Chapter 39

4 0 0
                                    

Venus

"May kasunduan na mangyayari sa kanila at hindi nagawa ni Cheska ang bagay iyon na ikapapahamak ni ate." 

Nagulat ako sa sinabi ni Victoria. Bakit ako mapapahamak? Anong hindi nagawa ni Cheska na dahilan ng ikapapahamak ko?

"A-anong hindi nagawa ni Cheska? Bakit ako mapapahamak? Anong kasunduan iyon?" sunod-sunod kong tanong nito. Tinignan ko sila isa-isa maliban kay Mommy na nakatayo ito at inililigpit ang mga pinggan. 

"Victoria, siguro hintayin natin sina Kuya Ethan at Kuya Kenzo sa labas galing sa shop at mukhang may binili ang mga kuya mong kolokoy." pagyaya ni Shane kay Victoria. Tumayo naman sila at nilisan ang dining room at sumama na rin si Mommy sa kanila. Tanging kaming dalawa na lang ni Cheska ang naiwan dito.

Nananaig ang katahimikan sa paligid, ni-isa sa amin ang hindi nagsalita. Marami akong gustong itanong at sabihing masasakit na kayang ilabas ang mga saloobing naaayon sa aking damdamin, pero hindi ko mailabas dahil sa pagtitimpi ko.

"Venus, sorry!" bakas ang boses nito na parang pagsisisi sa nagawa niya.

"Bakit mo iyon nagawa?" kalmado kong tanong nito kay Cheska na nagsisimulang tumulo ang mga luha. 

Hindi niya ito sinagot kaya napailing ako dahil hindi ko na kaya ang aking sarili at hindi makontorlado ang damdamin. Tumayo ako para lumapit sa kanya tsaka ko binigyan ng malakas at mag-asawang sampal na siyang dahilang pagkatumba nito. 

Pinagsasabunot at ilang sampal ang nagawa ko, hindi ko na makontrol ang galit na nararamdaman, "Bakit mo iyon ginawa, Cheska?!" muli kong tanong dito at gigil kong hiniwakan ang baba nito. 

Kita ang pagputok ng labi nito dahil sa lakas ng mga sampal ko pero hindi ko iniisip ang mga iyan dahil mas gugustuhin ko ang mga pahayag ni Cheska dahil gusto kong malaman tungkol sa mga mali niyang nagawang ikapapahamak sa akin. 

"Sagutin mo ko!" sigaw ko nito. Puro pag-iiyak nito ang aking natatanggap tipong isang bata na binibigyan ng disiplina mula sa kanyang mga magulang, ayan ang makikita mo kay Cheska ngayon. 

Ilang beses ko pa ito sinampal at sinabunutan ang kanyang buhok at mabuting palad na hindi ito nanlalaban sa akin dahil sa mga nagawa kong pananakit. Sa huling sampal ay doon ako nakaramdam ng paghawak sa aking braso at paglayo nito mula kay Cheska. 

"Tama na Venus, tama na!" taranta nitong pagpigil ni Ethan sa akin. Sina Shane at Kenzo ay tinutulungan si Cheska na parang lantang gulay ang katawan nito. 

Nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko dahil sa aking galit na nararamdaman. Hindi ko na makontrol ang aking sarili at gustong-gusto sugurin muli siya pero hawak ni Ethan ang aking mga braso para hindi ako pumiglas. Sa totoo lang, kulang pa ang mga ginawa ko sa kanya.  

Lumapit si Shane sa'kin at inalalayan akong umupo,"Teh kumalma ka muna. Nakakasama iyan sa bata."  pag-alo nito sa akin sabay ininom ang basong tubig na hawak ni Ethan.

Pagkatapos ko nito ay huminga sandali at nang nahimasmasan ako ay tinignan muli si Cheska na tumigil ito sa pag-iyak at nakaharap ito sa akin. Nasa likuran niya naman si Kenzo na naka-crossed arm while Ethan ay sumandal sa tabi ng refrigerator namin.

"Venus, gurl pakinggan mo muna ako at sana maintindihan mo ako."

Tahimik lang ako nakatingin sa kaniya habang nakataas ang kilay ako. Kung kailan ako nagdadalang tao tsaka ako nagkakaroon ng mga bad attitude sa iba.

"While Ethan courting you, nagkaroon ako ng feelings sa kanya." panimula nito. 

"Alam mo iyong ako nag-plano ng blind date para sa inyo tapos ako pala ang nagkagusto sa taong mahal niya. Ang saya ko para sa'yo na magkadikit sa isa't-isa pero deep inside nasasaktan ako. Only time na nagtapat sa kanya pero wala, ikaw ang bukam bibig ni Ethan."

Say "Baby I Do"Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt