Chapter 20

6.6K 174 7
                                    

Defrayals

--

"Para saan 'to?" Naguguluhan kong tanong kay Andrew matapos niya akong lagyan ng body camera.

"Trust me, you'll need it." He said with assurance on his eyes. Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa.

"Natatakot ako...hindi para sa sarili ko, kundi para sa anak natin," Natigilan si Drew sa ginagawa niyang paghahanda ng iba pang mga gamit na kakailanganin namin sa pagpunta sa hideouts nila tita Fely at ng asawa nitong Mafia. Tita Fely already texted me their address, at anytime ay papunta na kami roon.

Dito kami dumiretso sa mansion nila Drew. Walang tao sa mansion kaya madali kaming nakapasok sa kwarto ni Drew.

"Wala kang dapat ikatakot Sydney, dahil narito ako. Narito ako para sa anak natin, at sinisiguro ko sa'yong walang mangyayaring masama kay Sunny." His eyes was convincing. Nakaramdam ako ng kagingahawaan sa mga sinabi niya.

"Ready?" Tumango ako kay Drew ng tanungin niya ako.

"Then, let's go!" Hinawakan ako ni Drew sa kamay at patakbo kaming lumabas ng kwarto niya at bumaba ng hagdanan nila.

"I'll promised you that after this, we will live our life to its fullest." Nakangiting sinabi ni Drew nang tuluyan na kaming makalabas sa mansion nila.

Narito na kami ngayon sa kotse niya. Nakahanda na rin ang lahat ng hinihingi ni tita Fely. Hindi ko rin maintindihan si Drew kung bakit tila wala lang sa kanya 'yong mga hinihinging ransom ni tita Fely. It seems that it was just a piece of cake for him to do such things...like seriously? Five hundred million pesos and the documents of his family's business in Palawan?

Kahit na guguluhan ako ay minabuti ko na lamang na hindi na magtanong pa ng magtanong, dahil tama si Drew, mas mahalaga ang kaligtasan ng anak namin kesa sa anumang bagay.

"Paano ka naman nakasisiguro na matatapos ito ngayon?" Kunot-noong tanong ko kay Drew. Nginitian niya lang ako at hinalikan ang kamay ko.

"Let's do it together." He said and started the engine of his car.

Kagaya ng napag-usapan namin ni tita Fely, ako lang dapat ang pupunta sa sinabi niyang lugar. Kaya naman itinigil ni Drew ang sasakyan niya ilang metro ang layo sa lumang gusali na natatanaw namin pareho ngayon.

Unang nilabas ni Drew ang kulay itim na bag na naglalaman ng five hundred million cash. Kasunod no'n ay ang dokumentong hinihingi ni tita Fely.

"H'wag mong ipapakita sa kanila na natatakot ka..." Bilin ni Drew bago niya pakawalan ang kamay ko. Tumango ako sa kanya.

"...Dahil narito lang ako Sydney. Nasa tabi mo lang ako." Nakangiti niyang sabi na nagpalakas ng loob ko.

"Thank you, Drew." Tinanguan niya lang ako pagkatapos ay sumenyas siya na pumunta na ako.

Bitbit ang bag na naglalaman ng pera at brown envelope ay lakas loob kong tinahak ang masukal na daan patungong lumang gusali.

Nang makarating ako ay tatlong mga armadong kalalakihan ang sumalubong sa akin. Pwersahan nilang kinuha sa kamay ko ang bag pagkatapos ay sinilip ang laman no'n.

Tumango-tango sila ng makumpirmang totoong pera ang laman no'n. Sunod na hinablot nila sa kamay ko ay ang envelope na naglalaman ng mga dokumento ng Paradise Corp. Kagaya ng ginawa nila sa bag ay sinilip nila ang laman nito.

"Dalhin na 'yan!" Utos ng matabang lalaki sa matangkad na kasamahan niya.

"Rodolf," Napaatras ako ng bigla akong hawakan sa magkabilang braso ko ng lalaking nagngangalang Rodolf at pwersahan akong hinatak pasunod sa kanya.

My Ex-Boyfriend's ComebackWhere stories live. Discover now