Chapter 32

41 13 1
                                    

[Not Edited]

Venus

Normal day which means normal life. Ganyan ang nararanasan ko after the storm pero nagbago lahat nang dumating ulit siya sa buhay ko na parang nagflash sa'kin ang lahat ng mga ala-ala namin na napakasakit, ala-alang dapat nang kalimutan.

"Venus!" napabalik sa aking realidad nang tawagin ako ni Cheska na mukhang may pupuntahan ata itong binyag sa suot nitong white blouse and jeans.

"Ano, kamusta yung last blind date mo? Masaya ba? May nangyari ba?" sunod-sunod nitong tanong.

"Ayos lang." walang kabuhay-buhay ko nitong sagot tsaka uminom ng kape sa tumbler.

Napatango lang ito at tumabi sa akin dito sa cashier counter. "Kwento ka naman diyan sa nangyari." aniya na sabay siko sa aking tagiliran. Dakilang chismosa ng taon si Cheska Hwang!

Hindi ko na lang pinansin at umupo sa isang upuan para makapagpahinga dahil kanina pa ako nakatayo rito sa kakahintay ng customer. "Grabe parang ibang tao naman ako sayo Venus!" tampo nito. "Ayaw magkwento palibhasa yung mahal niya ang nakasama sa huling blind date!" bulong pa nitong na may panunukso sa akin.

Bumuntong hininga ako at umayos ng upo. "Oo na, eto na magkukwento na ako Cheska." pagsuko ko ritong sabi na ikinangiti ni Cheska.

Tumikhim muna ako at may hawak akong liham na pinoportray ko si Charo ng MMK. "Dear Cheska, ito ang nangyari kagabi sa huling blind date ni Venus..."

FLASHBACK

Akmang aalis na sana ako nang may humawak sa aking palapulsuhan para pigilan.

"Please Venus, huwag ka muna umalis." aniya at ang mga mata niya ay may pinapahiwatig na gawin ko na ang huling blind date namin.

"Please!" he said while his eyes was forcing me to say 'Venus baby isipin mo na date natin noong anniversary natin' something like that pero ewan, kasi parang ako lang ata nag-assume sa pinapahiwatig niya.

Huminga ako ng malalim at umupo sa kandungan niya este sa bakanteng upauan.

"How are you now Venus?" tanong nito habang nakapatong ang kanyang mga kamay sa baba nito.

Uminom muna ako sandali ng tubig dahil bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit basta kinakabahan ako ngayon.

"I'm o-okay n-now." I answer it and smile him bitterly.

"Well that's good." he said while getting his phone. He check who is ringing at his phone and I think it's calling. I don't know who it is and I don't care kung sino pa ang tumawag sa kanya.

"Hello Anastacia, I'm here at the restaurant." siguro hanggang ngayon sila pa din at nagpasakal este nagpakasal na nung naghiwalay na kami.

"No, I have a meeting with my business partner." business partner on your face.

"Okay honey bye, I love you!" ewww h'wag nga kayo mag-I love you sa harap ko, kumukulo yung dugo ko sa inyo.

Sakto ang pagdating ng waiter dala ang pagkain at wine bottle. Pagkalapag pa lang nito ay nilagyan ko na ng laman ng wine glass hanggang sa mapuno ito at deretsuhan kong nilagok, ramdam ko ang kakaibang hagod sa aking lalamunan.

Say "Baby I Do"حيث تعيش القصص. اكتشف الآن