Chapter 1

9.6K 224 21
                                    

Success

--

"Good day, Miss Claire Sydney Agustin! We would like to inform you that you passed your final interview in our company. We are hoping to see you working with us tomorrow or within this week. Congratulations and Good luck! Greetings from Paradise Island Corporation."

Kakabukas ko lang ng email ko at ito ang bumungad sa akin. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang binabasa ang email na 'yon. Parang maiiyak ako na matutuwa, na hindi ko alam.

"Ah! O M G! Wah! Natanggap ako! Natanggap ako!" tuwang-tuwa kong sigaw. Dahil sa labis na tuwa kaya hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagsigaw habang patalon-talon pa ako sa ibabaw ng kama ko.


"Yehey! Finally! Yess!" Todo talon pa rin ako habang nakayakap sa cellphone ko, kung saan ko narecieved ang email na 'yon.

Finally, after six years makakapagtrabaho na rin ako sa isang kompanya. Magagamit ko na rin ang kursong tinapos ko.

"Momma, why are you so noisy in there? Gosh!"

Isang nakabusangot na mukha ng batang babae ang nagpatigil sa akin sa ginagawa kong pagsasaya sa ibabaw ng kama.

"O M G baby! Waaah come to momma, bilis!"

Nagmamadali akong bumaba sa kama para lapitan ang anak ko. Nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya ay kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Baby, may trabaho na si momma! Yes!"

Hindi ko pa rin maitago ang sayang nararamdaman ko.

"May pambayad na tayo ng upa natin buwan-buwan!"

"Mabibilhan ka na rin ni momma ng maraming toys!"

"Tapos kapag day off ni momma makakapag shopping na tayo together! Hindi ba ang saya no'n?" Excited at tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.

"Momma, you don't have to buy me a lot of toys. I am happy and contented with barbie. . ." ipinakita niya sa akin ang lumang barbie niya. Laruan niya pa ito noong one year old pa lang siya, hanggang ngayon na five years old na siya.

"You are enough for me, Momma. I love you!" Naiyak ako sa mensahe ng anak ko. Muli ko siyang niyakap at ginawaran ng maraming halik sa pisngi niya.

"You're so sweet, baby. I love you too." sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.


After our drama ay nagpasya na akong mag asikaso ng breakfast namin dahil may pasok pa si Sunny.

Sunny Andrea Agustin was my five years old daughter. She's now in kinder and I am happy that I raised her well.

Six years ago, matapos kong mabisto ang panloloko sa akin ni Andrew ay siya ring tuluyang pagpapalayas sa akin ni Tita Fely.

Sobrang hirap ng sitwasyon ko nang mga panahong iyon. Naging palaboy ako sa kalsada. Nasubukan kong mamalimos para lang may makain ako at hindi maapektuhan ang baby ko.

Hanggang sa nahanap ako ni tita Rosie, si tita Rosie ay ang kapatid na babae ni Papa. Sinama niya ako pauwi sa probinsya nila sa Masbate. Doon ko ipinanganak si Sunny, pagkatapos ko ring manganak ay pinag-aral din ako ni tita Rosie.

Sa kabila ng pang aabanduna sa akin ng mga taong mahal ko, ay natagpuan ko rin ang totoong pagmamahal na hinahangad ko, at iyon ay sa piling ng tita Rosie ko.

Matandang dalaga si tita Rosie kaya naman hindi siya nagdalawang isip na kupkupin ako, kahit na maaga akong nabuntis. I was  sixteen years old that time. I was only sixteen, nang maranasan ko ang iba't-ibang uri ng hirap at sakit.

My Ex-Boyfriend's ComebackWhere stories live. Discover now