Chapter 7

156 43 0
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

"Anong balak mo this Christmas Break bakla?" tanong ni Cheska sakin habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen.

Bigla akong napatulala kung anong balak ko this holiday. Siguro last celebration ko is nung nagkakasama kami ng family ko.

I miss my family.

"Uy Venus, bakit ka nakatulala?" napabalik na ako sa wisyo nang nagsalita si Cheska.

"Gurl may problema ka? I'm willing naman na pakinggan." sincere niyang sinabi sakin.

"I'm okay. Thank you sa concern Cheska." sabi ko nito sabay ngiti sa kanya.

"Halika na gurl at yung mga bulate sa tiyan ko nagrurumble na." Sabi nito at napatawa sa kanya.

------

"Ano nga Venus, anong balak mo this Holiday?" tanong ulit ni Cheska sakin.

"Wala eh." malungkot kong sagot nito.

"Eh paano ka magcelebrate ng Christmas at New Year niyan?" tanong nito ulit sakin. 

"Wala lang. Parang normal day na sakin ang mga yan atsaka kung pupunta naman ako sa mga kamag-anak ko, nakakahiya naman." sagot ko nito.

"Tsaka noong medyo bata pa ako ang huling holiday dahil kasama ko ang family ko." dugtong ko pa sa sinabi ko.

"Asan na ba ang family mo pala?" curious niyang tanong. 

"Wala sila palagi tuwing Pasko always sila nasa business trip." malungkot kong sinabi. 

FLASHBACK

December 22

May nagring  sa telepono ni Lola Conchita sa isang mesa. Agad ko itong sinagot. 

"Hello po. Sino po sila?" 

"Hello anak. Ang daddy mo ito. Kamusta ka na diyan sa Bataan?" pangangamusta nito sakin. 

"Okay lang po ako. Di pa ba kayo pupunta dito? Miss ko na po kayo. Asan si Mommy?"

"Miss ka namin ng Mommy mo. Nako Di ko kasama ang mommy mo nasa Japan siya para maging counterpart ko sa meeting. Ako nandito sa Korea para kausapin naman yung foreign business partner tsaka sa 24 na kami makakapunta dahil hindi pa kami tapos sa trabaho eh alam mo naman ang business natin." sabi pa nito sakin. 

"Ay ganon po ba, sige po. Sasabihan ko si Lola tungkol dito. Ingat po sa pagbyahe. Love you po."

"Love you din nak." sabi nito bago ibaba ang telepono.

Namimiss ko na sina Mommy at Daddy, ako kasi ang unija hija nila. 

"Sino yun apo?" tanong ni lola sakin. Mukhang galing sa kusina. Hmmm! mukhang masarap ang naamoy kong ulam ngayong tanghalian ah? HAHAHA!

"Ah ano po si Daddy po tumawag." sagot ko nito.

"Bakit daw napatawag?" tanong ni lola sakin habang paupo ito sa tumba-tumba

"Sa 24 na po sila makakauwi dito lola." galak kong sabi.

"Nako. Tamang-tama maghahanda ako ng sakto satin sa Noche Buena." galak din ang sinabi ni lola. 

"Halika na pala apo at kumain na tayo. niluto ko yung favorite mo tuwing almusal." paanyaya nito. Mukhang mabubusog ako nito. Hahahaha! 

Gumayak na kami papuntang kusina at kumain ng masaya.

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon