It was actually the first time that I saw George Archival smile because he saw what Em-em did through the rear view mirror and by his side.

"Good job Em-em, pero dito ka na ulit at baka kung saan ka pa mauntog." Sabi ko na natatawa na ikinangiti lang nya.

"Ate nauuhaw po ako." Sabi nya maya-maya na ikinangiti ni Tay Eman.

"Napagod ata sa kakasayaw, hala eh pano yan, nandoon kina Mayette ang mga pagkain?" Sabi ni Tay Eman pero ngumiti lang ako.

"May bottled water po ako sa bag ko Tay, ako na pong bahala." Sabi ko saka iyon binuksan para ibigay kay Em-em.

Pinainom ko na sya doon at nang masatisfy sya, ibinalik nya din sa akin saka tahimik na inabala na ang sarili sa pagtingin sa labas habang nakasandal sya sa akin.

"Mukhang sanay na sanay kang mag-alaga ng bata Aurora? Pansin ko lang, kahit noong mga unang araw mo dito palagay agad ang loob nyang si Em-em sayo." Sabi ni Tay Eman kaya napatingin ako sa kanya.

"Mahilig po kasi ako sa mga bata Tay, saka ako ho ang pinakamatanda sa aming magkakapatid kaya lumaki ho akong binabantayan sila pag wala mga magulang namin." Sabi ko na ikinatango nina Tay Eman, pansin ko din na napatingin sa akin si George Archival mula sa rear view mirror at nagtama ang tingin naming dalawa pero kaagad din nyang ibinalik ang tingin sa daan.

"Ilan ba kayong magkakapatid hija?" Tanong ulit ni Tay Eman.

"Tatlo ho, ako po ang panganay at nag-iisang babae." Nakangiti kong sagot.

"Aba'y kita mo nga naman. Siguradong maraming nakaatang na responsibilidad sayo nyan bilang ikaw ang panganay." Sabi ni Tay Eman at tumango naman ako.

"Opo, kaya po magliliwaliw muna ako bago kumuha ng responsibilidad." Biro ko sa huli na ikinatawa ng bahagya ni Tay Eman.

It's actually true though, a part of me is scared and a part of me just wants to enjoy first. This time I'm going to enjoy first.

The whole ride was almost an hour pero hindi ko masyadong napansin kasi nagkukwentuhan lang kami nina Tay Eman at Em-em. Si George Archival tahimik lang at sumasagot lang kapag tinatanong ni Tay Eman.

I guess he's more of a listener than the talker. Pagdating namin sa shrine, madami ding tourist at tao na nagdadasal, papatapos na yung mass so we just listened to it till the end.

I silently prayed for Him to guide me and my family and thanked Him too with all the blessings I still get. For being able to wake up each day and for letting me meet genuine people that are willing to help me discover things.

I smiled after that and followed them when they went out of the church along with other people.

"Em-em, punta ka dun. I'll take a picture of you." Sabi ko sa bata para tumayo sya sa isang clear spot.

He stood there and smiled as I took the picture. Kaagad din naman syang lumapit dahil tuwang-tuwa sya sa polaroid ko nung kinuhanan ko sya kanina sa sasakyan.

Sya ang nagpaypay so the picture would come out before he gave me back the picture and I kept it then we followed Tay Eman and Tita May.

"Masyadong maraming tao no? Gusto mo bang pumunta na don sa bilihan ng puto calasiao Aurora?" Tanong ni Tita May after we tour around the area.

"Deretsyo picnic na tayo Mayette, nakabili na kami nina George ng puto." Sabi ni Kuya Jun na ikinagulat namin.

"Aba'y kelan? Di ko kayo napansin." Sabi ni Tita May na ikinatawa ko ng bahagya habang pinapanuod sila.

Something NewWhere stories live. Discover now