya na kasama si dave..ayaw ko namang maging malungkot sya

'Ugh! No choice!'

Agad na akong bumaba sa higaan ko at lumabas at nakita ko pa si Marco sa sala at nanunuod lang

"San ka?" Tanong nito

"Jan lang sa labas..may kakausapin lang" sabi ko dito at tumango naman ito sa akin at lumabas na nga ako at pumunta sa kabilang dorm ang 106 dorm

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now