Chapter 19

6.5K 145 11
                                    

Ransom

--

"Bakit mo hinayaan Drew?" Galit at labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa sarili at para sa anak ko.

Nangako akong sasamahan ko siya at poprotektahan laban kanino man, ngunit hindi ko 'yon nagawa dahil sa kapabayaan ko. Mas inuna ko pang umuwi ng bahay kesa manatili sa tabi ni Sunny.

"I'm sorry, I fell asleep." Mahina niyang tugon. Kita ko rin na tila wala pa rin siya sa sarili niya. Wala akong ibang dapat sisihin rito kundi ang sarili ko. Napakawalang kwenta kong ina!

"Pero 'wag kang mag-alala---"

"Sinabi mo na 'yan kanina Drew! Pero ano? May nagawa ka ba? Drew may sakit 'yong anak natin! May sakit si Sunny Drew!" Hindi ko na napigilan 'yong emosyon ko kaya nasigawan ko na si Drew. Gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam kung ano 'yong uunahin ko sa dami ng problemang kinakaharap ko.

Unang-una ay ang problema sa pagkamatay ng parent's ko. Pangalawa si Grace na binaril ni Belle, at ito ngayon...ang pagkakuha ni tita Fely kay Sunny.

"I'm sorry--"

"Sorry na naman? Ano bang nagagawa ng lintik na sorry mong 'yan Drew? May nabago ba?" Frustrated kong sigaw sa kanya habang ginugulo ang buhok ko. I was really hopeless now! I don't know what to do anymore.

"Hintayin na lang natin ang tawag nila." Mahinang sabi niya. Natigilan ako at nilingon siya.

"Really Drew? Bakit parang wala lang sa'yo na kinuha nila si Sunny? Bakit Drew? Hindi mo ba mahal 'yong anak natin?" Sunod-sunod kong tanong na ikinagulat niya.

"Of course I love our daughter! Kaya lahat gagawin ko para sa kanya! Kahit na ngayon ko lang siya nakilala mahal na mahal ko na kaagad siya Sydney! Kaya sana naman h'wag mong kinu-question 'yong pagmamahal ko sa kanya!"

Natauhan ako sa ginawang pagsigaw ni Drew. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa magkahalong emosyong nararamdaman ko. Napayoko na lamang ako dahil wala na akong ibang maisip.

"I'm sorry for shouting you...I didn't mean it." Nagsusumamo niyang sabi. Hindi ako kumibo. Hinayaan ko lang na mangilig ang mga luha ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Let's go." Wala ako sa sariling sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta nakasunod lang ako sa kanya.

Tila nagising ang diwa ko dahil sa malakas na pag-ring ng cellphone ko.

"Hello?" Nanginginig ang boses kong bungad sa unknown number na tumawag sa akin.

"Sydney my dear? How are you? Hinahanap mo na ba ang anak mo? Well, well, well! She's in my hand, my dearest niece!" Humalakhak siya, 'yong halakhak na nakakainis. Kung pwede ko lang siyang saktan gamit ang cellphone ko ay kanina ko pa ginawa.

"Walanghiya ka! Bakit mo dinamay 'yong anak ko rito? Napakawalang puso mo!" Anumang pilit kong tapangan 'yong boses ko dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanya ngayon ay hindi ko magawa...dahil pinalalambot ito ng pagmamahal ko sa anak ko. Namalayan ko nalang na umiiyak na ako at nagmamakaawa sa tita Fely ko na ibalik na sa akin si Sunny.

"Kawawa ka naman, awww" pang-aasar niya na tila ba isa akong bata lamang.

"Ibalik mo siya sa akin!" Sigaw ko ngunit sunod-sunod na halakhak lamang ang isinagot niya sa akin.

"Five hundred million pesos Sydney! Kapalit ng buhay ng anak mo."

Hindi ako nakapagsalita sa narinig ko. Kahit isang milyon ay wala ako. Saan naman kaya ako kukuha ng limang-daang milyon? Nababaliw na ba siya?!

"Hindi lang 'yan...gusto ko rin ang titulo ng kompanyang pag-aari ng mga Claveria sa Palawan. Tell Andrew to give me the documents of Paradise Island Resort in Palawan...and take note, nakapangalan dapat iyon sa asawa ko. Naiintindihan mo ba Sydney my dear?"

"Hayop ka! Hayop!" Paulit-ulit kong sigaw sa kanya.

"Sige! Ibigay mo sa amin ang eksaktong lokasyon mo at kung anong oras." Kalmadong sabi ni Andrew na ikinagulat ko.

"Are you insane?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"Buhay ng anak natin ang nakasalalay rito Sydney." Napatango-tango ako.

"Opps! Gusto ko ikaw lang Sydney ang pupunta sa akin. Ikaw mismo ang magdadala ng ransom na hinihingi ko." Dagdag niya na ikinatanga ko.

"Fine!" Malakas na sigaw ni Drew.

"Good. Then, we're fine." Si tita Fely ang unang bumaba ng tawag. Saka lang ako nakahinga ng maluwag matapos ang usapan namin.

Napatingin ako kay Drew ng kuhanin niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon.

"Everything's gonna be fine. Just trust him..." itinuro niya ang imahe ni Papa God na nakasabit sa unahan ng kotse niya. Gustuhin ko mang ngumiti pabalik kay Drew ay hindi ko magawa.

My Ex-Boyfriend's ComebackWhere stories live. Discover now