WAWTABS 22- NO LABEL

1.3K 93 6
                                    

**Kris POV.**

"Wow! Its good to be back" nakangiti kung wika habang naglalakad na kami papuntang building namin

"Gaga hindi ka naman nawala, naging janitor ka lang" tumingin naman ako nay nicka at tinawanan pa ako ng dalawa

"So what!" At binilisan ko na ang paglalakad ko at sumunod narin yong dalawa at nakasalubong ko pa yong janitor ng building namin "hello kuya, welcome back!" Nakangiti kung sabi dito

"Hahahah salamat iho at nakapahinga ako ng isang buwan at nakasama ko ng matagal ang pamilya ko" masayang sabi nito, kahit kasi hindi sya ang nagtrabaho nong last month, sa kanya parin mapupunta ang sahod "kamusta naman kayo ng kasama mo?" Tanong nito

"Hahaha ayos lang po kami, nag enjoy nga po kami eh" wika ko dito "sige po mauuna na kami"

"Oh sige iho" at naglakad na kami papuntang stairs at umakyat na kami papuntang thrid floor at papuntang classroom namin at pagkapasok namin ay kaunti palang ang mga tao sa loob dahil maaga pa naman

"Oy kris, welcome back!" Sabi ng isa kung kaklase at nginitian ko naman ito

"Hahaah salamat" at nginitian ko nalang ang mga bumabati sa akin at umupo na ako sa dati kung puwesto, kung anong puwesto ko noon ganon parin, hindi ata uso dito chairs arrangement at ilang minuto pa ay nagsipasukan na ang mga kaklase ko at napangiti naman ako ng nakangiting mukha ni dave ang pumasok sa pinto, at lumapit pa ito sa akin at umupo sa tabi ko

"Dito ka ba? Kala ko wala ng chairs arrangement"

"Hahaha nakipagpalit lang ako kay galaxy, I want to sit beside you" nakangiti nitong sagot at napatingin naman ako sa pinto ng si hilaw ang pumasok at ngumiti naman ito sa akin at nginitian ko nalang rin ito at umupo na nga sya sa dating upuan ni dave "how's your Saturday?" Tumingin na ako dito

"Hahaha masaya! Sobrang saya, may dalawang asungot pa ngang sumama sa amin eh" biro ko dito at natawa naman ito

"That asungot was galaxy and nick right?" Natatawa nitong tanong

"Sinabi mo pa hahaha" at pumasok narin ang guro namin si Sir Anton ang adviser namin at bumati na kami sa kanya lahat at pinaupo nya rin agad kami at lumabas ulit ito saglit

"May sasabihin daw ngayon si Sir" singit naman ni nicka at tumingin ito sa amin

"Ano daw yon?"

"Yon ang hindi ko alam" sagot nya at tumingin na ulit sya sa unahan dahil dumating na si Sir at maydala na itong folder na puti at binuksan nya na yon

"Ok class--"

"Ano yan sir?" Tanong bigla ng isa kung kaklase

"Sasabihin ko na nga, sumingit ka pa" at nagtawanan naman ang mga kaklase ko "so ito nga, nag meeting kami last Friday sa faculty at napagkasunduan na ngayong buwan gaganapin ang booth competition at napag-isipan rin namin na iba't ibang bansa ang magiging theme natin, at ang nabunot ko ay" pagputol nito "wait lang nakalimutan ko, hanapin ko lang yong maliit na papel" at hinalungkat nya na ang drawer nya "ito!" Masaya nitong sabi

"Ano sir?" Excite na tanong namin

"Ang bansang napunta sa atin ay" putol nito at ngumisi pa sa amin "KOREAAAAA!" sigaw bigla nito

"Wow! Galing mo sir!"

"Magiging koreano na pala tayo"

"Diba mapuputi ang koreano?"

"Ok na pala itong buhok ko!"

"Sir!" Napatingin naman ako kay dave ng magtaas ito ng kamay

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now