WAWTABS 31- LAST DAY OF B.C

865 65 4
                                    

**Kris POV.**

"Whooooo guys friday na ngayon at bukas na ang birthday ko at excited narin akong malaman mamaya kung sino ang panalo" napangiti naman kami dahil sa sigaw ni nick

Na ikwento rin kahapon sa akin ni dave na tuwing friday rin daw ang bilangan at nasabi nya rin na may pahinga pa daw na isang linggo bago ang outing dahil pagtapos daw nito puro pagod ang mga studyate, pero ok lang naman sa akin yon kasi tama naman sya nakakapagod talaga, ang pangit naman kapag pumunta kaming  resort na walang mga gana, pero sana talaga manalo kami

Mamayang 1pm ay magsasara na lahat ang mga booth at lahat ng President ng bawat section ay pupunta sa Prinsipal office para sa bilangan at mauuna muna ang lower grade sunod ang senior high at huli na ang college at lahat kami excited na malaman kung sino ang mananalo sa building namin

Pero sa ngayon nag-aayos na ang mga Group A dahil sila ang naka asign ngayong umaga pero dahil wala na nga kami mamayang hapon ay tutulong narin kaming mga Group B ngayon at kami ngayon dalawa ni nicka ang VIP kaya alam kung mas dadami ang mga tao ngayon...at tamang pagkabukas nga namin ay nagsidatingan na ang mga tao at mga nakangiti pa sila dahil dalawa na ang VIP ngayon at dahil last day na nga may promo kaming dinagdag 500 dalawang VIP na, at nagustuhan naman yon ng mga lalaki dahil wala nanamang tigil kami sa kakangiti dalawa ni nicka

"Hahaha ako naman" at lumapit na yong lalaki sa amin at hinawakan kami ni nicka sa baywang namin palapit sa kanya at ngumiti na kami lahat at pagkatapos ay inalis ko na ang kamay nong lalaki sa akin "grabe ang gaganda nyo" puri nito "lalo ka na" sabay hawak nito sa baba ko

"Heheheh thank you" mabuti nalang at umalis na rin ang lalaki dahil may kasunod pa sa kanya

At halos mapagod kami ni nicka dahil ibat iba ang ginawa naming posisyon may nag rerequest pa sa amin na, kunyari daw pinag-aagawan namin sya at nakahawak ako sa kabila nyang braso ganon naman si nicka sa kabila tapos hinila naming dalawa yong lalaki at pinicturan narin kami at tuwang tuwa naman sya doon,

Bandang 9:40 na humupa ang mga nagpapapicture sa amin at yong iba puro normal na ang niyaya siguro wala ng pera, at ngayon nakaupo nalang kami ni nicka sa may stall sa counter at nag order ng kape

"Bes, excited na ako kung sino ang mananalo, at kapag tayo ang mananalo magkakabonding nanaman tayo nag b-bestfriend at masusuot na natin ang dala kung swim suit!" At natawa naman ako dito, kung naalala nyo pa yong nagpunta kaming bar yong nagdala sya ng wig at sabi nya rin ay nag dala rin sya ng swim suit if ever daw na maliligo kami

"Tangina, susuotin mo talaga yon?" Natatawa kung tanong dito

"Oo naman, tayong dalawa dahil dalawa ang dinala ko at sa last day pa naman natin masusuot yon dahil yon yong araw para sa sariki natin bahala na daw tayo kung anong gusto nating gawin sa last day" mahaba nitong sabi

"Kay nino mo naman nalaman yan?"

"Kaynino pa ba edi kay nick" napangiti naman ako dito "Sana maraming pogi doon bes no? Tapos may mga kano pa" at nag-iimagine pa ito sa mangyayari

"Hahahah gaga, hindi ka ba nakikinig? nirentahan ng Prinsipal ang isang resort, ibig sabihin magiging private ang lugar nayon at walang ibang pwedeng pumasok" paliwang ko dito at ngumuso naman ito

"Edi sa last day! Mag-iikot ako, pupunta ako kung saan maraming lalaki at sasamahan mo ako"

"Hahahaha ikaw nalang, dahil sa araw nayon si dave ang kasama ko" nginisian ko pa ito

"Ugh! Ang daya"

"Edi magpasama ka kay nick, thank you" pasalamat ko ng dumating na ang order namin "ayaw mo non masusulo mo na sya" biro ko pa dito

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now