Chapter 17

90 23 1
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

ring ring

"Anong oras na ba?" tanong ko sa sarili ko at tumingin sa cellphone ko. 5:45 am na kaya dumeretso na ako sa banyo para gawin ang daily routine ko.

Pagkatapos ko gawin ang aking daily routine ay as always naghahanda ng pagkain si Vanessa dahil pang-umaga na ang kanyang pasok sa Amersia. Yes! Tama ang iyong nabasa, nag-aaral si Vanessa sa Amersia as a Marketing student.

"Venus. Sabay na tayo pumasok maaga kasi ang pasok ko kapag Wednesday." papaalala nitong sabi at tumango na lang ako bilang sagot. Sabay na kaming kumain ni Vanessa at nagpresenta na siyang maghugas pagkatapos nito. 

Habang naghuhugas si Vanessa, ako naman ay may tinatype na document about sa project and for sure hinahanap nanaman ito ng mga school journalist yung article ko. Mahirap na maging student council, nakakapressure especially sa ganitong event or project na dala-dala ko yung pangalan ng paaralan.

"Tara na Venus?" paanyaya nito at mukhang naka-ayos na ang bruha.

"Teh, bago muna tayo umalis ayusin mo muna yang lipstick sa labi. Lagpas na kaya." panduduro ko nito sa kanyang labi dahil sa sobrang kapal na akala mo pupunta ng bar at itong si uto-uto tumingin sa salamin.

"Wala ka. Ganito talaga ako maglagay ng lipstick." parang walang alam sa sinasabi ko. Natawa  na lang ako ng di oras at umalis na kami ng dorm.

--------
"HAPPY 32ND FOUNDING ANNIVERSARY AMERSIA FOREIGN SCHOOL!" ayan ang nakalagay na tarpaulin sa harap ng gate. Jusq! Nahiya silang gawing "RIP AMERSIA FOREIGN SCHOOL!" De charot lang baka expelled ang Lola niyo sa school na ito.

Humiwalay na kami ng landas ni Vanessa dahil pupunta pa ako ng office para ituloy ang pagtype ng article. Habang tinatahak ko ay may nakikita akong mga estudyante na nag-aayos ng kanilang mga booth na pagdadausan for whole week. 

May nakikita akong mga booth na magbubukas mamaya. Student Council ang humahawak at namamalakad sa ganitong event sa school. As a student council president, tinitignan ko mabuti ang mga booth kung may nailabag ba sila o wala but as of now wala pa namang gumagawa ng nakakasama sa mga estudyante before start the booth. 

Habang naglalakad ako ay may nakita akong magandang booth na naattract sa mga mata ko, ang "Book Worm Booth". Ayan ang nakalagay sa kanilang pintuan. Pagpasok ko nito ay nakita akong parang nasa isang cafe na library style. Na-amaze ako sa ganda ng kanilang disenyo at pagkakaayos ng booth nila. Habang nakatingin ay may biglang pumalakpak kaya napatingin ako kung saan man. 

"Welcome to Book Worm Booth Ms. President!" nakangiti sabi ng isang lalaki sa isang gilid na may inaayos siya. Nice! Ang ganda ng ngipin niya at ang cute niyang tignan. 

"I'm Florian Zephyr De Lara from Economics Department." pagpapakilala nito. 

"Hi Florian, nice to meet you! By the way ang ganda ng booth mo ah." nakangiti kong sinabi. 

"Ikaw lang ang maghahandle nito?" tanong ko nito. Mukha kasing hindi niya kaya ang ganito kung siya lang diba? 

"Ahm opo Ms. President. Pero tutulungan naman ako ng mga kaibigan ko." sagot nito. 

"Ahh I see. Atsaka don't call me Ms. President, just Venus." natatawa kong sabi kasi puro Ms. President ang sinabi baka maging Presidente na ako nito ng Pilipinas. Char lang!

"Sige po Ms. President este Venus." nahihiya niyang sabi. Ang cute niya pero nafefeel ko na hindi siya straight guy. Oopz! Bawal judgemental guys. 

"Nice to meet you again Florian and goodluck sa booth mo. Babalik ako dito." nakangiti kong sabi at nagpaalam sa kanya. 

Paglabas ko naman ay tumingin ako sa cellphone at may nagtext sakin. Si Cheska. Alam ko na ang message nito, tungkol nanaman sa blind date na inisip niya. Hays! Binalik ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at tumungo na sa student council office. 

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon