Chapter 16

6.6K 167 24
                                    

Sunny's Wishes


--

It's been two weeks since Andrew and I last talked. Mula noon ay wala na akong naging balita pa sa kanya, maliban sa sinabi ni Michelle na nasa ibang bansa ito, kasama si Belle at tita Fely.

I also heard that their wedding was on last week of October, which is sa susunod na linggo na iyon. Kasal iyon ni Andrew at ng pinsan kong si Belle. Well, I'm happy for them. Wala iyon sa akin dahil masaya naman ako at kontento sa anak kong si Sunny. She's much better compared with anything else.

Hindi na rin ako ginulo ni Tita Fely, marahil dahil iyon sa pinagbigyan ko siya sa kanyang nais na layuan ko si Andrew para kay Belle.

Today is Sunny's sixth birthday! We were celebrating her birthday in Jollibee...sa paborito niyang kainan.

"Momma!" Kakalabas niya lang ng kwarto kasama ang ate Grace niya. She's wearing a barbie dress. I bought her dress three days ago at the mall. She loves barbie so much that's why she's happy wearing it.

"Baby!" I greeted her back and then kissed her on her cheeks and nose.

"Baby are you okay?" Tanong ko sa kanya ng may mapansin na naman akong panibagong pasa sa balat niya. Halos araw-araw na ata ang pagkakaroon niya ng pasa. She also looks pale. Tila nanghihina rin siya.

"Yes momma, I'm okay po." Sweet niyang tugon. Ngunit hindi ako mapakali, she doesn't look fine for me. Hindi bale, after we celebrate her birthday ay idadaan ko siya sa center para ipa-checkup.

Bago kami tumuloy sa Jollibee ay dinaanan muna namin ang ipinasadya kong cake para sa kanya, syempre barbie cake iyon.

Nang makaupo na kami sa at nakapag order na ako ay sinimulan ko ng ayusin ang cake niya. Sinindihan ko ang kandilang kasabay ng cake at itinusok iyon sa ibabaw ng cake ni Sunny. Pagkatapos ay kinantahan namin siya ng ate Grace niya.

"Happy birthday baby! Happy birthday baby! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday Sunny!"

Magkasabay naming kanta ni Grace. Tod ngiti lang siya habang umaawit kami ng ate Grace niya.

"Happy birthday baby!" I greeted her sweetly.

"Thank you, momma!"

"Happy birthday Sunny!" Ang ate Grace niya.

"Thank you, ate!"

"Wishing time!" Excited kong sabi. Na-excite rin siya doon dahil sa hindi maipaliwanag na ngiti niya.

She started closing her eyes and then says her wish.

"First of all, bago ko po sabihin 'yong wishes ko gusto ko lang po sanang mag thank you sa inyo Papa God kasi po ni-let niyo po akong magcelebrate ng another year dito sa Earth! Thank you din po kasi kasama ko 'yong momma ko at ang ate Grace ko..." Nakapikit pa rin siya habang sinasabi ang mga salitang labis na tumatagos sa puso ko.

"...Papa God ito po 'yong unang wish ko. Wish ko po na sana sa susunod kong birthday...if ever po i-let niyo ulit akong magbirthday ng isa pang taon...sana po kasama ko na 'yong Dada ko, gustong-gusto ko na po kasi talaga siyang ma-meet e."

Nagkatinginan kami ni Grace dahil sa unang wish ni Sunny.

"...Second, Papa God sana po bago niyo po ako kunin ay magkaroon po muna kami ng family bonding nila Momma at Dada!"

I was hopeless of removing Andrew in my life. Sunny's longing for him and as a mother, I want her to have her Dada. But, how can I do that?

"Momma are you and Dada already married?" Saglit niyong idinilat ang kanyang mga mata itanong sa akin ang katanungang nagpalaki sa aking mga mata.

"Why did you asked that?"

"Just answer me momma," naka-pout niyang sabi.

"Hindi e," sagot ko na ikinatuwa niya.

"Yes!" Halos pasigaw niyang sinabi iyon. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata bago ipinagpatuloy ang pagwi-wish niya.

"Papa God, sana rin po ay maging flower girl ako sa wedding ng momma at dada ko...please po? Thank you!"

Matapos niyang sabihin iyon ay nakangiti niyang iminulat ang kanyang mga mata.

"Iyon lang po 'yong mga wishes ko momma!" She said and then blew her candle.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga narinig kong wishes ng anak ko o ano. But since its her day, minabuti ko na lamang na panandaliang isantabi ang isiping bumabagabag sa akin ngayon.

"Let's eat na?"

"Okay po." Napatigil ako dahil tila hinihingal si Sunny. She can't breathe properly!

"Baby, are you okay?" Ngumiti siya at tumango lang sa akin. Ngunit kasabay ng pagtango niya ang unti-unting pagkawala ng malay niya dahilan ng pagkataranta ko.

"Sunny!" Tanging naisigaw ko na lamang.

--

"How's my daughter Doc?" Nanginginig ang buong katawan ko kaya pati boses ko ay apektado nito. I was shivering when I asked the doctor who take care of Sunny.

Ito 'yong unang pagkakataon na nagkasakit ang anak ko. Kaya naman gano'n na lang ang takot na naramdaman ko kanina habang nasa Jollibee kami. Ni hindi manlang nakakain ang anak ko dahil sa biglaan niyang pagkahimatay.

"Nasa pamilya niyo ba ang pagkakaroon ng blood disease?" Mahinahong tanong ng Doctor. Umiling ako dahil wala naman akong natatandaang may pamilya akong mayroong sakit sa dugo.

"Wala naman po Doc, bakit niyo po natanong?" Kalmado ngunit may bahid pa rin ng panginginig ang boses ko.

"I'm sorry to tell you this but your daughter is positive with cancer."

Sunod-sunod ang pagsibagsakan ng mga luha ko. I can't believe this! Bakit ang anak ko pa?

"N-no...nagkakamali lang siguro kayo Doc e, diba po? Please tell me that it is not true! Na nagkakamali lang kayo!" Sigaw ko sa kanya. Halos yugyugin ko ang buong katawan niya para bawiin niya 'yong sinabi niya. Imposible! Paanong nagka-cancer ang anak ko ha?

"She's suffering Acute lymphocytic leukemia...it's a blood cancer misis." Dagdag niya pa na lalong nagpa-iyak sa akin ng malakas. Halos maglumpasay na ako sa sahig para lang ipabawi sa kanya 'yong maling balita na ibinalita niya sa akin ngunit ayaw niya talaga itong bawiin.

"Miss Agustin calm down...her disease is curable. Maaari pa naman itong magamot---"

"Sa anong paraan Doc? Chemo? Dok masyadong bata pa 'yong anak ko!" Iyak kong sigaw sa kanya.

"Iyon lang ang paraan...I'm sorry."

Pagkaalis ng doktor ay nanghihina akong napaupo sa sahig. Grace was just there at my side, para alalayan ako ngunit hindi iyon sapat sa panghihinang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan para danasin ang hirap na 'to.

Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit 'yong anak ko pa? Pwede namang ako nalang diba? Ako na lang sana...h'wag lang 'yong anak ko.

Napakasakit at napakahirap nitong balita para sa akin. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang kaarawan mismo ng anak ko?

Sana ako na lang. Masyadong bata pa 'yong anak ko para pahirapan ng ganito! She's too young for this kind of suffering!

Fuck!

Bakit ang daya-daya palagi sa'kin ng mundo?

My Ex-Boyfriend's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon