Chapter 9

6.9K 192 8
                                    

Work In Palawan 2

--

"This is Paradise Hotel, and we're staying there for months." Si miss Michelle habang inililibot niya ako.

"Tita Helen managed this before...no'ng hindi pa nagkakasakit si chairman. Kaya noong nagkasakit si chairman at hindi na magawang makalakad ay nagdesisyon siyang ipasa sa akin ang pamamahala rito." Kwento niya.

"At first, I was like; seriously? I am managing this whole island? God! I'm a model not a business woman!" Natatawa niyang sabi habang pinapa-ikot ang kanyang mga mata.

"Y-you're a model?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya...of course she's beautiful. She's more than just a model!

"Yeah. But that was just before...during my teenage. No'ng tumuntong kasi ako ng twenty doon na ako nagsimulang i-train ni tita Helen sa pagmamanage ng business."

She smiled again. I smiled back. She continued sharing her experienced in managing this island habang ako naman ay patuloy lang sa pakikinig.

"Ito 'yong magiging kwarto natin." May itinapat siyang card sa pintuan at kaagad na bumukas iyon.

"I used to stay there," ngumiti siya at inabot sa akin ang isang card.

"...this is your keycard."

"By the way, ayos lang ba sa'yo na magkasama tayo sa isang room? Dalawa naman 'yong bed if you're not comportable with---"

"Oo naman, ayos lang sa akin." Kaagad kong putol sa iba pang sasabihin niya. Iniisip niya siguro na ayoko siyang kasama sa isang kwarto. She's nice naman so bakit hindi diba?

"Thank you." Pagpasok namin sa kwarto ng hotel dito sa 12th floor ay kaagad siyang umupo sa kama.

"Gosh! I'm so tired and sleepy!" Pabagsak siyang humiga doon habang humihikab.

Pinagmasdan ko lamang siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata pagkatapos ay huminga siya ng malalim. Napangiti ako sa ginawa niya. Ang saya niya rin kasama, sa totoo lang.

Ipinalibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Kasinlaki na ang kwartong ito ng apartment na inuupahan ko sa Maynila.

Kakaunti lang ang gamit nito sa loob. Kagaya ng sinabi niya kanina, dalawa ang kama. Isang katamtamang laki at isang king-size bed.

Sa king-size bed ngayon nakahilata si miss Michelle, nakapikit pa rin siya na tila pagod na pagod at kailangang-kailangan ng pahinga.

"Sydney?" Bigla siyang bumangon at ngiting-ngiting tinawag ako.

"Y-yes?"

"Uhm...you know what? I really like you. I want you to be my close friend. I mean, alam mo 'yon? Gustong-gusto kitang maging kaibigan...'yong kaibigan na pwedeng pagsabihan ng secrets, 'yong makakausap kapag may mga happenings sa life ko o life mo..."

"...'yong mapagkakatiwalaan at 'yong makakasama sa pagm-mall alam mo 'yong mga gano'n? Alam mo kasi...wala akong friends e, I mean 'yong close friend? Hindi naman sa masama akong kaibigan ah? Kasi since I was young, naka-focus na ako sa pagwowork. In short, I was very busy. Kaya no'ng nakita kita...even six years ago, gusto na kita."

Mahaba niyang sabi na ikinatanga ko. Seryoso ba siya? Base sa pananalita niya, mukhang seryoso naman siya. Pero bakit ako?

"B-bakit ako?" Naitanong ko sa kanya.

"Why not? I know it and I feel it...you're a good person Sydney."

"Hindi ko alam kung anong sasabihin o mararamdaman ko." Pagtatapat ko.

My Ex-Boyfriend's ComebackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora