Chapter 23

41 16 0
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

"Venus" pagtawag sa akin kung sino man.

"Venus, gising na." sabi kung sino mang nanggising sa akin at masasapak ko.

"Hoy Venus Courtney Alicia, bangon na at alas-singko na ng hapon!" sigaw ni Cheska at tinapat pa talaga sa tenga, nagising din ang mga tutuli sa tenga ko. Pagkabangon ko sabay sapak sa kanya.

"Aray naman gurl, ang sakit mo naman manapak." napangiwi nitong sabi sabay himas sa pisngi.

Wag niyong inisin talaga ang bagong gising at walang lovelife. Bwisit!

"Oh bakit niyo ba ako ginigising, inaantok pa yung tao?" matamlay na may halong inis kong tanong. Umupo muna ako sa kama dahil medyo malabo mata ko, alam niyo naman kapag kakagising lang.

When my eyes vision clearly, nagulat ako sa suot nina Cheska, Shane at Florian. Wait, andito si Florian? Bakit mga pang-alis suot nila? May pupuntahan bang itinerary ngayong alas-singko ng hapon?

"Uy, bakit kayo nakaganyan yung suot?" taka kong tanong sa kanila. Definitely suot nila dapat ngayon is pambahay.

"May nakita kaming kainan dito sa resort na alam naming magugustuhan mo." may galak nitong sabi dahil halata naman sa mata nito.

Sa sinabi niya ay parang napapaisip ako. I think eto na siguro yung quality time naming apat na makakasama.

"Sige. Maliligo lang ako." kaya tumayo na ako saka tinungo na ang banyo.

"Bilisan mo at maraming tao sa pupuntahang restaurant." habol nito at sabay tingin kay Florian "Alam mo pwede ka nang maging dyosa pero dapat kasing level tayo kaya aayusan kita." sabi nito na sinimulang ayusin si Florian na nakasimangot dahil hindi naman mahilig sa make-up nung taong inaayusan niya.

--------

"Before tayo pumasok magselfie muna tayo." pagyaya ni Shane na naglabas pa ng monopad. Ilang take din ng pictures iyon bago kami makapasok ng restaurant. Wait, parang pangsosyal yung restaurant na ito. Nakikita ko ito dati sa tv, one of the best restaurant sa buong Ilocos because of their ambiance, politeness of the crew, and also their delicious food.

"Venus, maghanap ka na ng lamesa para sa atin, mag-cr lang kami nina Rian at Shane." utos nito sa amin tsaka humiwalay kami ng way. Tumitingin ako sa mga lamesa kung may bakante pero halos lahat ng lamesa ay mga naka-upo. Hanap ako ng hanap ng pwesto hanggang sa naka-akyat na ako sa second floor na kung saan tanaw yung view ng dagat. Ramdam ko yung simoy ng hangin, ang sarap singhutin.

May nakita akong dalawang upuan na ipinagtaka ko. "Ahm, kuya?" pagtawag ko nito na busy sa paglilinis ng mga baso.

"Yes po Ma'am?" pagharap nito sa akin, medyo gwapo din itong crew nila ah? Makapag-apply nga. "Kuya eto na lang ba na lamesa na natitira dito?" tanong ko nito. Tumango naman siya bilang sagot. Kaya umupo na ako sa upuan at hinihintay yung dalawa kong kasama.

Tinext ko na si Shane kung nasan sila at may nakahanap na akong pwesto namin. Habang naghihintay ay tinitignan ko mabuti yung dagat at ang mga tao sa baba na nagbobonfire. Ang sakit sa mata yung mga kasama nila yung magjowa na nakaholding hands habang tinitignan din yung langit at dagat.

Kung pwede lang ibuhos ng mas mataas sa kanila yung tubig dahil sira na yung image ng dagat. Charing lang!

Sa haba ng pagtingin ko ay hindi na namalayan na mag-alas otso pasado ng gabi. Sa kakahintay ko ay kinuha yung tubig na nakalagay sa lamesa tsaka ininom. Dahil sa pagkauhaw ay nakadalawang baso na ako ng tubig.

Say "Baby I Do"Where stories live. Discover now