WAWTABS 27- 1st DAY OF B.C

1K 73 5
                                    

**Kris POV.**

"GOOD MORNING PHILIPPINES!!" Tumayo na ako sa higaan ko at binuksan ang ilaw at nag-unat ng katawan at nagkusutan naman ng mata ang dalawa kung kaibigan at masama pa akong tiningnan ni nicka "hahahahah now you know how it feels" tinarayan lang ako nito at tumayo narin pati si marco

"Himala ang aga mo ata ngayon? Alas sinko palang ah" nakangiti naman akong tumingin kay marco at nag-uunat narin ito at ganon din si nicka

"Syempre Monday na ngayon at my balak kaming mag-ikot-ikot ni dave dahil mamaya pa naman kaming tanghali naka asign dalawa" napahawak naman ako sa pinsge ko at ini-imagine ang mangyayari sa amin mamaya ni dave at bigla naman akong tinulak ni nicka "bleee ingit ka lang!" Sigaw ko dito at pumasok na ako sa cr at naligo, pagkatapos ay pumunta na ako sa aking closet at nag suot ng ripped jeans na white at brown na damit at vans na itim na sapatos at lumabas na ako at papasok naman sila dalawa sa closet nila at lumapit na ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko, hinayaan ko lang ulit na nakababa ang buhok ko hindi naman ako mahilig sa brush up na style

From: Mr. Right❤

Are you done?

To: Mr. Right❤

Kakatapos lang, san ka?"

Sent

From: Mr. Right❤

Sa labas ng room nyo

"Nicka, Marco mauuna na ako, nanjan na ang Mr. Right ko!" Sigaw ko sa kanila

"Sige, pakasaya ka" natawa naman ako sa sigaw ni nicka at lumabas na ako ng kwarto hindi na ako kumain ngayon kasi baka kumain kami ni dave mamaya kapag nag-ikot na kami..pagkalabas ko naman ay nakangiti agad sa akin si dave at napatingin naman ako sa suot nya naka itim ito na damit at white na pants ma may butas sa tuhod at itim na sapatos...napangiti naman ako ng damit lang pinagkaiba namin dalawa

"Hindi naman tayo nag-usap diba?" At tiningnan nya rin ang suot ko at natawa naman sya

"Destiny talaga tayo" nakangiti nitong sabi at natawa naman ako dito at sabay na kaming naglakad palabas ng dorm at ang dami ng taong nakakalat sa field kahit alas sais palang at lahat sila naka civilian rin

Naglalakad na kmai ni dave sa field at pupunta muna kami sa classroom namin para silipin kung ano ng meron doon at pagkarating namin sa building namin, maraming tao sa lobby at nagsisipuntahan sila sa hagdanan kaya naman nakisingit nalang kami sa kanila at lahat sila pumuntang THIRD FLOOR?

"Anong meron?" Tanong ko kay dave at nagkibit balikat lang ito sa akin at nagmadali na kami pumunta sa room namin at may nakalagay pa si pinto namin na close

"Ang tagal naman!"

"Anong oras ba sila magsisimula?"

"Ganda no?"

"Uupo talaga ako doon banda"

"Picture tayo don pre!"

"Excuse me po" singit ko sa kanila at napatingin naman sila sa akin at napatulala pa yong iba at yong iba naman hindi ako narinig

"Ngayon lang kita nakita dito ah" napatingin naman ako sa lalaking nagsalita at nakangiti ito sa akin pati yong iba nakangiti rin sa akin

"Ahh transfere po kasi ako" nakangiti kung sagot sa kanila at bago rin ang mga mukha nila sa akin ibang grade level sila at hindi sila grade 11

"Ano pangalan mo--"

"Ahh excuse me" napatingin naman ako kay dave "pumasok ka na kris, ako na kakausap sa kanila" bulong nito sa akin at tumango naman ako nito at pumasok na nga ako at pansin ko naman ang paghabol ng tingin sa akin ng ibang lalaki sa labas

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now