Chapter 12

6.7K 189 18
                                    

Lies and Pain

--

"Why are you here?" Walang kasinlamig ang boses na iyon. Narito kasi ako ngayon sa opisina ni Drew para kuhanin ang ibang gamit na naiwan ko. I thought he's out of the country...ani ng kanyang bagong secretary.

"May naiwan lang ako." Nakataas ang kilay kong tugon.

"Sydney mag-usap nga tayo." Galit ang tono niya. Halos hindi rin ako makahinga ng marahas niyang isinarado ang pintuan ng opisina niya.

"Bakit ka nag resign? Dahil ayaw mong malaman 'yong katotohanan? Natatakot kang harapin ito?" Naguguluhan ako sa iniaasta niya ngayon. It seems like I did something wrong na walang kapatawaran.

"Bakit Drew? Bakit mo naitanong 'yan? Hindi ba pwedeng umiiwas lang ako sa gulo? Ayokong makita ka dahil naguguluhan ako! Tahimik na ang buhay ko ngayon at ayoko na ng gulo!"

"Really Sydney?" Napahilamos siya sa mukha niya. Parang gusto niya akong saktan ngunit pinipigilan niya lamang iyon.

"3 months ago...noong nakita ulit kita. Alam mo bang nasaktan ako no'n?" Kalmado niyang sabi.

"Bakit ka masasaktan, ikaw 'yong nanakit diba?" Buong tapang kong sabi.

"Shut up!" Napaatras ako ng wala sa oras dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Wala kang alam Sydney! Kung alam mo lang kung gaano kahirap 'yong ginawa ko...masasabi mo kaya 'yang mga sinasabi mo ngayon?" Natahimik ako. Hindi ko siya maintindihan.

"Ginawa ko 'yon dahil mahal kita. Mahal na mahal kita Sydney...alam mo 'yan diba?" Pumirme siya sa kanyang kinatatayuan malapit sa akin.

"Noong muli kitang makita nasaktan ako no'n. Dahil kitang-kita ko sa mga mata mo na masaya ka na sa buhay mo ngayon...at tila ba hindi ako naging parte ng buhay mo noon. 'Yong mga tingin mo...tuluyan mo na akong kinalimutan, and it fucking hurts as hell!"

Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay kitang-kita ko sa mga mata niya 'yong sakit. Ngunit gano'n pa man ay wala akong maintindihan. Tila lalo lang gumulo ang lahat.

"...paano mo nagawa 'yon huh?" Ang sakit sa mga mata niya ngayo'y biglang napalitan ng galit. Hindi siya 'yong Andrew na nakilala ko six years ago. Ibang-iba siya sa Andrew na minahal ko noon. Nakakatakot 'yong tingin niya ngayon...marahil dahil sa galit na nasa mga mata niya ngayon.

"I-I don't understand you." Umiiling kong sabi. Muli akong napaatras ng mas lumapit siya sa akin. Subalit kaagad din akong napatigil dahil pader na ang nasa likuran ko, wala na akong maatrasan.

"Stop acting like you don't know what I mean Sydney!" Nanggigigil niyang sinabi iyon. Napapikit rin ako ng makita ko ang pag-angat ng kamao niya. Akala ko ay diretso itong tatama sa mukha ko, ngunit sa pader iyon sa likuran ko tumama.

Paulit-ulit niyang sinuntok ang pader na naging dahilan ng pamumuo ng takot sa dibdib ko. He's scary as hell.

Naisin ko mang sumigaw para pigilan siya sa ginagawa niya ay hindi ko na nagawa dahil sa takot na bumabalot sa akin ngayon.

Alam kong nasasaktan siya sa ginagawa niyang pagsuntok sa pader...ngunit wala ako ng lakas para awatin siya. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko.

"D-Drew...stop it!" Sa wakas ay nakakuha rin ako ng lakas para pigilan siya. Ngunit tila wala lang ako sa kanya.

"Drew ano ba!" I shouted at him. Sa wakas ay tumigil siya. Ngunit tila naging doble 'yong galit sa mga mata niya.

"Ano bang ikinakagalit mo?" Umiiyak kong tanong sa kanya. Hinarap niya ako at tiningnan ng tinging nakakadismaya.

My Ex-Boyfriend's ComebackWhere stories live. Discover now