WAWTABS 38- TAGAYTAY

1.2K 85 20
                                    

**Kris POV.**

"GOOD MORNINGG SELLFFFF!" inis naman akong napamulat at naupo sa pagkakahiga ng may maingay sa loob ng kwarto ko at nakita ko naman si hilaw sa harap ng salamin at nakaligo na ito at inaayos ang buhok nya sa salamin, at dumating narin ang isang maleta nya kahapon at tinutoo nya talaga ang sinabi nyang dito sya ng isang linggo

At dito rin sya natulog kagabi ang dahilan nya ay natakot daw sya sa guess room baka daw magpakita sa kanya ang pinanuood namin kaya nakitulog sya dito pero sa sofa ko lang sya pinatulog, bahala sya at pumayag naman sya, wag lang daw doon sa guess room at nandito rin sa loob ng kwaryo ko ang maleta nya

"Hoy! Lumipat ka na sa guess room mamaya!" Reklamo ko dito at tumayo na ako, 10:20 narin pala at matagal rin ako nakatulog

"Ayaw ko nga! Damot damot" reklamo rin nito at kumuha na ako ng towel at damit sa walk-in-closet ko

"Mag bihis ka ng maayos andro E, aalis tayo ngayon!" Sigaw pa nito sa akin

"Ayaw ko! Bahala ka jan, wala ako sa mood" at lumabas na ako sa closet ko

"Sige na!" Pagpilit pa nito "sige kapag pumayag ka, sa guess room na ako matutulog mamaya" napatingin naman ako dito at ngumiti pa ito...napailing nalang ako dito kasi ang galing talaga nito magpapayag, bumalik na ulit ako sa closet ko at kumuha ng white pants na may hati sa may tuhod at black na damit na mat tatak na Gucci sa gitna at lumabas na ulit ako at pumasok na sa cr at ilang saglit lang rin ay natapos na akong maligo at lumabas na akong nakadamit at nakapatong naman ang tuwalya ko sa ulo at kumuha na ako ng korean style na black and white na shoes, pagkatapos ay tumayo na ako at pinatuyo na ang buhok ko at sinuklay yon at hinayaan ko lang na nakababa ang buhok ko at napatingin naman ako kay hilaw ng nakatingin ito sa akin at naka brush up naman ang buhok nito "hindi ako sasama kapag ganyan ang buhok mo!" Angal ko dito

"Sus! Bahala ka jan, sa labas nalang kita hihintayin" at lumabas na nga ito at nilagay ko naman ang wallet ko at cp sa bulsa ko at hindi narin ako nakakatanggap ng tawag or text kila nicka dahil blinock ko na ang number nila sa cp ko at nagpalit narin ako ng sim...nang ayos na ako ay pinatay ko na ang aircon at ilaw sa kwarto ko at lumabas na at bumaba at nakita ko namang nagtatawanan sila mommy at daddy kasama si hilaw, at napatingin na sila sa akin ng makalapit na ako

"Sa labas na ba kayo mag l-lunch?" Tanong ni mommy, at 11:15 na nga ngayon at malapit ng mag luch

"Sa labas nalang siguro po tita" nakangiting sagot ni hilaw at tinarayan ko nalang ito ng mapatingin sa akin

"Ahh sige mag-iingat kayo" sabi ni mommy at nagkiss na ako sa pisnge nila ni daddy at nauna na akong lumabas at sumunod naman  si hilaw at kotse nya ang gamit namin ngayon pinadala nya rin pala yon kahapon... pinagbuksan naman ako nito ng pinto kaya pumasok na ako at umikot naman ito at umupo narin sa driver seat at napatingin naman ito sa akin ng nakatingin ako dito

"Bakit mo ba ginagawa ito?" Tanong ko dito at nagtaka naman ito

"Ha?"

"Kung inutos sayo ng bestfriend mo na bantayan ako or kung ano man yan, hindi mo na kailangan gawin kasi kaya kong mag move on ng ako lang" seryoso kung sabi dito at magkatinginan parin kami dalawa

"Ha? Hahhaah no, hindi nya ako inutusan o kung ano paman--"

"Or baka na g-guilty ka sa ginawa ng bestfriend mo--"

"Ano bang pinagsasabi mo jan andro E?" Natatawa pang tanong nito "kung inaakala mo na inutusan ako or na g-guilty ako sa ginawa ni Dave, nagkakamali ka" at tumingin ito sa mga mata ko "Ginagawa ko ito kasi gusto ko" seryoso nitong sabi

"B-but why?" Nagtataka kung tanong dito

"Hahahahha I don't know, siguro hindi lang ako sanay na malungkot si andro E" nakangiti nitong sabi "nasanay kasi ako sa masayahing si andro E!" Inalis ko naman ang tingin ko dito

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum