EPILOGUE

7 0 0
                                    

Sa ilang buwan matapos ang nangyari, tumuloy na si Venus sa Bataan mula sa condominium ni Kenzo. Nagkakaroon ng mga pagkakaiba kay Venus physically, mentally, and emotionally. Halata ang baby bump nito at sa tantsiya nito ay nasa pitong buwan na at ilang linggo ang natitira ay mailalabas ang kanyang anak.

Pero sa kalooban ni Venus ay sobrang nagsisi sa kanyang ginawa matapos itong iwanan ni Ethan sapagkat ay nadala lamang nito sa nangyari nang malaman ang mga nagawang mali ni Cheska na nagpaalala sa sakit ng nagawa noon ni Ethan sa kanya, lalo't pa ay ang dahilan ng pagkakawatak-watak ng damdamin at pagtatabuyan nito.

Kamusta na kaya siya? Sana magiging okay siya. Ayan ang madalas na tanong ni Venus sa kanyang isipan.

"Iniisip mo nanaman siguro siya noh?" tanong ni Shane na nakahiga sa duyan kay Venus na pinagmamasdan ang paligid. 

Mula nang manatili si Venus sa Bataan ay madalas nang pumupunta sina Kenzo at Shane para malaman ang kalagayan nito at sa dahilang gusto ring bisitahin ang kanilang kaibigang nagdadalang tao. Minsan na rin isinama ang ina at kapatid ni Venus na sina Mariz at Victoria. Hindi pa rin nalalaman ni Ethan na nasa Bataan ang kanyang minamahal na si Venus at gusto rin ng huli ay h'wag itong ipaalam. 

Imbis na sagutin ni Venus ang tanong ay bumuntong hininga na lang ito at umupo sa tumba-tumba o rocking chair na matatagpuan sa kanilang terrace. 

"Hindi mo masagot tanong ko dahil alam mong nagsisi ka sa ginawa mo sa kanya at iniisip mo na quits kayo na ginawa sa'yo noon ni Pinsan. Ni hindi mo pa nga sinasagot sa'yo 'yong taong nililigawan mo tapos indirect mong iniwan!"

Alam naman ni Venus kung sino ang tinutukoy ng kasama nito sa kanilang usapan pero hindi niya ito initindi bagkus mas iniisip niya ang kanyang anak na malapit nang maisilang at paano ito i-kompronta kay Ethan. 

"Samahan mo naman ako Shane sa bayan, may bibilhin lang ako." yaya ni Venus sa kaibigan niya na ninanamnam ang pagkahiga sa duyan. 

Bago pa man sila pumanhik sa bahay ng lola ni Venus ay may biglang kumatok sa pinto. Nagtingnan ang dalawa na parang nagtataka dahil wala silang inaasahang bisita kahit man ang mga kapitbahay nito. 

Kahit man naguguluhan ay binuksan ni Shane ang pinto dahil may kinakalkal si Venus sa kanyang bag. Nagulat ito sa nasaksihan dahil isa sa mga taong hindi nila inaasahang pumunta sa bahay, si Anastacia. 

Nakasuot ito ng bulaklaking dress at color baige na flat shoes, nakalugay ang buhok at light ang make-up nito. Sa lima or anim na buwang hindi nagkita matapos ang naudlot sa kasal nila Ethan, na isa sa mga planong nagawa ni Cheska para siraan ito. 

Dere-deretso pumasok si Anastacia sa bahay at umupo ito sa sofa na parang siya ang may-ari ng bahay, hindi pa rin nagbabago ang ugali o asal nito mula sa mga asta niyang ipinakita sa kanyang pamilya. Tahimik nang tumingin si Anastacia sa buong paligid ng bahay. Manghang-mangha ito dahil iyon ang pinapangarap na bahay niya na makaluma ngunit moderno ang mga gamit pero may iilan pa ring mga antigong gamit na ginagamit ng lola ni Venus, si Lola Conchita. 

Pigil mang magsalita si Shane ng mga masasama ay pinapanatili lang niyang maging tahimik at gawin ang mga dapat kapag may bisita. Lumapit ito kay Venus sa hagdan, na nakahanda ito sa paglisan mula sa bahay papuntang bayan.  

"Sino iyo-" 

"Si Anastacia." hindi man lang tinapos sa tinatanong ay sinagot agad ni Shane na nakabusangot ang mukha nito. 

Napakunot na lang ng noo si Venus dahil ito ay may dalawang salita lamang ang tumataktak sa isipan nito, una ay ang pagkagulat at pangalawa ay pagkagulo. Nagmadali ngunit maingat ito naglakad dahil ito ay buntis. Tinuro lang ni Shane kung nasaan si Anastacia nakalagi. 

Say "Baby I Do"Where stories live. Discover now