Chapter 28

25 13 0
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

"Cheska, may alam ka bang trabaho na bakante?" tanong ko rito na busy sa pag-aayos ng camera.

"Ilang buwan ka na bang naghahanap na trabaho at ilang buwan ko ring sasabihin sayo na company nina Ethan ikaw magtrabaho, kahit secretary niya para maalagaan yung baby mo." irita niyang sagot habang nagseset-up nang ilaw at camera para sa video niya.

"Tanga, edi sana naging babysitter ang trabaho ko hindi na secretary niya." I rolled my eyes tsaka bumalik sa paghahanap ng trabaho sa dyaryo.

Tama nga si Cheska, ilang buwan na rin akong naghahanap ng trabaho dahil fresh graduate at pahirapan ako nito. Kahit anong trabahong pwedeng i-apply, pinasahan na ng resume pero wala pa rin na kahit anong tawag mula sa mga inapplyan ko na dumarating.

Huminga muna ako nang malalim dahil nai-stress ko ang sarili ko. Pumunta muna ako sa kusina at tinungo ang refrigerator para kunin ang pinakamamahal kong comfort food, ang pizza. Plinug-in ko ang microwave tsaka pinasok ang pizza, sinet ko ito sa tamang oras para mainit nang kainin.

"Venus, ang dumi ng bahay mo tsaka may dumating na mga bills." reklamo nito sabay hikab. Hawak niya ang mga envelope na 'bills' ang laman nito.

"Nakikitira at nakikisampid ka lang rito Cheska remember." I roll my eyes when I said to her.

Binigay na sa akin nina mommy at daddy ang bahay na ito. Simple lang, hindi kalakihan at hindi rin kaliitan yung sakto sa aming apat.

Kinuha ko naman ito tsaka tinignan ang laman nito. Mukhang tama si Cheska, mga bills nga na kailangan bayaran. Konti na lang ang natira sa perang pinadala nina mommy. Nahihirapan na ako mag-isip kung anong gagawin dito.

Napasapo na lang ako sa noo dahil sa stress, stress ng bayarin.

No choice ako ngayon kundi kausapin si Ethan mamaya para magtrabaho sa kompanya nila.

-----

"Hindi ka magtratrabaho, manatili ka diyan sa bahay!" maawtoridad nitong sabi. Magkavideo call kami ngayon dahil nasa trabaho pa ito at mamaya pang alas-sais ang labas nito.

"Paano yung gastusin ko rito sa bahay?" tanong ko rito.

"Ako sasagot ng mga gastusin mo sa ngayon habang wala pa yung padala sayong pera." sagot nito.

"Tch!" inis kong binaba ang tawag tsaka niligpit ang laptop.

Lumabas muna ako sa kwarto at bumaba para makapagluto na ng magiging hapunan namin ni Victoria. Bago ako pumasok sa kusina ay nakita ko si Victoria na nahihirapang gumagawa ng assignment nito, nilapitan ko para tulungan siya at umupo sa tabi nito.

"Assignment mo?" tanong ko rito sa batang naguguluhan sa assignment.

Tumango naman ito tsaka pinakita sa akin ang isang Math textbook. "Eto ate Venus nahihirapan ako intindihin about proportion at ratio." kamot ulo nitong sabi.

Ginulo ko ang buhok nito. "Mana ka talaga sa akin." biro ko nito sa bata.

Tinuruan ko na ito simula sa definition at examples nito. Hinihimay ko ito para mas lalong maintindihan niya ang topic.

"Ate Venus, thank you sa pagturo! Mas magaling ka po sa teacher namin sa math." galak nitong aniya.

"Ganon talaga kapag magaling sa math!" pahumble ko nitong sabi sabay tawa.

"Oh siya, magluluto muna ako ng magiging hapunan natin. Ituloy mo iyan." paalam ko rito tsaka tumayo papuntang kusina.

"Ate Venus, huwag--"

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon