Chapter 37

17 1 0
                                    

[Not Edited]

Venus

Hindi natuloy ang aking panganganak dahil ayon sa isa pang doktora na sumuri sa akin ay naging maayos ang kalagayan ng baby sa tiyan pero ngayon ay kailangan ko magdoble ingat dahil bilang na lang sa daliri kung kailan ako manganganak.

Bantay sarado ako ngayon, lalo't maselan ang aking pagbubuntis ngayon. Lahat ng aking kilos at kinakain ay nakabantay na. Sa una mahirap lalo't ang mga cravings ko ay mahihirap hanapin pero habang tumatagal ay nasasanay na.

Hindi ako nag-iinarte sa pagkain dahil ganon talaga ang kalagayan ng isang buntis!

"Parang iritable ka ngayon ate?" tanong sa'kin ni Victoria habang kinakain ang kanyang popcorn. 

Nanood kami ng isang animated movie na bigay sa'min ni Ethan para iwas sa heavy emotions na nakakasama sa bata.

Napabalik sa aking wisyo at kumuha ng popcorn na hawak nito. "Hindi naman, may iniisip lang ako." sagot ko nito tsaka kinain ang kinuhang popcorn. 

Tumango ito at bumalik ang kanyang atensyon sa panoood. Ako naman ay nagpaalam kay Victoria na pumunta sa kusina para kunin ang apple juice na ginawa namin kanina. 

"Venus!" my head turned around when my spirit call my name. Kung sino ang espirito na sinasabi ko ay ang lalaking nakatayo sa pintuan ng kusina na nakamewang pa. 

Nilabas ko na ang mga kailangan sa refrigerator at kumuha ng baso sa cabinet. Lumapit ito sa'kin at kinuha ang mga hawak kong baso. "Bumalik ka na sa panood baby and ako na magdadala sa sala nito." nakangiti nitong presenta. I nod and proceed to sala para ituloy ang panood. 

Ilang sandali ay bitbit na ni Ethan ang isang tray at nilapag ito sa lamesita. Pagtingin ko ay may tatlong baso ng apple juice at limang slice na paborito kong flavor na pizza, ang Hawaiian Flavor lalo't mas gusto ko ang maraming toppings na pineapple. Hindi ko alam sa mga tao ngayon kung bakit nila ayaw sa pineapple. Maraming nutrients, like Vitamin C for boosting immunity system,  Vitamins A, B6, E, K at Calcium na makukuha mo. 

Kung ayaw niyo sa pineapple, mas ayaw sa inyo ng pineapple!

"Are you okay baby, is there any problem in pizza?" nag-aalalang tanong ni Ethan. Agad naman akong umiling at kinuha ang isang slice ng pizza tsaka nilantakan ito. 

"Uminom ka na ng vitamins?"

Napatigil ako sa pagnguya nang tanungin ni Ethan. Napakamot na lang ako sa ulo dahil nakalimutan ito inumin.

"Tsk, how many times to tell you na inumin ang mga vitamins for baby's health?" pagsusungit nitong sermon.

"Sorry na po." pagtawad ko nitong saad sabay nagpuppy eyes sa kanya.

"Pasalamat ka dahil mahal kita kung hindi.." pambibitin nito.

"Kung hindi ano?"

"Syempre wala kaya nga kita mahal."

Bigla nagkaroon ng buffering sa aking utak ukol sa pahayag na binitaw sa'kin. Kaya binigyan ng isang batok nito sa ulo.

"Aray naman baby, akala ko may matatanggap akong I love you sayo, isang masakit na batok pala." ngiwi nito sa sakit habang hinihimas ang kanyang ulo.

"Bagay sayo yan, puro ka dada nang dada diyan ang mga pinagsasabi mo hindi ko na naintindihan." singhal ko nito sabay pout.

Inis nitong tumayo at tinungo ang kusina. Sinundan ko lamang ito ng tingin nang mapadako ang aking mga mata sa kanyang matambok na pwet.

Sa tagal ng pagtitig ko nito ay halos mahubaran na ito sa aking imahinasyon.

Nilapag niya ang isang bote ng vitamins sa lamesita at tumingin ito sa'kin na parang inaakit. Lalapit na sana ako nang bigla niyang hinarang sa mukha gamit ang kanyang mahabang kamay.

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon