Chapter 18

6.9K 148 10
                                    

Vengeance

--

"Sorry kung naniwala kaagad ako sa nalaman ko noon, ang buong akala ko kasi talaga ay ipina-abort mo 'yong anak natin."

Mababakas ang labis na pagsisisi sa boses at mga mata ni Drew nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

Bumuntong hininga ako at itinuon ang aking buong atensiyon kay Drew.

"Hindi ito 'yong tamang lugar at oras para pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na 'yan Drew." Seryoso kong tugon sa sinabi niya. Tumango na lamang siya sa sinabi ko.

Ang dami naming kailangang pag-usapan tungkol sa nakaraan namin, ngunit palagay ko ay hindi pa ito ang tamang oras. Nasa hospital pa rin kasi kami at inaagapan ang pagpapagaling ni Sunny.

Mahimbing siyang natutulog ngayon habang nasa paanan kami ni Drew ng higaan niya.

Mula kanina ay hindi na inalis ni Drew ang atensiyon niya kay Sunny. Ganito pala 'yong pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang dalawang taong importante sa buhay mo.

"Hindi mo pa rin ba sasagutin ang tawag ni Belle? Natutulog na rin naman si Sunny e, it's okay Drew. Sagutin mo na muna,"  sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi paulit-ulit na nagriring ang phone niya ngunit tila wala siyang balak na sagutin iyon.

"It wasn't important compared to this moment Sydney...mas importante itong oras na 'to ngayon kesa sa oras na gugugulin ko masagot lamang ang walang kwentang tawag ni Belle. Besides, the wedding is already off." Seryoso niyang sinabi na ikinatanga ko.

"Pero kilala mo sila Drew! Lalo na si tita Fely!" Nag-aalala kong sabi sa kanya. Kaagad akong niyakap ni Drew.

"Kagaya nang sinabi ko sa'yo noong nakaraan...kaya kitang protektahan, kayo ng anak natin. Kaya 'wag ka nang mag-alala." Malambing niyang sabi bago ako hinalikan sa noo.

"P-pero natatakot pa rin ako Drew," Hindi ko alam ngunit hindi pa rin mapanatag 'yong loob ko.

Alam ko at ramdam kong kaya kaming protektahan ni Drew...ngunit hindi ko maipaliwanag itong takot na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko alam kung para saan itong takot na bumabalot sa akin ngayon.

Imbes na sagutin pa ako ni Drew ay muli niya nalang akong niyakap ng mahigpit. Sa pamamagitan ng mga yakap niya, unti-unting napapawi 'yong takot sa akin. 'Yong takot na nararamdaman ko para sa amin ng anak ko.

"Uhm, Drew?" Bumitiw siya sa pagkakayap sa akin at nakangiting ibinaling ang tingin niya sa akin.

"P-pwedeng ikaw muna ang magbantay kay Sunny? Kailangan ko lang kasing umuwi para kumuha ng damit namin ni Sunny."

"Bakit ikaw pa? Pwede mo namang utusan na lang 'yong kasama mo diba?" Aniya. Umiling ako dahil hindi pwede si Grace. Napauwi ko na kasi ito para magpahinga. Sinubukan ko rin kasi siyang tawagan kanina ngunit hindi ito sumasagot, siguro dahil nakatulog na ito.

Magdamag din kasi siyang gising kagabi dahil siya muna ang pinagbantay ko kay Sunny habang nag-iisip ako kung ano ang pwede kong gawin.

"Hindi pwede e, pinagpahinga ko rin muna 'yong bata." Sagot ko. Nakuha niya naman 'yong punto ko kaya sa huli ay pumayag din si Drew na umuwi muna ako ng bahay.

"Sige basta mag-iingat ka okay? Don't worry, pasasamahan kita sa mga tauhan ko."

"Okay."

Habang nasa byahe ay bigla ko na namang naramdaman 'yong takot at kaba sa dibdib ko.

"Patay!" Nagulat ako ng biglang huminto 'yong sasakyan. Nakasakay kami ngayon sa itim na SUV kung saan kasama ko ang apat sa mga tauhan ni Drew.

"May problema ba?" Pagtataka ko. Walang sumagot sa kanila bagkus ay dali-dali silang bumaba ng sasakyan.

My Ex-Boyfriend's ComebackWhere stories live. Discover now