Chapter 21

6.4K 162 24
                                    

Miracle


--

"M-mama...P-papa?" Ulit kong tawag sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at paunti-unti ay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nila.

"S-Sunny?" Gano'n din ang ginawa ng anak ko, nangungusap ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.

Halos patakbo kong hinakbang ang kinaroroonan nila para bigyan sila ng mahigpit na yakap. Ngunit bago ko pa man sila mapuntahan ay isang makisig na bisig ang pumigil sa akin.

Nang lingunin ko ito ay nagsusumamong mga mata ni Drew ang nakita ko. He's stopping me from reaching my parents' and daughter. Tila ba ayaw niya akong lumapit sa kanila.

"Sydney, I'm here." Pabulong ang pagkakasabi no'n ni Drew. Muli kong ibinalik ang tuon ko sa kinaroroonan nila mama at papa, maging ng anak ko.

Ngunit nang lumingon ako kung nasaan sila kanina ay gano'n na lamang ang pagkagulat ko...dahil isang delikadong lugar iyon na kung saan isang maling galaw mo lang ay pwede kang mahulog, at wala na sila roon.

"D-Drew? N-nakita mo ba sila mama? Si papa at Sunny?" Tila wala sa sarili kong tanong kay Drew. Hindi umimik si Drew bagkus ay hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.

"Drew nandito sila! Ngumiti sila sa akin," Nagagalak kong pagbabalita kay Drew habang itinuturo ko sa kanya kung saan ko sila nakita kanina. Akala ko matutuwa siya sa sinabi ko, pero bigla nalang bumuhos ang mga luha sa mata ni Drew.

Napalapit tuloy ako kay sa kanya para punasan ang mga luha niya.

"Ba't ka umiiyak?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi alam kung bakit siya umiiyak, samantalang ako heto't masaya.

Masaya ako dahil sa wakas nahuli na si tita Fely at ang asawa nito na kasabwat niya sa planong pagsira sa pamilya ko at sa akin. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan sa mga ginawa niyang kasalanan. Kailangan niyang pagbayaran ang kademonyohang pinaggagawa niya!

"Ang anak natin..." Natigilan ako habang hinihintay ang mga susunod pang sasabihin ni Drew.

"Wala na si Sunny..." Tila isa iyong matulis na bagay na unti-unting bumabaon sa dibdib ko. Napahawak ako sa kanang bahagi ng dibdib ko, kung saan ramdam na ramdam ko 'yong sariwang sakit.

Napaatras ako ng bahagya ay napailing sa narinig ko mula kay Drew.

"D-Drew...joke lang 'yan diba? Tell me, Drew, you're just joking. Right?" Lumapit ako kay Drew para sabihing bawiin niya 'yong sinabi niya, dahil hindi ako naniniwala.

"Drew ano ba! Sabing bawiin mo 'yong sinabi mo diba? Drew nandito 'yong anak ko! Tinawag niya palang ako kanina! Dinig na dinig ko 'yong boses niya Drew! Sobrang linaw no'n sa pandinig ko! T-tsaka, 'yong mga ngiti niya...Drew ano ba!"

Paulit-ulit kong pinagpapalo si Drew sa dibdib niya. Ngunit bawat palo ko ay sinasalo niya lang. Hindi siya nagsasalita, patuloy lang ang pag-agos ng mga luha niya.

"Sydney!" Malakas na tawag sa akin ni Drew ngunit hindi ko siya nilingon. Dire-diretso kong nilisan ang gusali pababa sa unang palapag. Nang tuluyan na akong makababa at makalabas sa building ay patakbo kong tinungo ang sasakyan ni Drew na nakaparada hindi kalayuan sa lumang gusali.

"Fuck!" Malakas kong mura nang bigla akong matalisod ng batong naka usli sa daan.

"Sydney!" Huli na dahil naabutan na ako ni Drew. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya itong nararamdaman ko ngayon. Ang sakit-sakit! Parang gusto ko nalang din mawala.

"Drew ang anak natin!" Mahina kong iyak sa dibdib ni Drew. Narito kami ngayon sa masukal na damuhan. Hindi siya umimik, bagkus ay niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"Patapusin mo muna kasi ako," napatigil ako sa sinabi niya.

"W-what do you mean?" Umiiyak ko pa ring tanong sa kanya.

"Wala na si Sunny sa Pilipinas, ipinadala ko na siya sa State kasama ang parents mo para sa mas epektibong pagpapagaling niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig bang sabihin, totoong buhay sila? Totoong nandito sila kanina? Totoong nakita ko sila?

"Y-you mean...b-buhay talaga ang parents ko?" Paglilinaw ko. Ngumiti si Drew at tatlong beses na tumango.

"R-really? H-how come? Paanong nangyari?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Lalong bumuhos 'yong pag-iyak ko, ngunit hindi na dahil sa sakit, kundi dahil sa labis na tuwa.

Marahil dala lang ng labis na pagkasabik ko sa kanila ang mga imahe nilang nakita ko kanina.

Napahawak rin ako sa ulo ko dahil medyo nahihilo pa rin ako sa ginawa ni tita Fely kanina.

"It's a long story Sydney...gumagabi na at kailangan na tayo sa presinto. After we settled everything, we're flying to State for Sunny...and for you to meet your parents, again."

Habang sinasabi ni Drew ang mga katagang 'yon ay tila ang guwapo-guwapo niya sa paningin ko. Pero natigilan ako ng maalala ko kung paano niya ako tinakot kani-kanina lang.

"Aray! Para saan 'yon?" Inis at gulat na gulat niyang tanong matapos ko siyang sampalin ng malakas sa magkabilang pisngi niya.

"Nagtanong ka pa talaga e 'no? Alam mo bang muntik ko nang talunin 'yong gusali kanina dahil sa sobrang takot ko? Bakit mo naman kasi ako tinakot ng gano'n?" Inis kong sigaw sa kanya.

"Hindi mo man lang kasi ako pinatapos," natatawa niyang sabi habang napapakamot sa batok niya.

"Heh! 'Wag mo kong kausapin! May pa-iyak iyak ka pa nga!" Inis ko pa ring sabi sa kanya bago ko sinubukang tumayo.

"Andrew!" Pagalit kong sigaw sa pangalan niya ng higitin niya ang baywang ko, pabagsak tuloy akong napa-upo sa lap niya.

"I love you." Matamis niyang sinabi bago ako hinalikan sa labi ko na nagpatameme sa akin. It was a sweet and passionate kiss. Dahil sa pagka gulat kaya nanatiling dilat na dilat 'yong mga mata ko habang hinahayaan lang si Drew sa panghahalik niya.

Tumagal lang ang halik na iyon ng ilang segundo. Kaagad niya itong pinutol at inalalayan akong makatayo sa damuhan.

"Naghiwalay lang tayo ng anim na taon nakalimutan mo na kaagad 'yong mga itinuro ko sa'yo...kung paano tumugon sa halik ng isang guwapong Michael Andrew Claveria.." Natatawa niyang na nagpa-init ng pisngi ko. Medyo dumidilim na ang paligid ngunit nag-iinit pa rin 'yong pisngi ko dahil sa sinabi ni Drew.

"Kapal ha!" Taas kilay kong sabi bago ko siya inunahan sa paglalakad. Nakakainis!

"Wag ka nang masungit d'yan Mrs. Claveria!" Gustuhin ko mang tumigil sa paglalakad dahil sa pagtawag niya ng Mrs. Claveria sa akin ay hindi ko nalang ginawa. Baka mamaya isipin pa ni Drew na feel na feel ko naman 'yong sinabi niya. Well, hindi kaya...slight lang!

"I love you!" Muli niyang sabi sabay nakaw ng halik sa pisngi ko. Napa-iling nalang ako.

"Wala pa ring pinagbago." Naiiling kong bulong sa sarili.

"Wala man lang bang 'I love you too' d'yan?" Pangungulit niya. Naglalakad pa rin kami ngayon patungong kotse niya. Kung bakit kasi ang kayo nag pinagparadahan niya.

"Saka na 'yang kaharutan mo Drew, Sunny needs us!" Sabi ko na nagpasimangot sa kanya.

"Sabi mo 'yan ah? Pag galing ng anak natin, okay lang na harutin kita ng harutin?"

"Alam mo? Para kang bata Drew!" Natatawa kong sabi sa kanya. Bigla tuloy siyang sumeryoso ng mukha.

"Who says that I'm like a kid huh?" Pinalalim niya ang boses niya. Tawa tuloy ako ng tawa. Nang makarating kami sa sasakyan ni Drew ay kaagad kaming nagtungo ng presinto para mag file ng case laban kila tita Fely at sa asawa nito.

My Ex-Boyfriend's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon