Sweet Thing #11 - Protection

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi naman naging mahirap para samin ang paglipat. Matagal na kasi itong plano ni daddy. At dahil sa pahayag ko ay lalo nilang minadali ang proseso. At narito ako ngayon, hinaharap ang bagong mundo.

END OF FLASHBACK

Maaaring nagtataka kayo kasi alam kong naikwento sa inyo ni Lillian yung firsts ko sa mga lalaki na hindi naman talaga first. Wala kasi siyang alam tungkol kay Charles. Dito ko na kasi nakilala si Lillian, last year lang pero super close na kami. Hindi ko ikinwento sa kanya si Charles kasi gusto ko talaga siyang kalimutan. OA kung OA pero yun ang gusto kong gawin. Sorry naman kung hindi ganun kahanda ang katawan, isipan, at emosyon ko sa naganap na pagtatapat.

Pero yung tungkol sa paghawak ng kamay at pagyakap, first talaga yung kay Yeol. At inaamin kong mas gusto ko na sa kanya nangyari 'yon at hindi kay Charles. Gaya ng sabi ko noon, I want something better with him. Dahil kahit gaano sila ka-magkatulad ni Charles, kabaligtaran ng lahat ang naramdaman ko sa kanya. Hindi na kumplikado. Sigurado na ako. At nasa tamang panahon na.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa pag-iisip tungkol sa kanya. At lalong hindi ko mapigilan ang saya sa pagdating niya. "Yeol!" masigla kong bati bilang sagot sa mga ngiting ibinungad niya sakin pagkababa na pagkababa niya ng kotse.

Sinundan naman ni Charles ang direksyon ng tinitingnan ko at nagtama ang kanilang mga mata.

Masaya ako sa pagdating ni Charles. Oo, masaya ako kahit na naiinis ako sa kanya. Namiss ko rin kasi siya at minsan ko na siyang naging bestfriend. Pero mas masaya ako nung si Yeol na ang dumating.

Pinutol ko ang mainit na pagtititigan ng dalawa nang yakapin ko si Yeol nang mahigpit. Hindi ko man nakita ang eksaktong reaksyon niya, alam kong nanlalaki ang mga mata niya ngayon sa gulat. Wala akong pakialam kung bago ang aksyon kong ito sa kanya. Wala akong pakialam kung bago lang din ito sa akin. The only thing I care is the safety I feel in his arms.

Kaya lang, hindi napigilan ni Charles ang pagiging makasarili. Hindi ko siya masisisi. Maaaring makasarili nga ang isang taong nagmamahal. "Ganun-ganun na lang ba, Freya?"

Tiningnan ko siya nang may guilt sa mga mata. Kasalanan ko kung ano man ang nararamdaman niya ngayon at alam kong walang magagawa ang paghingi ng tawad para maibsan ito kaya't hindi ko nagawang magsalita.

Hindi mababaw si Yeol. Mismong ang katahimikang bumabalot sa sitwasyon ang nagpaliwanag sa kanya ng mga pangyayari. Hinawakan niya ako sa balikat para iparamdam ang kanyang suporta.

Nginitian ako ni Charles nang mapait. "History repeats itself, huh?" Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. "Iiwan mo na naman ako pero hindi ka mag-iiwan ng kasagutan."

"Nag-iwan ako, Charles. Baka hindi mo lang matanggap." As much as possible, I don't want to hurt him, but it's inevitable.

Tumungo siya at saka huminga nang malalim. "Kung gaano ka kagaling tumuklas ng sagot sa isang palaisipan, ganun ako kahina, Freya. Sana kinonsidera mo naman. Dalawang taon kong pinanghawakan ang kasagutang inakala kong tama." Natawa siya nang sarkastiko. "Salamat at hindi mo na pinahaba pa yung pagkatanga ko. Mas maigi na rin yung dalawang taon kaysa lima o sampu. Kasi para lang malaman mo, Freya, handa akong maghintay pero titigilan ko na."

That somehow hit me. Hindi ko pa rin kasi maaalis ang katotohanang minahal ko siya. "Hindi ko ititigil dahil hindi na kita mahal. Para sabihin ko sayo, mahal na mahal pa rin kita. In fact, mas minahal kita nang muli kitang nakita. Hindi ko rin ititigil dahil lang sa nasaktan mo ko. Ititigil ko na kasi ito ang gusto mo. Tama ba?"

Napakagat na lang ako sa labi ko. "I'm awfully sorry, but we can still be friends, right?" I tried my best to smile hoping for a positive answer.

Dahan-dahan siyang umiling. "I don't think so, Freya. Give me time to heal the wound." Now I know how it feels like to be rejected, but I don't think I can consider that we're even. His damage was a lot larger, a lot deeper, and a lot more painful than mine. What have you done, Freya?

Pinanood ko lang ang unti-unti niyang paglalakad palayo pero saglit siyang tumigil sa harap ni Yeol at tinitigan ito. I don't know what was that stare for. Pero ilang segundo lang yun at umalis na rin siya. I was not expecting this. I was happy when he came. Now, I'm devastated. I'm ruined. I have nothing else to do but to blame myself for all the damage. Masakit ang makasakit ng kapwa tao lalo na ng matalik na kaibigan.

Nararamdaman ko na ang pangingilid ng mga luha ko sa mata. Pumikit ako nang mariin. Hindi ako iiyak. Pero nang makaramdam ako ng mainit na yakap mula sa likuran, ibinuhos ko ang lahat.

Para sakin, ang mga luha ay salamin ng mahina mong pagkatao; mga ipinagbabawal na salamin na siyang sisira sayong proteksyon. Pero kasabay ng pagbunyag ng mga salaming ito ang siya ring pagbasag sa kanilang mga sarili.

Ang mga luha ay hindi na salamin ng mahinang pagkatao kundi ng matatag mong pagkatao. Ang mga salamin ay wala nang kakayahang sumira ng proteksyong pinagkaingatan ko. At ang nakakagulat, isang mainit na yakap lamang ang kinakailangan para mangyari ang lahat ng ito; para magbagong-anyo ang mahihinang luhang tinatago ko.

"I can't save you from that bitter memory, but I'll replace it with sweeter ones."

Sweet YeollipopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon