Chapter 2

8.4K 209 9
                                    

Boss

--

"Good morning momma! Good luck on your first day!"

Kaagad gumuhit sa labi ko ang ngiti dahil sa tamis ng bungad sa akin ni Sunny.

"Good morning too, baby." Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap at maraming kisses sa mukha niya.

"Ang aga atang nagising ng baby ko?"

Alas sais pa lang ng umaga e, may isa't kalahating oras pa siya para matulog dahil 7:30 pa naman 'yong pasok niya.

"Of course momma para po makapag goodbye ako sa inyo." Nakangiti niyang sabi.

"Aww." Pinisil ko ang pisnge niya, kagaya ng madalas kong gawin tuwing natutuwa ako sa kanya.

"Okay, basta pagka alis ni momma mag sleep ka ulit ha?"

"Titingnan ko lang po momma..."

Matapos naming magkulitan ay si Grace naman ang sunod kong kinausap para ibilin sa kanya kung anong oras ang pasok at labas ni Sunny sa school.

"Grace, since hindi mo pa naman alam 'yong school ni Sunny ang gawin mo ay mag tricycle nalang muna kayo. Sa Angel's Academy kamo sabihin mo sa driver ng tricycle na sasakyan niyo." Mahabang sabi ko.

"7:30 'yong pasok niya. Pagkahatid mo sa kanya sa school para hindi ka ma-bored at magawa mo 'yong gusto mong gawin pwede mo siyang iwanan do'n tapos balikan mo nalang siya ng 10:00 AM."

"Sige po ate, noted po lahat." Aniya.

"Salamat Grace. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko ha? Mag-iingat kayo."

"Opo ate. No problem po. Ingat din po kayo, tsaka Good luck po sa first day niyo!"

"Salamat." Sagot ko.

Matapos kong ibilin ang lahat kay Grace ay kinuha ko na ang bag na dadalhin ko pagpasok.

I am wearing a corporate attire na prinovide ng company na papasukan ko. A color black skirt na above the knee at kapares nitong longsleeve.

Dahil hindi ako sanay sa pagsusuot ng maiiksi ay naisipan kong magsuot ng stocking para hindi gaanong expose 'yong natural kong balat.

Itinali ko rin ang mahaba kong buhok para hindi ito maging pang gulo sa mukha ko, at para maaliwalas ang mukha ko.

Lastly, I wear a black shoes na may tangkad na isang pulgada.

"Goodbye baby! Magwo-work na si momma." Nakangiti kong paalam sa anak ko.

"Take care momma, I love you!" She gave me a kiss on my left and right cheeks.

"I love you too baby!"

Paglabas ko ng bahay ay nakaparada na sa labas ang isang malaking kulay itim na van. Marahil ito na 'yong libreng sakay ng kompanya.

Nakakatuwa nga dahil halos lahat libre. Imagine, pati 'yong transportation ay sila pa 'yong nagprovide. Mukhang galante ang may-ari ng Paradise Corporation.

Pagpasok ko sa loob ng van ay halos puno na ito. May sari-sarili din silang mundo kaya bale wala silang pakialam sa pagpasok.

Matagal na siguro silang empleyado ng company kaya naman parang close na silang lahat.

Sabagay, ako lang naman itong baguhan dito.

Mahigit kalahating oras din ang byinahe namin bago kami tuluyang nakarating sa kompanya.

Pagkatigil na pagkatigil ng van ay nag-unahan silang bumaba, kagaya ng eksena kanina pagsundo sa akin ay parang hindi ako nag-eexist. Ang seryoso naman ata nila masyado.

My Ex-Boyfriend's ComebackWhere stories live. Discover now