Chapter 5

184 45 0
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

"Uhm may girlfriend ka na ba Pat?" Tanong ko sa kanya. Kakasakay lang namin ng sasakyan at kakadrive niya lang. Medyo awkward yung atmosphere dahil first of all, kakakilala pa lang namin.

What should I do?

There was a moment of silence before he replied, "Yep meron pero na sa ibang lugar siya." Malungkot niyang sinabi.

Nasa ibang lugar?

"Nasa ibang lugar?" tanong ko.

Nakita ko siyang ngumiti ng mapait, "Oo, iniwan niya na kasi ako." pagpapaliwanag nito.

Nanahimik ako, "Ay.. Sorry kung natanong ko." pagpapaumanhin ko sabay tingin na lang sa salamin.

"Okay lang nasanay naman na kasi ako." sabi nito, pagkatapos nanahimik ulit siya.

And there it is again, the awkward moment enveloping the atmosphere. I hate stuffs like these but I guess I have to endure it for awhile.

"Dun tayo sa park, pasyal tayo then after this ihahatid kita sa inyo." Sabi niya habang nakatitig sa drive way. Tumango nalang ako, not wanting the situation to be more awkward than it is already.

Nang binuksan na niya yung radyo, doon nalang ako nakahinga ng maayos kasi seriously, nabawas bawasan din yung pagkailang namin sa isa't isa. Salamat at naisip niyang gawin yun.

Nang makarating kami sa isang park ay agad kaming tumungo sa isang dancing fountain, not to mention na nakaayos pa ako nung pang pageant pati rin siya. Pero mukhang walang pake si Patrick at patuloy sa pagbaba. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sabay alalay sa akin kaso sinabi ko na okay lang ako kaya hinayaan niya na lang ako.

Nang makarating kami doon sa fountain ay inilabas niya ang kanyang cellphone at nag-selfie kami. Maraming kaming napicturan ata, mostly puro epic faces namin. Medyo lumuluwag na kasi pakiramdam ko sa kaniya, nakakatawa pala siya eh noh?

I love it.

Pagkatapos namin mag picture ay pumunta kami sa isang tindahan ng fishball at agad siyang bumili. Binilhan niya ako ng limang tuhog ng kikiam at limang tuhog ng fishball. Bumili din siya ng gulaman pag nauhaw daw ako then umupo na kami sa isang bench.

"Venus, sa anong lahi ang mga Alicia?" Tanong niya sakin sabay kain ng kikiam.

Ngumuya muna ako bago sumagot, "Mga British kami from my father's side." Sagot ko at sabay kain ng fishball.

Tumango ito, "Ahhh kasi may kilala kaming pangalan, Mariz C. Alicia partners sa business namin." Sabi niya.

"Uh oo she's my mother!" Sabi ko na ikinatango niya ulit.

Seriously, ang awkward.

Agad kong inubos ang fishball ko pati na rin yung iniinom kong gulaman.

"Tapos na akong kumain." informed ko.

"Tara?" yaya nito na ikinatango ko.

Nag-ikot ikot muna kami sa park, and I hate being honest but yes, I had fun. Tawa ako ng tawa habang nag-jo-joke si Patrick. He's so silly, and I like it. Meron panga nun one time sumakay siya ng rides tas nagslide dun sa playground, at seriously mukha siyang batang damulag doon. Tinatawag pa akong "mommy" ni kupal, galing ano? Andami pang tumitingin, nice.

Nang matapos na kami, naglakad na kami pababalik ng sasakyan, padilim narin kasi e. Habang naglalakad e bigla siyang nagsalita, "So Venus, did you have fun?" tanong nito.

Napatingin ako sa kaniyang poging mukha — opo mukhang natitipuhan ko na siya, problema natitipuhan niya ba ako? — "Oo naman, bakit hindi?" tawa ko.

Say "Baby I Do"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora