Chapter 8

7.1K 182 5
                                    

Work In Palawan 1

--

Alas quatro y media pa lang ng umaga subalit nakapaligo na ako at nakapagbihis na rin. Four thiry kasi ako susunduin ni kuya Bert dito sa bahay, dahil eksakto alas singko ang flight namin patungong El Nido Palawan.

Mahimbing pang natutulog si Sunny sa kwarto namin katabi ng ate Grace niya. Bago kasi ako bumangon kaninang alas tres ng madaling araw ay pinatabi ko na si Grace kay Sunny.

Kagabi ko lang inayos ang mga gamit na dadalhin ko kaya naman sinusuri ko ulit ito ng mabuti ngayon dahil baka may naiwan ako.

Isang malaking kulay brown na maleta ang dala ko. Laman ng maleta ang mga damit na kakailanganin ko sa trabaho. Nagdala na rin ako ng pamalit ko kapag hindi oras ng trabaho.

Nang masuri kong kompleto naman na ang gamit ko at wala naman na akong nakalimutan ay inayos ko na itong muli.

Lumapit ako sa natutulog kong anak, dahan-dahan ko siyang hinalikan sa noo at pisnge niya. Ayoko nang gisingin pa siya dahil baka biglang magbago ang isip ko at hindi ako tumuloy sa pag-alis. Ngunit kapag ginawa ko naman 'yon ay mawawalan ako ng trabaho, panigurado 'yon.

Mabilis na lumipas ang oras. Nalaman ko nalang na nasa labas na ng bahay si kuya Bert dahil sa busina ng sasakyan nito.

Muli kong pinunasan ang mga luha ko habang dahan-dahan kong nililisan ang kwarto kung saan natutulog si Sunny.

"Magandang umaga miss Sydney! Tulungan ko na kayo d'yan."

"Magandang umaga din po sa inyo." Nakangiti kong pagbati sa kanya pabalik.
Kinuha ni kuya Bert ang malaking maleta ko at inilagay iyon sa likuran ng sasakyan.

After thirty minutes nakarating din kami sa airport. Doon naghihintay sila Andrew, Miss Michelle at architect Robles.

"Good morning po sa inyo." Bati ko sa kanilang tatlo.

"Good morning Sydney." Si miss Michelle.

"Good morning beautiful." Si architect na may pagkindat pa. Napangiwi ako sa ginawa niyang 'yon ngunit hindi ko nalang sa kanya ipinakita.

Ayoko sa mga lalaking masyadong showy...naiinis ako sa kanila. Ayoko rin 'yong tinatawag ako sa kung anu-anong nickname...mas prefer ko 'yong tawagin nila ako sa pangalan ko.

Dahil sa ginawang 'yon ni architect Robles ay nakita ko rin ang biglang pagbabago ng mood ni miss Michelle.

Hindi ako binati pabalik ni Andrew. He stared at me like there's wrong about me. Ang lamig din ng titig niya. Hindi ko alam kung bakit ganito na naman 'yong aura niya.

Sa tatlong araw na nakatrabaho ko siya, bawat araw ay iba't-ibang pakikitungo ang ginagawa niya...and to be honest, hindi ko siya maintindihan.

Hindi naman sa apektado ako sa ginagawa niya, dahil wala lang naman sa akin 'yon. Ang akin lang ay ang hirap niya kasing basahin. Tsk! He changed a lot. Kung aalisin ko 'yong kasalanan sa akin ni Drew...I mean, kung sandali kong kakalimutan ang kasalanan niyang panloloko sa akin, sa totoo lang mas gusto ko 'yong dating siya.

Yong Andrew na mapagmahal, maalalahanin, sweet at maalaga. Mas gusto ko 'yong dating siya kompara sa ngayon...ngayon kasi ang gulo-gulo niya. I mean, yeah he looks matured now and responsible, lalong-lalo na pagdating sa trabaho. Ang nakakasira lang sa kanya ay ang magulo niyang pagkatao. Basta, ang hirap ipaliwanag!

"I'm sorry about him. Kulang lang sa tulog 'yon!"

Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si miss Michelle at kumapit siya sa braso ko. Alam niyo 'yong pakikitungo na parang close na close kayong dalawa? Idagdag pa natin 'yong matamis niyang ngiti.

My Ex-Boyfriend's ComebackOù les histoires vivent. Découvrez maintenant