WAWTABS 10- CALLBOY VS. BOYBAND

2.6K 166 23
                                    

**Nicka's POV.**

(Yehey! My Point Of View na sya)

Sabay sabay kaming naglalakad kaming anim papuntang canteen sabay na naglalakad si Dave, Galaxy at si Kris at nasa likod naman kami nina Nick, ako at si Marco

"Andro E!" Biglang tawag ni galaxy kay bes

"Ano?" Inis namang sagot nito habang nakatingin kay galaxy

"2 points makakauna sa canteen..GAME!" Biglay sabi nito sabay takbo..tumingin naman si bes sa tumatakbong si galaxy at tumingin rin ito kay dave at kita ko sa mukha nito ang panghihinayang at bigla narin itong tumakbo

"Hindi ko alam pero parang bumalik tayo sa elementary days" biglang sabi ni Nick na nasa kanan ko

Tumingin naman ako dito.. si Nick ay hindi masculine lalaki parehas lang sila ng katawan ni galaxy kaya niluluko sila ni bes na sila ang mag bestfriend ni galaxy at hindi si Dave..gwapo din ang isang to kaso panghuli ang itsura nya kila dave..mas gwapo si dave sunod naman si galaxy at huli sya pero gwapo parin sya

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko

"Tingnan mo naman ang mga kaibigan natin nag-uunahan pa makapuntang canteen" paliwanag nito

"Mga isip bata lang talaga sila hahaha" sabi ko dito "may gusto ba si galaxy sa kaibigan ko?" Tanong ko dito "kasi palagi nyang kinukulit si bes at napapansin ko rin na kapag lalapit si bes kay dave haharang agad sya..feeling ko tuloy nagseselos sya" sabi ko dito at natawa naman ito

"Hahahah walang gusto yon" pauna nito "sya nadin nagsabi na hindi nya daw gusto si kris, kahit na maganda pa daw to.. lalaki parin yon" paliwanag nito

"Talaga lang ha? Iba kasi na kikita ko eh" sabi ko

"Hahahah yaan mo nayon, broken hearted yon eh"

"Talaga nagka girlfriend yon?" Tanong ko"

"Oo naman, sobrang ganda at sikat yon sa school nila pero sa tingin ko hindi naman minahal yon ni galaxy..parang wala na nga sa kanya eh" paliwanag nito

"Oh bat naghiwalay? Hindi kinaya ugali ni galaxy no?"

"Hahahaa sinabi mo pa..lahat ng naging girlfriend nya yon ang laging dahilan..habulin naman kasi yan eh..ugali nya lang talaga.. sana matagalan sya ng kaibigan mo" napangiti naman ako sa sinabi nito

"Hahaha wag kang mag-alala parehas naman sila ng ugali mga bipolar hahahah" at nagtawanan naman kaming dalawa

Malapit na kami sa canteen kaya minadali na namin ang paglalakad at pagkapasok namin ay agad naman kaming napatigil sa may entrance kasi nakapalibot ang mga tao parang may nangyayari sa gitna hindi naman masyadong marami ang tao dito sa canteen bawat grade level kasi may sariling building kaya naman puro grade 11 lang ang nandito pero hindi ko parin makita kong sino ang nasa gitna

"Ayon si galaxy oh" napatingin naman ako sa tinuro ni Nick at agad naman kaming pumunta doon apat "pre anong nangyari?"

"Nasan si kris? Magkasama kayo diba?" Tanong ko dito

"Ayon oh!" Tumingin naman ako sa tinuro nya at nakita ko si bes sa gitna kasama si boyband "luh! Bakit hindi mo sinamahan?" Lalapit na sana ako sa dalawa ng pigilan nya ako

"Dito ka lang, kita mong one on one sila! Gusto ko nga kanina sumama pero ayaw nya" paliwanag nito "at hindi rin naman pinasama ni bee ang mga kaibigan nya"

"Sinong bee?" Tanong ko dito

"Sya!" Sabay turo nya kay boyband

"Bee ang pangalan nya?"

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now