Chapter 22

6.4K 157 10
                                    

All Those Years

--

"Sydney please? H'wag mo namang ipakulong si mommy. I need her,"

Pagmamakaawa ni Belle sa akin. Gustuhin ko mang i-urong ang kaso ay hindi ko ginawa. Ayokong hayaan lang si tita Fely sa mga pagkakasala niya. It's unfair, lalo na't ilang taon akong nawalay sa parents ko dahil sa kagagawan niya.

"I wanted to Belle, but I'm sorry...hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Gusto kong matoto si tita sa mga pagkakamali niya."

Pagmamatigas ko kay Belle. Kita ko sa mga mata ni Belle na naiintindihan niya ako. Ngunit gano'n pa man ay naaawa ako kay Belle. Dahil mag-isa na lang siya sa buhay. She's only twenty, at naniniwala akong mabuting tao pa rin si Belle sa kabila ng mga ginawa niya rin akin.

"I'm sorry Sydney...I'm sorry for all the troubles and pain that I've caused you." She seriously said. I smiled at her. Kinuha ko ang kamay niya at marahang pinisil iyon.

"It's okay. Alam ko namang nadala ka lang dahil sa mom mo. You're already forgiven." Nakangiti kong sabi. Mabilis siyang tumayo at niyakap ako.

"T-thank you cous! Napakabuti mo talaga kahit kailan, thank you!" Umiiyak niyang sabi. Napangiti na lamang ako at niyakap din siya pabalik.

Nang maghiwalay kami sa pagyayakapan ay tumayo na rin ako para magpaalam.

"Mauna na ako sa'yo." Nakangiti kong paalam sa kanya.

"Sige, take care and be happy!" Naluluha niyang sabi. I feel it that she's happy for me.

"Thank you for the help, attorney." Nakangiti akong nakipagkamay kay attorney Galvez, my attorney.

"It's my pleasure to help you." She smiled.

Paglabas ko ng presinto ay sinalubong kaagad ako ni Drew. Hindi na siya sumama sa akin sa loob dahil may inasikaso siya.

"Is everything's fine?" He asked. Tumango ako sa kanya.

"Let's go?"

"Let's go!"

Habang naglalakad kami patungong kotse niya na magkahawak kamay ay biglang humapyos ang malamig na simoy ng hangin. Napakasarap no'n sa pakiramdam lalo na't gabi na. Kasabay ng hangin ay ang pag gaan ng pakiramdam ko.

Para akong nakalaya sa matagal na pagkakakulong. Tila ngayon ko lang muling naranasan ang ganitong pakiramdam.

"Didiretso na tayo ng airport, my private chopper is waiting in there on us." Seryoso niyang sinabi habang nagmamaneho ng sasakyan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Magkahalong excitement at pagkatakot ang nararamdaman ko.

Excited ako dahil pagkatapos ng halos labinlimang taon, muli kong makikita ang parents ko na akala ko ay matagal nang nawala. Natatakot rin ako para sa anak ko.

"Akala ko ba sa airport tayo?" Naguguluhan kong tanong kay Drew dahil kanina pa kaming nasa byahe ngunit ibang daan naman 'yong tinatahak namin.

"Short cut." Cool niyang tugon. Napa tango na lamang ako.

Ilang sandali pa ay ihininto niya ang sasakyan sa isang bukod tanging malaking bahay sa La Fresa Village.

"Short cut 'to? Ba't nasa village tayo?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ako sinagot ni Drew, bagkus ay kaagad siyang bumaba ng driver's seat. Nagtungo siya sa passenger's seat na side pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pintuan.

"Shall we?" Kinuha niya ang kamay ko para alalayan akong makababa. Nagtataka man ay inabot ko sa kanya ang kamay ko.

Nang makababa na ako ng kotse ay naglakad kami papasok ng malaking bahay. Napatigil ako sa naka-ukit na mga kataga sa gate it says, 'Welcome to Dr. Agustin's Mansion'

"Good evening Mr. Claveria!" Magalang at nakangiting bati ng guard ng mansion kay Andrew.

"Good evening."

"Drew...anong ginagawa natin dito?" Mahigpit akong nakahawak sa braso ni Drew habang naglalakad kami papasok sa mansion.

"Basta." Napa irap na lamang ako sa sagot niya. Napaka malihim niya na ata ngayon. Tsk!

