Bonus Chapter #1

2.1K 48 5
                                    

From This Moment

Nakatayo ako ngayon malapit sa altar. Habang excited at kabadong naghihintay sa babaeng pinakamamahal ko.

Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tila kinakabahan ako ngayon—gayo'ng dapat labis na tuwa lang ang dapat maramdaman ko. Because it's our day.

Nang tuluyan ng bumukas ang pintuan ng simbahan, lalo akong hindi mapakali.

Pakiramdam ko anumang oras ngayon ay hihimatayin ako. Lalo na nang makumpirma kong wala si Sydney—walang Sydney ang naghihintay ngayon sa labas ng pintuan ng simbahan para mag lakad palapit sa akin.

Dahil do'n kaya isa-isang dumapo sa akin ang naguguluhang mga titig ng aming mga panauhin.

Para bang hinahanap nila sa akin si Sydney—ang bride ko.

Tumingin ako sa kapatid ko, Michelle was Sydney's maid of honor. So, maybe, alam niya kung nasaan si Sydney at kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

May dalawang minuto na lang kaming natitira at magsisimula na dapat ang misa para sa kasal namin.

Tuluyan na akong nadismaya matapos akong sagutin ng nag-aalalang mga tingin ng kapatid ko. Ibig sabihin, hindi niya alam, wala siyang alam kung saan nag punta si Sydney.

Pero, bakit?

Did she changed her mind?

Ayaw niya na ba akong pakasalan?

Why?

What's wrong?

A lot of questions running from my mind right now. Ngunit, alam kong walang ibang makakasagot ng mga tanong ko kundi si Sydney lang.

"Where is the bride?"

"Baka nag runaway na?"

"I heard she's still twenty three, so, maybe she's not yet ready to settle."

"Hindi, may anak na kaya sila. Ang ganda-ganda nga ng anak nila. Bagay na bagay sila, ang ganda ng pamilya nila."

"So, where is she?"

"Oh my God! Hindi kaya may nangyaring masama? h'wag naman sana—"

Napa iwas ng tingin ang  babae matapos ko siya tingnan ng masama.

Hindi pa rin ako mapakali.

Gustong-gusto ko ng lisanin ngayon ang simbahan para hanapin siya. Ngunit tila nakapako ang mga paa ko sa mismong kinatatayuan ko.

Hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman ang pamumuo ng mga luha ko. Pakiramdam ko maiiyak na ako. Hindi ko alam pero labis-labis na kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Ayokong muling maulit ang nakaraan. Kung saan bigla na naman siyang mawawala at bigla na naman niya akong iiwanan.

Mabilis na lumipas ang oras. Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Wala pa rin siya. Wala pa rin ang babaeng pakakasalan ko.

Unti-unti na ring nagsisitayuan ang mga tao. Dahilan nang tuluyang pag patak ng mga luha ko.

Kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko ay ang biglaang pag patay ng mga ilaw sa simbahan. Saka ko lang napagtanto na gabi na pala dahil madilim na ang paligid gayon din ang loob ng simbahan.

Hindi ko mawari kung nabibingi lang ba ako o nagbibingi-bingihan. Wala kasi akong marinig na ingay gayo'ng biglaan ang naging pag patay ng mga ilaw sa loob ng simbahan.

My Ex-Boyfriend's ComebackTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang