WAWTABS 32- CLASSMATE

940 64 2
                                    

**Kris POV.**

"Ano Sir? Sinong panalo sa building natin" nakangiting tanong ni peter at nawala naman ang ngiti nito ng umiling-iling si sir kaya naman nagtaka kami lahat

"Dave" pagtawag ko dito ng bigla akong yakapin nito ng mahigpit

"Kris" at niyakap ko rin ito imposible naman na matalo kami eh halos kami naman ang pinupuntahan ng mga tao..umalis na ito sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa mga mata ko "ginawa naman natin lahat diba?" Ngumiti nalang ako dito at hinawakan ito sa mga balikat nya

"Ganyan naman talaga ang buhay diba? May nanalo may na tatalo, kaya ok lang yan" seryoso kung sabi dito at ang seryosong mukha naman nito ay unting unting ngumingiti "bakit?"

"At dahil ginawa natin ang lahat, TAYO ANG PANALOOOO!!" napanganga naman ako bigla sa sinabi nya at napangiti narin ako at bigla namang nagyakapan ang mga kaklase namin

"Group hug guys!!" At lumapit naman kami ni dave sa mga kaklase namin  at nag group hug kaming lahat.. At nag picturan na kaming lahat sa aming magandang classroom at pagkatapos ay tulong tulong na kaming inayos ang classroom namin, dahil hindi naman namin pweding gawin bukas ito dahil birthday na nga ni nick bukas at kailangan ready kaming lahat doon at bukas narin dadating sila mommy pero sa linggo pa ako makakauwi at alam narin naman nilang pupunta ako sa birthday ng kaklase ko kaya hindi ko sila masasalubong sa sabado at naintindihan naman nila

5:20 na kaming natapos mag-ayos ng classroom lahat at naisipan na naming magsibalikan sa mga dorm namin at magpahinga dahil nakakapagod ang araw na ito..sabay sabay na kaming nagsilabasan lahat at may mga ibang studyante rin kaming nakakasabay dahil ngayon lang din sila natapos magsiayusan at sa pagkakaalam ko ay pinamigay na ni nick ang invitation sa lahat ng grade 11

Pagkapasok namin ng room ay nagsipuntahan na agad kami sa aming mga higaan at agad na nakatulog ng hindi na nakapalit ng damit

---

Napabangon na ako at kinusot ang mga mata ko at napatingin naman ako sa kaliwa at kanan ko pero wala ng nakahiga doon kaya naman tumayo na ako at tumingin sa orasan at 9:30 na, pumasok muna ako sa cr at naghilamos at nagmumug at lumabas na ako ng kwarto at nakita ko na ang dalawa sa sala at nanunuod tv kaya pumunta muna ako sa kusina at nagtimpla ng kape at may nakahain pa sa lamesa na pagkain kaya naman kumain muna ako, bacon and egg ang niluto nila at sinangag na kanin kaya naman inubos ko na lahat yon pati ang kape ko at pagkatapos ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at lumabas na ako ng kusina at nakiupo nalang kila nicka at marco nasa gitna namin si nicka ngayon at napangiti naman ako ng favorite series ko ang pinapanuod nila ang Love By Chance ang aking pinakamamahal na si Saint.. Nakinuod na lang ako sa kanila ang LBC talaga ang pinaka love kung series

"Bes mall tayo ngayon" napatingin naman ako kay nicka at tumingin rin ito sa akin "maga cross-dress tayo dalawa, dahil alam muna, maraming pupunta sa party ni nick, hindi tayo pwede magpatalo"

"Hahahahah bahala ka kung anong gusto mo" sabi ko nalang dito "ano oras tayo aalis--"

"Ngayon na tara!" Biglang sabi nito "marco sumama ka na sa amin" tumayo na si marco at pumunta na sa kwarto

"Wait lang tatapusin ko muna ito last nalang" sabay tulak ko dito pagilid nakaharang kasi sya sa unahan ko

"Napanuod mo narin naman yan eh, paulit-ulit? Unlimited?" At natawa naman ako dito at tumango nalang at pinatay ang tv at sabay na kaming pumasok sa loob at hinintay muna namin matapos maligo si marco at sunod naman kaming dalawa at pagkatapos ay nagbihis lang kami ng simple at lumabas narin ng dorm at siguro hanggang ngayon tulog parin sila dave

Pumunta na kaming parking lot ako na ang nag drive ngayon at sa malapit lang kami na mall pumunta at pagkapark namin ay pumasok na kami sa mall

"Marco ikaw muna samahan namin" at tumango naman ito sa akin at pumasok na kami sa Male clothes, at pagkapasok namin ay magagandang mga damit agad ang bumungad sa amin at tumulong narin kami sa paghahanap I mean si nicka pala, dahil hindi naman ako mahilig mamili kaya umupo nalang ako sa may fitting area at pinapanuod lang si marco mag papalit palit ng damit

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now