"Andrew!" Napabitaw ako sa pagkakahawak ko ng mahigpit sa braso ni Drew dahil sa babaeng masayang bumati kay Drew.

Saglit akong napatulala habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. Naramdaman ko nalang na nagsisibagsakan na 'yong mga luha ko. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

"S-Sydney...anak?!" Kagaya ko ay nangingilig na rin ang mga luha niya.

"M-mama!" Mabilis niyang tinawid ang pagitan namin at binigyan ako ng mahigpit na mahigpit na yakap.

"Grabe, ang laki-laki mo na! Ang ganda-ganda mo anak ko!" Umiiyak na sabi ni mama habang natataranta niyang sinusuri ang mukha ko pati ang buong katawan ko.

"Sorry 'nak kung hindi ni mama nabantayan 'yong paglaki mo...sorry," paulit-ulit niyang sabi habang panay pa rin ang iyak.

Umiling ako kay mama. "W-wala po kayong kasalanan..." ani ko. Tumagal ang yakapan namin ng ilang minuto bago ako inaya ni mama na makapasok sa loob.

"Momma!" Natigilan ako ng marinig ko ang boses ng anak ko. Namiss ko 'yong boses ng anak ko na gano'n kasigla.

Lalong bumuhos 'yong iyak ko ng makita kong nakakatayo na anak ko. Bumalik na 'yong lakas niya.

"Baby!" Sinalubong ko ng yakap at halik ang anak ko. Gano'n din ang ginawa niya sa akin.

"Momma namiss po kayo!" Nakangiti niyang sabi. Nanginginig man ang mga kamay ko ay pinilit kong suriin ang mukha at buong katawan ng anak ko.

"O-okay ka na ba baby ko? M-magaling ka na?" Natataranta kong tanong sa kanya. Nakangiti naman siyang tumango. Napatingin ako sa itaas.

"Thank you God! Salamat at pinagaling niyo ang anak ko!" Naiiyak kong sabi habang nakatingin pa rin sa itaas.

"She's not suffering any blood disease. Sunny's was all fine. Dr. Ramirez faked her medical test result...ang totoong sakit ng bata no'ng in-admit siya sa hospital ay side effect lamang ng gamot na iniinom niya laban sa allergy niya. May itinuturok rin siya sa bata na dahilan ng panghihina nito araq-araw. Gahaman sa pera si Dr. Ramirez, that's why I already fired him. Tinanggalan ko rin siya ng lisensiya sa pagiging doktor dahil sa panloloko niya."

Mahabang lintanya ni, "Pa?" Hindi umiyak si papa ngunit gano'n pa man at ramdam ko ang labis na pangungulila niya sa akin. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Paanong nagawa ng hayop na 'yon ang pagpapahirap sa anak ko? How dare him! Damn him!

"It's been a long time 'nak!" Biglang lumapit si Papa sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"We're so proud of you! For raising your daughter well." Nakangiting pahayag ni Papa bago ako muling niyakap ng mahigpit.

"Group hug!" Biglang sigaw ni Sunny. Dali-dali namang lumapit sa amin ni Papa si Mama.

"Dadda, join us!" Nilapitan ni Sunny ang Dadda niya at hinila palapit sa amin.

"Group hug!" Magkakasabay naming sigaw. Grabe! After all those years, I never imagined na mararanasan ko pa 'to. 'Yong pagkakaroon ng  kompleto at buong pamilya. Dati, kontento na ako na kaming dalawa lang ni Sunny.

"Pasali!" Bigla kaming natigilan sa pagsasaya ng marinig namin ang boses ni Grace. Naka tayo siya sa may pintuan at may benda pa ang balikat niya na tinamaan ng baril kahapon.

"Bakit lumabas ka kaagad ng kwarto mo? Hindi pa magaling 'yang sugat mo hija!" Dali-daling lumapit si mama kay Grace para alalayan ito.

"Nakaka-dala po kasi 'yong happiness niyo e. Ate, masaya po ako para sa inyo!" Naluluhang ani ni Grace. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Thank you for everything, Grace. Sorry din sa nangyari sa'yo."

"Si ate Syd talaga, wala 'yon." Nakangiti niyang sabi.

"Group hug! Dahan-dahan lang at injured si Grace." Natatawa kong sabi bago kami muling nag group hug.

My Ex-Boyfriend's ComebackWhere stories live. Discover now