WAWTABS 25- NIGHT DATE

1.2K 74 13
                                    

**Kris POV.**

"Tara sabay sabay na tayo puntang dorm" nakangiting sabi ni nick at inayos na namin ang mga gamit namin at naglinis muna kaming lahat ng classroom namin bago kami magsi-uwian at pagkatapos naming maglinis ay sabay sabay na kaming lahat naglakad palabas ng building namin papuntang dorm pati mga kaklase namin ay kasabay rin namin maglakad

Tahimik lang kami ni dave na naglalakad sa field, kapag tahimik pala ang kasama mo nagiging tahimik ka rin no? Napatingin naman ito sa akin at ngumiti naman ako dito ganon rin sya sakin

"Are you ok?" Agad naman akong tumango dito

"Hahahah oo naman, masaya nga ako ngayon kasi nag ka bonding tayo lahat ng mga kaklase natin at nakikilala ko narin sila" nakangiti kung sabi dito

"That's nice" at hinawakan naman nito ang kamay ko at mabuti nalang at alas singko na at hindi na ganon ka liwanag at hindi na kami pansin ng malalayong tao

"Ayiiieehhh" hiyawan ng mga kaklase namin alam narin nila na nililigawan ako ni dave at nangako silang secret lang namin yon "whoo team Daris kami" sabi nila jude at mga kaibigan nya

"Ewww Daris? Kami team Dris! Ang chaka naman ng Daris no?" Mataray na sabi nila benedict at kian at natawa naman kami

"Team Dris ako!" Singit ni nicka "at syaka si Marco at Nick at si Galaxy na rin" at nginisian nya pa si hilaw at nilakihan naman sya nito ng mata

"Dal-dal nyo lahat.. Tara na!" At nauna na nga si hilaw maglakad at nagsisunod naman yong iba

"Killjoy talaga non" natatawang sabi ni jude

"Lagi na lang high blood yon" at natawa naman si dave "hindi na talaga ako magtataka kapag nabalitaan kong na stroke yan bigla" natatawa kung sabi dito

"Hahahaha grabe ka" natatawang sabi nito at hinila naman ako nito palapit sa kanya "wag kang lalayo sa akin baka maagaw ka ng iba" bulong nito sa akin at pinalo ko naman ito ng mahina...pumasok na kami sa building ng dormitory namin at yong iba namang kaklase namin ay nagsipuntahan  narin sa building ng dormitory nila at kakaunti lang pala ang naka dorm dito sa building namin na kaklase ko, walo lang kami dito, at sabay sabay na kaming nag elevator

Pagkalabas namin sa elevator ay pumunta na kaming anim sa room namin at hinintay nanaman ako ni dave makapasok bago sya pumasok sa kanilang room

Pagkapasok ay nagsalampak agad yong dalawa sa sofa at ako naman ay dumeritso sa kama ko at doon dumapa sa higaan at naka ilang minuto rin akong ganon ang posisyon at naramdaman ko naman na nag vibrate ang phone ko at kinuha ko iyon at nagtihaya na ako ng higa

From: Mr. Right❤

Pwede mo ba akong samahan sa mall?

Agad naman akong napabangon sa higaan at napatingin sa suot ko at naka uniform parin ako at magulo pa buhok ko

To: Mr. Right❤

Oo naman dave sige hintayin mo nalang ako sa tapat ng mall

Sent

From: Mr. Right❤

Nandito ako sa labas ng room nyo, I'll wait here😘

Agad na akong tumayo at dumeritso sa cr at nag half bath lang ako at inayos ang buhok ko..lumabas na ako at pumasok sa walk-in-closet ko at nag suot lang na black na tukong at white T-shirt at lumabas na ako...pagkalabas ko naman ay naabutan kung tulog ang dalawa sa sofa kaya lumapit ako dito

"Hey! Lipat na kayo sa loob" gising ko sa kanila at napamulat na sila at tumingin naman sa akin si nicka at pumasok na si marco sa loob

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now